Chapter 17

3K 61 3
                                    

“Janiel nasaan na yung durian? Kanina ko pa gustong kumain non!” sigaw ko habang nasa kusina si Angelica at si Janiel naman ay nag bubukas ng durian.

“Wait lang Iris, malapit na akong matapos.” aniya ni Janiel pabalik bago siya bumalik dito at inabot niya sa akin yung durian. Siyam na buwan na akong buntis pero hanggang ngayon ay nag lilihi pa rin ako sa durian. Manganganak na lang ako't lahat pero nag lilihi pa rin ako. Ang nakakapag taka pa doon ay favorite fruit pa ni Kierro yung pinag lilihian ko.

Nung nasa hospital kami ay naoag pasyahan kong itago na muna ang tungkol sa pag bubuntis ko at pumayag naman silang dalawa. Sobrang thankful ako sa kanila dahil inaalagaan nila akong dalawa at tinitiis nila yung attitude ko lalo na't palagi akong galit. Wala na akong narinig na balita kila Kierro at Ate dahil nandito kami ngayon sa Laguna kung saan may bahay si Janiel.

Ang sabi niya ay mas mabuting umalis muna kami ng maynila kung gusto kong itago ang pinag bubuntis ko dahil may possibility daw na puntahan nila ako. Okay lang naman sa mga magulang ni Janiel na dito kami muna tumira dahil close naman kami ni Tita. Saka palagi niya din kaming dinadalhan ng mga pag kain.

Nalaman ko na rin na babae ang magiging anak ko nung nag punta kami sa hospital para magpa ultrasound. Tuwang tuwa si Janiel dahil nanalo siya sa pustahan nila ni Angelica. Masaya naman ako ngayon habang nag bubuntis ako pero hindi pa rin nawawala sa isip ko si Kierro. Iniisip ko pa rin siya. Gusto ko siyang makita pero hindi maari.

Habang kumakain ako ng durian ay bigla ko na lang naramdaman na kumirot yung tiyan ko. Hindi ko ito pinansin nung una pero kinabahan ako nang mas lalo itong kumirot. Agad akong tumayo para pumunta sa kusina at sabihin ito kay Angelica nang maramdaman kong napa ihi ako. May parang tubig na likido nag umagos mula sa hita ko. At doon na nag simulang sumakit ang tiyan ko dahilan para mapa sigaw ako.

“Anong nangyayari?” kinakabahang tanong ni Angelica nang makita niya akong naka lamyak sa sahig. Agad na sumunod si Janiel at nang makita niay ako ay agad niyang kinuha ang susi ng kotse niya.

“Sobrang sakit ng tiyan ko Angelica, manganganak na ata ako.” sigaw ko dahilan para mas lalo silang mataranta. Dahan dahan akong binuhat ni Janiel at isinakay sa kotse. Hawak hawak ko ang kamay ni Angelica habang pasakit ng pasakit ang tiyan ko.

“Shh kumalma ka Iris, manganganak ka na. Makikita mo na yung baby mo. Huwag kang mag alala dahil tutulungan ka namin ni Janiel.”pag papakalma ni Angelica sa akin habang hinihimas niya yung buhok ko.

“Kinakabahan ako Angelica, papaano kung mahirapan ako? Ano nang mangyayari kay baby?” kinakabahang tanong ko sa kaniya habang mahigpit akong napapa hawak sa kamay niya.

“AGHH! Ang sakit Angelica.” lumuluhang saad ko sa kaniya habang hawak hawak ko ang tiyan ko.

“Kaya mo yan Iris, malakas kang babae kaya alam kong kakayanin mo iyan.” pag papalakas niya sa loob ko.

Maya maya lang ay nakarating na kami sa hospital at ipinasok na nila ER. Doon ako umire ng todo todo kahit sobrang sakit. Mahigpit pa rin akong nakahawak sa kamay ng bestfriend ko habang pinapakalma niya ako.

Hindi ako tumigil sa pag ire hanggang sa maramdaman kong lumabas na ang anak ko at bigla akong nang hina. Hinihingal ako nang nililinis nila yung baby ko at inabot sa akin. Nang mag mulat niya ang kaniyang mata ay ganon na lang ang gulat ko nang makita kong kulay asul ang mata niya. Bigla akong kinabahan, bakit mag kaparehas sila ng kulay ng mata ni Kierro?

“Mata pa lang kay Kierro na nag mana.” nakangising aniya ni Angelica habang pinag mamasdan niya ang muka ng anak ko.

“Anong ipapangalan mo sa kaniya. Napaka ganda ng muka niya oh. Ayan ngumingiti ito.” masayang aniya ni Angelica.

“Irayne Kiarra Lajara.” aniya ko bago ko pinag masdan muli ang muka niya. Baby pa lang siya pero kita ko na agad ang tangos ng ilong niya. Nakaka inis man isipin pero mukang si Kierro ang makaka muka niya.

_

“Hello Kiara. Napaka cute naman ng baby namin, ang ganda ganda eh.” aniya ni Angelica habang nilalaro niya si Kia. Kakalabas ko lang mula sa hospital kahapon at ngayon ay nandito na kami sa bahay. Natatawa ako dahil si Angelica ang nag aalaga kay Kiara habang kumakain ako.

“Ngayon ko lang napansin, mukang mahilig ka pala sa baby.” aniya ni Janiel habang pinapanood niya si Angelica.

“Oo naman, ang cute kaya nila. Ang sarap pisilin ng pisnge.” masayang saad ni Angelica.

“What if gumawa din tayo ng baby. Para may baby ka na rin. Tutal mahilig ka naman sa baby.” aniya ni Janiel dahilan para maibuga ko yung iniinom kong tubig. Ano? Teka tama ba yung narinig ko? Gagawa sila ng baby?

“Sira ulo ka ba?! Manahimik ka na nga lang jan.” inis na saad ni Angelica pero kita ko sa muka niya ang pamumula. Teka, don't tell me may something dito sa dalawang ito?

Napapansin ko lang, para kaseng close na close na silang dalawa. Umabot na sa punto na nakita ko silang mag kayakap.

“Ang ganda ng anak mo Iris. Kaso ang kamuka ay si Kierro.” aniya ni Janiel dahilan para matawa si Angelica.

“Oo nga sa true lang.” pag sang ayon ni ni Angelica bago siya tumingin sa akin.

“Parang sinasabi niyo na hindi ko kamuka ah.” nakangusong saad ko sa kanila. Hindi ko ba talaga kamuka yung anak ko?

“Malakas siguro ang dugo nila Kierro. Ikaw yung nag dala pero siya yung kamuka.” natatawang aniya ni Janiel. Talaga namang pinagtawanan pa nila ako!

“Okay lang yan Iris.” aniya ni Angelica habang pinipigilan niya ang sarili niyang tumawa. Hays wala naman akong magagawa kung hindi tanggapin na hindi ako yung kamuka ni Kiara, pero nakakatampo talaga. Siyam na buwag akong nag dadasal na sana ako yung maka muka pero si Kierro pa rin. As much as i hate to admit it, naaalala ko si Kierro tueing nakikita ko ang anak namin.

_

“Mommy!” sigaw ng anak ko habang nag aayos ako ng baon niya para sa school ngayon. It's been five years since nung ipanganak ko si Kiara at heto siya ngayon malaki na. Kagaya nga nung hula nila Angelica ay si Kierro nga ang magiging kamuka ni Kiara.

Lumipat na kami ngayon sa Manila pero medyo malayo sa mansion nila Kierro. Kailangan kong pumunta dito para mag trabaho dahil ayaw ko nang maging pabigat kila Angelica at Janiel. Nakatira kami ngayon dito sa isang bahay na inuupahan ko. Nahihirapan ako sa pera pero palagi kong sinisigurado na makukuha ng anak ko. Handa akong mag trabaho para lang maibigay ko lahat ng gusto niya.

Ngayon ang unang araw ng pasukan niya at medyo kinakabahan ako. Hindi kase ako sanay na wala ang anak ko sa tabi ko. Saka para sa akin ay baby ko pa rin siya.

“Mommy? Asan ka na po? Malalate na po ako sa school.”  aniya ng anak ko nang makarating siya sa kusina kung saan ko inaayos ang mga pag kain niya.

“Wait lang po baby ko. Malapit nang matapos si Mommy.” aniya ko bago ko siya niyakap at hinalikan sa noo. Tinapos ko na lahat ng ginagawa ko dahil ihahatid ko na siya sa school. Kaunting lakad lang naman ang school niya kaya hindi na kami sumasakay sa trycicle.

Nang maayos ko na ang mga gamit niya ay binuhat ko na ito at umalis na kami.

“Mommy, Tito Papa told me that pupunta daw sila mamaya ni Tita Mama dito sa bahay.” aniya ni Kiara habang nag lalakad kami. Agad na lang akong tumango biglang oag responde at naglakad kami hanggang sa makarating kami sa school niya.

“Mommy ba-bye na po.” pag papaalam ng anak ko sa akin.

“Ba-bye baby ko. Behave lang sa school ha saka mag aral ng mabuti.” pag papaalala ko sa kaniya bago ko siya hinalikan sa pisnge. Agad naman siyang tumango at pumasok na sa loob ng school. Ayaw na niyang mag pasama dahil big girl na daw siya at kaya na niya ito.

Kinakabahan na ako dahil ang bilis na niyang lumaki. Parang noon lang ay pinapa d*de ko pa siya at hinehele tueing umiiyak siya. Nakakatuwa dahil napaka responsable niyang bata. Huwag lang sana siya mag tanong ng tungkol sa ama niya.

TOXIC RELATIONSHIP SERIES #6: Toxic Love With Mr Womanizer [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon