PROLOGUE

2 1 0
                                    

I am a bookworm. Yes, thats what they called me and it is true naman. I cant live in this f*ckin world without a book. I dont care if they called me weird at least I am pretty than them. Well, what I hate the most? Hmm I think nothing. Wala naman akong pakialam sa kanila. Call me any name-I dont care. Throw me bad words and I wont bother. My life is more important than yours. I want to live the rest of my life with full of happiness and without any regrets. And my books gave me the peace that I want. Bookworm nga ako, di ba? So dito ko nahahanap ang kaligayahan ko.

"Trevor? " sambit ni Alisha nang makita niyang nakaupo ito sa may hagdanan. "Anong ginagawa mo riyan?" tanong pa niya pero nakatungo pa rin ito at hindi gumagalaw. "Okay ka lang ba? --"

Hindi naitapos ni Alisha ang sasabihin nang biglang tumayo si Trevor at mataman siyang tinitigan. Mas napakunot ang kanyang noo nang makitang luhaan itong lalaki na nasa harapan niya ngayon.

"Alisha, just tell me whats going on. Did I do something wrong? Just tell me if Im not enough. Just tell me right now that I dont deserve you. Handa ko naman tanggapin ang lahat. Okay, kung mas masaya ka sa piling ni Jake, sige tatanggapin ko. Handa akong masaktan para lang sa kaligayahan mo," diretsong sabi ni Trevor na siyang ikinatitigil ni Alisha. Tila ba'y natameme ito at hindi alam kung anong salita ang kanyang isasagot sa nobyo.

"T-Trevor, mali ang inaakala mo--"

"I saw you kissing with that guy. I want you to explain, Alisha." Bawat salitang binibitiwan ni Trevor ay may kasama itong luha na patuloy na pumapatak sa kanyang pisngi habang si Alisha ay patuloy lang sa pag-iling-iling na tila nagmamakaawa sa nobyo. "Kung ako pa rin ang pipiliin mo, handa naman kitang tanggapin at kalimutan ko na lang iyong kasalanang nagawa mo sa relasyon natin. Because I love you, Alisha."

Kahit ako na nagbabasa lang sa istorya nila ay parang hinati rin ang puso ko. Naaawa ako kay Trevor dahil simula pa lang, wala na siyang ibang ginagawa kung hindi ang iparamdam kay Alisha ang totoong pagmamahal. Tuloy ay naisip ko na lang na sana ako na lang si Alisha dahil minu-minuto ko talagang pipiliin si Trevor. Nasa kay Trevor na ang lahat, eh. Matalino, maginoo, gwapo, matangkad at may kaya sa buhay. Iyon nga lang, palaging bigo pagdating sa pag-ibig.

"Adriana, halika ka!" rinig kong tawag sa akin ng kaibigan kong si Venzyl mula sa labas.

"Bakit?!" pasigaw na tanong ko rito.

"Hurry up!" parang naging galit pa ang kanyang tuno.

Inilagay ko pa muna ang bookmark sa pahina nitong libro kung saan ako huminto at saka pa lang dali-daling bumangon dito sa kama at tinahak ang daan palabas. Kunot-noo ko pang sinusundan ang paningin ni Venzyl and then I really surprise nang makita ko ang ilang shooting stars na dumadaan sa kalangitan.

"Wow!" tanging usal ko habang namimilog ang mga mata at bibig dahil sa pagkamangha. This is my first time to witness such beautiful shooting stars.

"Come on, make a wish!" Iniyugyog pa ako ni Venzyl na parang siya pa ang excited sa gusto kong i-wish. Napangiti ako at saka pumikit para humiling. I just wanted to try since they said that it is true. "Anong wish mo?" aniya nang magmulat ako.

"Wish ko na sana magkaroon din ako ng isang Trevor Ramirez," nakangiting sagot ko habang nakatingala sa langit.

"May I know who is that guy?" taas-kilay na tanong sa akin Venzyl. Parang may panunukso pang namumuo sa kanyang mukha.

"No need to make issue, Venzyl. He is just a fictional character, okay? Siya kasi ang type ko at parang ang hirap makahanap ng ganoon sa mundong ito." Sinabayan ko pa ng pagngiwi dahil totoo naman ang sinabi ko. Wala pa akong nakilalang may ganoong personalidad katulad kay Trevor.

"That is so impossible, Andriana. Kaya hindi ka nagkaka-jowa dahil sa mga keneme mong fictional characters. Ewan ko sa iyo! Tatanda ka talagang dalaga dahil diyan," aniya at napailing na lang ako.

"Alam ko namang imposible iyon. Tina-try ko lang naman at walang masama roon," pagdidepensa ko pa sa sarili ko.

"Basta huwag ka na umasa dahil walang ganoon sa totoong buhay. Sa nobela lang may mga perpektong lalaki, Adriana." Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko saka nagpaumunang maglakad pabalik sa kwarto ko. "Pero what if magkatotoo iyong hiling mo? Anong gagawin mo?"

Dahil sa tanong ni Venzyl ay napaisip din ako. What if nga kung matutupad iyon? What if may dadating? Ano kaya mangyayari sa buhay ko? Is there a big twist coming? But then again, that is so impossible.

Hidden PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon