Chapter 12

2.6K 52 2
                                    

Ilang araw na din ang nakalipas simula nung umalis si Kierro. Medyo nakakalungkot dahil wala akong makayakap at maka sama kapag umaalis pero palagi naman kaming nag vi-video call. Gabi gabi kaming mag kausap at nag kwekwentuhan. Minsan nga ata hindi ko na napapat*y yung call namin at naka tulog na kaming magka call.

Pero may mga araw na hindi kami nakakapag usap dahil may ginagawa siya pero naintindihan ko naman. Palagi akong pumupunta sa hospital para bisitahin si Ate.

Kasalukuyan akong nandito sa may park ngayon habang kasama ko si Angelica/ bestfriend ko habang kumakain kami. May food court kase dito at naoag pasyahan naming puntahan para kumain at matikman yung iba't ibang mga pag kain. Kakauwi niya lang din dahil nung nakaraan ay nasa Laguna pa siya. Nagka sakit kase yung lola niya kaya siya muna ang umuwi doon para alagaan ito.

Hindi niya pa rin alam ang tungkol sa amin ni Kierro dahil hindi ko naikwento sa kaniya nung nakaraan na maayos na ang relasyon namin. Siya ang takbuhan ko noon tuwing sinasaktan ako ni Kierro, sa kaniya ako palagi umiiyak.

“Kamusta ka na? Maayos na ba ang buhay mo? Palagi ka pa bang sinasaktan ni Kierro?” sunod sunod tanong niya habang kumakain kami ng fish cake at rice cakes.

“Ayos naman ako. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Kierro pero hindi na niya ako sinasaktan.” aniya ko dahilan para mapatingin siya sa akin.

“What do you mean by that girl? Hindi ka na sinasaktan ni Kierro? That's great news pero paano? Alam mo naman ang ugali non.” aniya ni Angelica habang umiinom naman siya ng buko shake.

“Hindi ko din alam eh. Basta ang naaalala ko na akng ay may nangyari sa aming dalawa tapos simula noon ay palagi na siyang sweet sa akin. Hindi na niya ako sinasaktan at minsan ay umiiyak pa siya kapag galit ako. Kahit ako ay nag tataka dahil hindi naman siya ganun.” aniya ko dahilan para magulat si Angelica.

“Oh My God! May nangyari na sa inyong dalawa? Ibig sabihin hindi ka na virgin?! That's great girl! Tell me, buntis ka na ba?” biglaang tanong niya. Muntik ko nang maibuga yung iniinom kong soft drinks dahil sa tanong niya. Grabe naman yung tanong niya, bigla bigla.

“Grabe naman yung buntis, hindi pa noh. May nangyari na sa amin pero hindi pa ako buntis.” aniya ko na nag patawa sa kaniya.

“Ikaw kamusta ka na? Ano pinansin ka na ba si Joaquin?” natatawang tanong ko sa kaniya pero bigla lang siyang nalungkot.

“Hindi pa eh, akala ko pa naman magiging maayos na kami pero nalaman ko na lang na may bago na pala siya. Ang nakakalungkot ay yung bago niya ay kaya niyang ipost, i tag at i mention sa mga post. Samantalang ako hindi eh, para bang ikinahihiya niya ako.” malungkot na saad niya. Hays, minalas nanaman siya sa pag ibig. Alam kong mahal na mahal niya si Joaquin tapos gaganunin niya lang yung bestfriend ko? Huwag nahuwag siyang mag papakita sa akin dahil baka sakalin ko siya.

“Ano ka ba okay lang yan. Alam kong makakahanap ka ng bago, yung mas better.” i said while cheering her up. Sana naman hindi na siya malungkot. Hindi ko kayang nakikita siyang malungkot. Dahil simula nung nawala si Ate ay siya na ang itinuring kong kapatid. Sa kaniya ako tumatakbo lalo na kapag may problema ako. Sa kaniya ako humihingi ng advice.

“Sana nga.” kita ko pa rin na malungkot siya kaya agad akong naka isip ng magandang idea. What if ipakilala ko siya kay Janiel. Pero baka soon na lang dahil nag mo-move on pa lang siya.

Bumili pa kami ng kung ano anong mga pag kain at nag usap. Sinabi niya sa akin lahat ng mga problema niya at binigyan ko siya ng advice. Siyempre kaming dalawa ang mag kaibigan kaya kaming dalawa ang mag tutulungan.

Kanina ko pa gusto tikman yung fruit slushy doon kaya agad ko siyang hinihit papunta doon at umorder na kami. Habang hinihintay namin na dumating yung order namin ay naupo muna kami doon sa isang lamesa na may dalawang upuan. Mag sasalita na sana ako nang bigkang mag ring yung cellphone ko. Agad ko itong sinagot dahil mula ito sa hospital.

“Is this Iris Ainsley Mitsukhi? The sister of Irene Alliyah Lajara?” aniya nung nurse ata o doctor nang sagutin ko yung tawag. Bigla naman akong nag taka dahil bakit sila tumawag? Kaka dalaw ko lang kanina kay Ate diba?

“Yes ako nga po.” kinakabahang aniya ko habang nanginginig. Ano kayang nangyari? May masama bang nangyari kay Ate?

“I have some good news for you Iris, I'm here to inform you that your sister Irene has finally awaken. Gising na ang Ate mo at ngayon ay tinitingnan na akng namin kung maayos na ba ang pakiramdam niya. Come immediately to the hospital, she wants to see you.” aniya nung babae. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Gising na si Ate. Grabe sobrang tagal kong hinintay ang pangyayaring ito.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak dahil sa saya. Miss na miss ko na si Ate at finally makaka usap ko na siya at mayayakap. Agad kong sinabi sa kanila na pupunta na ako at pinatay ang tawag.

“Angelica! Si Ate gising na.” masayang saad ko habang pinupunasan ko ang aking luha. Kita ko ang pag kaa gulat sa muka niya at saya kaya agad siyang tumayo. Buti na kang ay paalis na kami nung saktong dumating yung order namin at agad namin itong binayaran bago sumakay sa kotse niya at nag mamadaling nag tungo sa hospital.

Ngayon na ata ang pinaka masayang araw ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Ate pero gustong gusto ko na talaga siyang makita at maka usap. Alam kong kanina lang ay nandoon ako pero hindi ko talaga mapigilang matuwa.

Ilang minuto lang ang tinagal bago kami makarating sa hospital. Nag mamadali akong pumasok sa loob ng hospital. Agad kong binuksan yung pinto ng kwarto ni Ate at hindi ako makapaniwalang nandoon siya. Naka upo siya habang kumakain ng prutas. Agad niya akong nginitian nang makita niya ako dahilan para maiyak ako lalo at tumakbo ako papalapit sa kaniya at umiyak ako sa may hita niya.

“Ate..” umiiyak na pag tawag ko sa pangalan niya.

“Bakit ka umiiyak Iris? Ano ka ba hindi naman ako namatay noh.” aniya ni Ate dahilan para mas lalo akong humagulgol.

“Ate sorry, ako ang dahilan kung bakit ka na comatose.” umiiyak na saad ko.

“Ako din naman ang may kasalanan non Iris, inagaw ko sayo ang minamahal mong lalaki kaya mo nagawa sa akin iyon.”aniya ni Ate habang hinihimas niya ang ulo ko.

Si Angelica naman ay naiiyak habang pinapanood niya kami. Pinakalma ako ni Ate hanggang sa kumalma ako at nag usap kaming dalawa.

“Kamusta na kayo...ni Kierro?” tanong ni Ate. Kita ko sa mga mata niya na mahal niya pa rin si Kierro kaya nalungkot ako. Ayaw kong mag away nanaman kami ni Ate dahil kang sa lalaki.

“Huwag kang mag alala Iris, hindi ko siya aagawin sayo.” nakangiting aniya ni Ate. Para bang nabasa niya yung nasa isip ko nang sinabi niya iyon.

“Wala naman akong sinabing ganun Ate. Nung una palagi niya akong binubugbog. Simula nung naaksidente ka, palagi niya akong sinasaktan at hindi niya ako hinahayaang lumabas ng bahay. Kapag may sinuway akong utos niya ay palagi niya akong binubugbog. Kakaiba yung naramdaman kong sakit noon pero dahil mahal ko siya ay tinitiis ko lahat. Palagi akong pumupunta sa kwarto mo ate para doon umiyak, gusto kong mag sumbong pero wala akong maka usap. Wala si Angelica nung mga oras na iyon kaya tinitiis ko lahat.” pag kwekwento ko kay Ate. Alam kong matagal na nung nangyari yun pero nararamdaman ko pa rin yung sakit na pinaramdam niya sa akin.

Grabe kase yung naramdaman ko noon tuwing sinasabi niya na hindi niya ako mamahalin dahil mas mahal niya si Ate. Pero mabuti na ngayon dahil hindi na niya ako sinasaktan. Pero napapa isip pa rin ako. What if bumalik siya sa dati? What if saktan niya ulit ako?

TOXIC RELATIONSHIP SERIES #6: Toxic Love With Mr Womanizer [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon