Chapter 3

2.9K 52 3
                                    

Kasalukuyan akong nag aayos ng sarili ko dahil sa may pupuntahan kaming reunion ngayon. Hindi ko pa rin talaga alam kung bakit naisipan ni Kierro na sumama doon. Wala naman talaga aking balak pumunta doon dahil nakakahiya. Nag suot ako ng Offshoulder dress ngayon, isa ito sa bigay ni Tita Kamilla sa akin. Palagi niya akong binibigyan ng mga magagandang damit tuwing nabisita siya sa mansion ni Kierro.

Nakakatuwa dahil mahal na mahal ako ng buong pamilya niya, maliban sa kaniya. Kahit ilang beses kong subukan hindi niya talaga kayang i let go si Ate.

“Iris! Bilisan mo!” sigaw niya kaya nag mamadali akong nag bihis. Buti na lang ay naka pag make up na ako kanina.

Nang matapos na akong mag bihis ay agad akong nag tungo sa baba. Malamig niya lang akong tinitigan bago siya nag lakad palabas ng mansion. Sumunod na lang ako sa kaniya at lumabas na din kaagad ng mansion. Pinagbuksan ko ang sarili ko ng pinto sa may backseat dahil alam kong ayaw niya ng may kalapit. Kaya lang naman ako umupo nung nakaraan sa tabi niya ay dahil may mga gamit sa likod. Ngayon wala na kaya dito na ulit ako uupo.

Nang makasakay na ako ay nag simula na siyang mag maneho. Tumahimik na lang ako dahil baka kapag nag salita pa ako ay magalit siya. Gumawa ng group chat sila at nabasa ko sa mga chat nila na nandoon na sila sa venue. May mga nag send ng picture na patunay na nandoon na sila.

Nag ce-cellphone lang ako hanggang sa makarating na kami sa venue. Maraming tao ang bumungad sa amin nang makapasok kami sa loob nito. Agad akong sinalubong ni Jellie, isa sa mga highschool friends ko at dinala niya kami sa table nila.

“OMG! It's been a long time since we last met Iris, your still as beautiful as ever. Natatandaan mo pa ba sila?” tanong niya sa akin habang tinuturo yung ibang mga taong naka upo sa table.

“Oo naman Jellie, si Aaron, si Molly, si Cara, si Felicity at siyempre si Janiel. Grabe na miss ko kayong lahat.” masayang ani ko bago ko sila isa isang niyakap. Silang lahat ang mga highschool friends ko, kasama ko sila sa pag cucutting at detention kapag nahuli kami.

“Wow beh may kasama kang pogi? Ipakilala mo naman siya sa amin.” ani ni Molly habang umiinom ng alak. Si Kierro ba ang tinutukoy nila? Pero papaano ko nga ba siya ipapakilala sa kanila?

“Siya si Kierro Shinn Mitsukhi kai—”hindi ko natapos ang aking sasabihin nang mag salita si Kierro.

“I'm Kierro Shinn Mitsukhi, husband of Iris Ainsley Mitsukhi. Nice to meet all of you. My wife always tells me about her friends and I'm happy to meet you all in person.”nakangiting aniya ni Kierro sa kanila bago kami naupo sa upuan.

“Ang swerte mo naman Iris nakahanap ka ng asawang katulad niya, gwapo na mayaman pa.” saad ni Cara. Swerte? Kung alam mo lang Cara ang totoong ugali ni Kierro. Magaling lang siyang mag panggap para hindi masira ang reputasyon niya.

“Oo nga beh, bukod sa may ari na siya ng maraming company mukang gentle man din siya. Kung ako sayo hindi ko hahayaang hiwalayan niya ako.” wika naman ni Molly. Muka ba siyang gentleman? Kung bugbugin niya nga ako wagas. Pero wala naman akong magagawa kung hindi mag panggap dahil nararamdaman ko ang mahigpit na pag kakahawak ni Kierro sa aking hita. Para bang binabantaan niya ako.

Nginitian ko na lang sila ay nag simula na kami g kumain nang dalhin nung waiter yung pag kain namin. Nag kwekwentuhan pa rin silang lahat habang ako naman ay nanatiling tahimik. Wala akong masabi dahil baka mamaya madulas ako at masabi ko sa kanila ang tungkol sa mga pag papahirap na ginagawa sa akin ni Kierro.

Patuloy akong kumakain nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Nang mapatingin ako kung saan ito napansin kong kay Kierro pala siya nakatingin. Malagkit itong nakatingin kay Kierro habang kagat kagat niya ang ibaba niyang labi. Parang familiar sa akin itong babaeng ito, parang siya si Valeri isa sa mga classmates kong bully noon.

TOXIC RELATIONSHIP SERIES #6: Toxic Love With Mr Womanizer [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon