Chapter 11

2.6K 44 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Naiinis ako sa kaniya dahil sa nasaksihan ko pero what if nag sasabi siya ng totoo? What if hindi niya naman talaga ginusto ang mga bagay na ginawa nila nung babaeng yun?

Kasalukuyan akong naka higa dito sa may sofa bed ng office niya habang siya naman ay may ginagawa doon sa lamesa niya. Simula nung matapos kaming mag s*x ay hindi ko pa rin siya kinakausap. Hindi ko nga alam kung kaya ko ba siyang kausapin.

Napatigil ako sa pag iisip nang tumunog ang cellphone ko at may nag notif sa Instagram ko. Nag post pala si Kierro ng picture habang nakahiga ako dito sa sofa bed. Ang inilagay niyang caption sa post niyang iyon ay ‘My wife is busy’ with a sad face.

Alam kong ginawa niya lang iyon para kausapin ko na siya pero wala pa rin akong balak na gawin iyon. Pinat*y ko na lang yung cellphone ko at humiga na lang ako muli.

Nanatili lang akong nakahiga habang siya ay patuloy pa din sa kaniyang ginagawa.

“F*ck!” mura niya habang nag titipa sa laptop. Nabigla ako dahil bigla bigla na lang siyang nag mura. May problema ba?

“Baby...” pag tawag niya sa akin at agad naman akong tumingin sa kaniya dahil baka importante ito.

“Bakit?” tanong ko sa kaniya bago tumayo sa aking kinahihigaan at dahan dahan akong nag lakad papalapit sa kaniya.

“Kailangan kong umalis dito ngayon para sa business meeting. Okay lang ba? Mamaya pa naman ang alis ko mga 8:00PM.” nalungkot ako dahil aalis na kaagad siya? Saka business meeting yun. Sa pagkaka alam ko inaabot ng ilang buwan bago maka uwi. Saka bakit parang biglaan naman ata yung business meeting niya.

“Okay lang, importante yan kaya kailangan mong maging parte nyan.” nakangiting aniya ko sa kaniya kahit ang totoo ay nalulungkot ako. Ayaw kong umalis siya pero ano nga ba ang magagawa ko, business man siya at marami siyang trabaho na kailangan asikasuhin. Magkaka sama pa din naman kami pag uwi niya diba?

Huwag naman sana siya mang babae habang hindi niya ako kasama. Natatakot ako dahil baka maka kita siya ng babaeng mas maganda at ipag palit niya ako doon.

“Are you sure? Pwede naman akong mag back out sa deal ng mga company namin para hindi na ako umalis.” aniya niya pero pinigilan ko siya. Ayaw ko namang maging sagabal sa pag tatrabaho niya at saka okay lang naman ako dahil may makakasama naman ako sa mansion niya. Nandoon yung mga maid at sila Aling Sali.

“Pumunta ka na.” aniya ko bago mag lakad papabalik sa may hinihigaan ko kanina. Medyo namamanhid nanaman kase yung hita ko. Pero bago pa man ako makarating doon ay may yumakap sa akin mula sa likuran.

“Ayaw kong iwanan ka mag isa Iris, pero kailangan ko itong puntahan. It will be a two month business meeting in Los Angeles. Hindi ko alam kung kakayanin kong wala ka ng dalawang buwan” pag lalambing niya sa akin. Kahit ako din naman ay hindi sanay na wala ka. Pero ano nga bang magagawa ko? Business man ka kaya marami kang trabaho.

“Hindi naman kita pinipigilan Kierro. Saka magiging okay naman ako kahit wala ka.” i said reassuringly bago ngumiti.

“Pero, pinaaalis mo na agad ako hindi pa tayo nag babati. I'm sorry Iris, hindi ko naman talaga ginusto yun, bigla na lang siyang umupo sa hita ko.” malungkot na aniya niya habang pinapaliwanag niya ang mga nangyari kanina. Hindi pa ba kami bati? Kinakausap ko naman siya diba? Saka hindi naman ako galit na galit.

“Hindi naman tayo mag kaaway diba? Bakit ka nag so-sorry?” tanong ko sa kaniya.

“Galit ka pa rin Iris, ramdam ko. Sorry na, hindi ko na uulitin.” pag hingi niya ng sorry.

“Hindi naman ako galit ah? Saka kung galit ako ay baka iniwan na kita dito kanina pa.” aniya ko bago bumitaw sa pag kakayakap niya.

“Galit ka pa rin, hindi ka naman ganiyan ka cold Iris. Saka hindi ka bumibitaw kapag mag kayakap tayo. Sorry na.” ano bang pinag sasasabi niya? Muka ba akong galit?

“Hindi nga ako gal—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang unahan niya akong mag salita.

“Kapag hindi ka nakipag bati sa akin hindi ako aalis. Hindi ako a-attend dun sa business meeting para malugi yung company ko.” Hayss. Lahat talaga gagawin nitong lalaking ito mapatawad ko lang siya. Wala naman akong magagawa kung hindi patawarin siya dahil alam kong tototohanin niya yung sinabi niya.

“Oo hindi na ako galit.” aniya ko bago ko siya hinalikan sa labi. Agad naman niya akong hinalikan pabalik at dahan dahan kaming nag lalakad papunta doon sa may lamesa niya. Binuhat niya ako bago niya ako pinatong sa lamesa at akmang huhubarin na sana niyabyung suot ko nang biglang bumukas yung pinto dahilan para bumitaw ako sa halikan namin.

Hindi niya pala isinarado yung pinto? Ibig sabihin nung may ginagawa kami kanina hindi naka lock yun? Buti na lang walang pumasok kanina, dahil baka kinain na ako ng hiya kapag nangyari iyon.

“Tama na landian Kierro, tatapusin mo pa yang ginagawa mo bago ka umalis mamaya. Dadalhin pa sa China yang mga papeles kaya bilisan mo ” taas kilay na saad ni Ate Karina habang nakatingin siya sa amin.

“Saka tigil tigilan mo muna si Iris, pagod na pagod na yung babae oh. Akala niyo ba hindi naman rinig yung ung*l niyo kanina?” aniya ni Ate Karina dahilan para mamula ako sa hiya. Alam niyang may ginagawa kami kanina ni Kierro? Pero papaano? Saka ang tahimik lang namin kanina ah? Ibig sabihin hindi sound proof itong office niya. Kita kong natatawa si Ate Karina habang pinag mamasdan niya ang muka ko ngayon.

“So what? Asawa ko naman siya at aalis na ako mamaya kaya kailangan kong sulitin ang mga oras na ito.” aniya ni Kierro bago niya ako muling hinalikan sa labi.

“Okay kung yan ang gusto mo bahala ka. Basta be ready before 7:30 PM.” paalala ni Ate Karina bago siya lumabas ng office. Nakaka gulat dahil bigla bigla na lang pumapasok si Ate Karina sa office. Si Kierro kase hindi niya sinasarado.

Nang maka alis na si Kierro ay sinenyasan ko siyang ituloy na ang ginagawa pero ayaw niya pa rin akong bitawan. Pinipilit ko siyang unahin ang ginagawa niya pero ayaw niya talagang pumayag kaya ang ending ay naka upo ako sa hita niya habang may pumipirma siya ng mga papeles. Nanatili ata kaming ganun hanggang sa matapos na siya sa ginagawa niya at kumain na kami.

_

Nandito na kami ngayon sa airport dahil ihahatid na namin si Kierro. Private Plane yung gagamitin nila at mamaya lang ay aalis na sila.

Kasalukuyan akong nanonood sa cellphone ko nang maramdaman kong hinahawakan niya yung kamay ko.

“Is there a problem?” tanong ko sa kaniya baho ko tinanggal yung earphones ko. He just look at me sadly. Mukang ayaw niya talagang umalis. I can't help but chuckled dahil para siyang bata na ayaw magpa iwan tuwing first day of school.

“Hindi ka naman mang lalalake kapag umalis ako diba?” tanong niya dahilan para matawa ako. Grabe naman yung man lalalake eh.

“Hindi nga po, saka alam mo naman na palagi lang akong nasa loob ng mansion diba? Saka alam mo naman din na ikaw lang ang mahal ko.”i said reassuring him.

Kumalma naman siya pagkatapos noon. Maya maya lang ay lumabas na kami sa kotse at hinatid ko siya hanggang sa sakayan ng eroplano nila. Ramdam ko ang higpit ng pag kapit niya sa may kamay ko. Para bang ayaw niya itong pakawalan.

“Mag ingat ka ha. Palagi kang kumain ng marami and don't forget to drink your vitamins.” aniya ko bago siya hinalikan sa may labi.

“Mag ingat ka din, don't forget to call me everytime baby. Kapag may problema ka, tawagan mo lang ako at uuwi ako kaagad. I love you ” aniya nito bago niya ako niyakap. Agad ko siyang niyakap pabalik bago...

“I love you too.” aniya ko bago siya pumasok sa loob ng eroplano. I give him a flying kiss bago siya pumasok sa loob.

TOXIC RELATIONSHIP SERIES #6: Toxic Love With Mr Womanizer [COMPLETED]Where stories live. Discover now