Chapter 8: (Warning ⚠)

3.2K 65 4
                                    

“We're going home Iris Ainsley Mitsukhi” pag tawag niya sa buong pangalan ko dahilan para magsi taasan ang balahibo ko. This is the first time na tinawag niya ako sa buong pangalan ko. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o kikiligin dahil binanggit niya ang pangalan ko tapos apilyedo niya.

Nabigla na lang ako ng higitin niya ako papalabas ng bar hanggang sa makarating kami sa kwarto namin.

“What the f*ck was that Iris? Hindi ka ba nahihiya? Nasa harapan ka ng asawa mo pero nakikipag landian ka sa iba?” galit na tanong niya. Dahil sa sinabi niya mas lalo akong nagalit. Ang kapal ng muka niyang sabihin sa akin yon!

“Bakit ikaw lang ang pwede? Kung kaya mong mambabae kaya ko rin mang lalaki. Saka ang unfair naman kung ikaw lang ang pwedeng mag loko.” pabalik na sigaw ko sa kaniya. Sumosobra na siya eh. Ang tagal ko nang nag titiis kapag nag dadala siya ng babae tapos ako bawal mang lalaki.

“Hindi pa rin yun ang excuse mo para makipag landian ka. Nandito ako oh, yung asawa mo hindi ka man lang nahiya?” galit na sigaw niya sa akin.

“Wow ha, asawa pala kita? Hindi ko naman kase nararamdaman dahil wala kang pakielam sa akin. Alam ko namang si Ate ang mahal mo kaya hinahayaan na lang kita kahit nasasaktan na ako ng sobra. Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin kapag umuuwi ka habang nakikipag halikan sa iba't ibang babae samantalang ako sinasaktan mo. Masakit dahil yung ibang babae nagagawa mong mahalikan, mayakap at maka usap ng maayos tapos pag dating sa akin binubugbog mo ako. Nasasawa na ako Kierro, masyado na akong nasaktan dahil sayo.” hindi ko na napigilan ang sarili ko at nag simula na akong umiyak.

“You always make mad Iris, that's why i always beat you up. Saka nakatira ka sa pamamahay ko kaya wala kang karapatan mag reklamo. Ako ang masusunod doon dahil ako ang lalaki sa ating dalawa!” hindi ko na napigilan ang sarili ko at malakas ko siyang sinampal

*PAKKKK*

“Wow ha hindi lang ikaw ang may karapatan Kierro! Kung ikaw lang naman ang masusunod kapag nasa loob ako ng pamamahay mo, mas gugustuhin ko pang umalis. Mas gugustuhin ko pang tumira sa bahay ng iba kung ganiyan lang din naman ang pag trato mo sa akin. Nakaka sawa na Kierro, sawang sawa na ako!” sigaw ko sa kaniya. Kung akala niya ay nag loloko ako pwes hindi. Sa bahay na lang ako ng pinsan ko matutulog kung sa ganiyan lang mag tutungo ang awauly namin. Kung noon hinahayaan ko siya pwes ngayon hindi.

Kita kong masyado siyang gulat hindi makapag salita kaya inunahan ko na siyang mag salita.

“Kailangan na muna natin siguro mag hiwalay. Sa bahay na ako ng pinsan ko uuwi. Hindi ko kayang makita ka sa ngayon. Kung gusto mo ng hiwalayan na permanente na huwag kang mahihiyang mag sabi. Iabot mo lang sa akin yung divorce paper pipirmahan ko kaagad yun para sayo.” Kakarating lang namin dito kahapon pero kailangan ko nang umalis. Masaya pa sana eh, nasira lahat dahil sa kaniya. Mas gugustuhin ko pang umuwi kaysa maka sama pa siya.

“Fine! Umalis ka sa bahay, lumayas ka wala akong pakielam! Buhay mo yan eh wala akong pakielam. Mas mabuti nga yun dahil makakapag uwi ako ng babae kahit kailan ko gusto. Saka hindi ko makikita ang pag mumuka mo! Sasaya pa ako kapag umalis ka.” akala ko pa naman pipigilan niya ako, pero siya pa pala ang mag tataboy sa akin. Akala ko pa naman mag sosorry siya pero wala. Siguro nga ginamit niya lang ako, hindi na nakakapag taka.

Agad kong kinuha yung bag ko at inilagay ko ang mga gamit ko. Dadaanan ko na lang bukas yung mga iha kong gamit sa bahay niya kapag wala siya doon at nasa trabaho. Wala naman akong kotse kaya hindi ko alam kung kanino ako mag papasundo. Habang nag iimpake ako ay naalala ko si Janiel. Agad kong idinial ang number niya at tinawagan siya.

“Hello Janiel? Nasaan ka? Pwede bang mag pasun—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang agawin ni Kierro yung cellphone ko at hinagis niya ito dahilan para tumama ito sa dingding at mabasag. Halos maiyak ako dahil yun yumg cellphone na ibinigay niya sa akin.

TOXIC RELATIONSHIP SERIES #6: Toxic Love With Mr Womanizer [COMPLETED]Where stories live. Discover now