CHAPTER 1

1 1 0
                                    

CHAPTER 01

Andriana's POV

Wala kaming pasok ni Venzyl kasi nga semestral break namin. Tatlong linggo kaming walang pasok pero kailangan pa ring i-monitor ang grades namin para kung sakaling may failures o kulang kami ay agad-agad na maaaksyunan. Well, sa kaso ko naman ay medyo nag-aalangan ako dahil hindi ako kasing-talino nitong kaibigan kong si Venzyl. Goal kasi niya ang maging isang Magna Cum Laude at samantalang ako, wala lang. Chill lang ako dahil ayokong i-pressure ang utak ko pero hindi naman ako pabaya sa pag-aaral. Kumbaga gusto kong i-enjoy itong college days at para naman rin ito sa mental health ko. I dont need to pressure my self in academics. Just chill and learn. Thats it!

"Kailan mo ba balak mag-enroll sa next semester?" tanong sa akin ni Venzyl habang nagtutupi ng kanyang mga damit dito sa maliit naming sala.

Inilagay ko pa muna sa lalagyan itong dustpan at walis. Kakatapos ko lang kasing maglinis nitong buong apartment na tinitirhan namin. "Saka na lang. Kulang pa ng dalawa iyong grades ko, eh."

"Sa 'kin rin. Sige sabay na lang tayo," aniya at tumango naman ako saka kinuha ang librong kasalukuyan kong binabasa. "Hindi ka pa ba tapos magbasa sa librong iyan?"

"Nasa chapter 42 pa nga lang ako. Kulang pa ng 58 chapterspara mag-end. You know what, the author of this book is so famous. Hes one of my favorites," share ko pa sa kanya pero alam ko naman na hindi siya gaanong interesado. Shes not a bookworm like me.

"Grabe naman iyan. Ano nga ulit ang title niyan?" Sinisilip pa niya ang cover nitong libro. "Until We Meet Again," basa niya sa title.

"Sige nga, hulaan mo kung ano ang posible plot ng story. Mag-base ka lang sa title niya," hamon ko at nanliit naman ang kanyang mga matang tinititigan ang libro.

"Siguro tragic iyan. Parang magkakahiwalay sila at the end of the story," aniya at napangiwi naman ako. Ayoko kasing magkahiwalay si Trevor at si Alisha.

"Thats impossible. Meet again nga di ba? " wika ko at nginiwian niya lang ako na para bang dina-judge ako. But if that will happen, that is surely sad. Ill gonna cry, dugtong ko pa.

"Fictional lang iyan, Andriana. Iiyak ka lang sa fiction? So paano kung magkaka-boyfriend ka tapos saktan ka? Paniguradong ikakamatay mo," sabi niya kasabay ang pag-iling.

"Paano nga ako magkaka-boyfriend kung wala na akong interest sa mga lalaki sa paligid ko," naiiritang usal ko dahilan para mapasinghal siya.

"Kasi nga sa mga fictional ka nakatuon." Umiiling-iling pa siya habang isa-isang pinulot ang mga damit. "Why dont you try go on a dating app? I guess itll be fun, Andi."

"No need. Im having fun with my boyfriends," sabi ko at tinawanan lang ba naman ako saka umalis papuntang kusina.

Sabi nga nila, once you start reading a book and you like it, itll be your addiction. Mahirap na para sa iyo na ihinto ang pagbabasa. Kung pwede nga lang na magdamag ko itong basahin para matapos ko na kaso may pupuntahan pa kaming birthday party ng kaklase namin mamayang gabi. So, pause na naman ako kahit talagang gusto ko nang tapusin.

Parang wala ng pakialam si Trevor sa lahat. Halos maubos na nga niya ang alak sa bar at parang wala pa siyang balak huminto. Sobra siyang nasasaktan sa katotohanang mas pinili ni Alisha si Jake. Wala siyang ibang iniisip kung hindi ang kung ano ang pagkukulang niya. Dahil kung tutuusin ay binigay naman niya lahat-lahat ng kanyang makakaya.

"Ano? Ganyan ka na lang? Maglulunod sa alak tapos kinabukasan ay maaalala pa rin naman ang babaeng labis kang sinaktan," sarkastikong wika ng kanyang ate na kararating lang.

Hidden PagesWhere stories live. Discover now