CHAPTER 8

0 0 0
                                    

CHAPTER 08

Nawala ako sa sarili ko kanina. Dahil siguro sa sama ng loob kaya bigla na lang akong dinala ng mga paa ko rito sa sementeryo. Napadalaw ako kay papa ng hindi pinaplano. Ngayon, gusto ko nang bumalik sa bahay dahil panigurado hinahanap na nila ako.

Malapit lang naman ang sementeryo sa bahay namin. Isang kanto lang ang pagitan kaya medyo walking distance lang. Sanay naman na akong maglakad mula rito hanggang bahay dahil parati ko itong ginagawa noon. Noong bago pa lang nawala si papa sa amin ay halos araw-araw ko siyang dinadalaw. Pakiramdam ko kasi, nag-iisa na lang si papa at iyon ay dahil sa akin.

T-Tita, baka po may alam po kayo na lugar kung saan parating pinupuntahan ni Andriana. Hindi pa man ako tuluyang nakapasok ng bahay ay alam ko nang boses iyon ni Venzyl.

Hijah, matanda na iyon. Kaya na niya ang sarili niya, rinig kong sagot ni mama.

Pero, tita, delikado po kasi para kay Andriana na mag-isa.

Hayaan na ninyo iyon. Kumain na lang kayo riyan ng hapunan habang hinihintay ninyo ang lakwatserang kaibigan ninyo.

Napabuntong-hiniga na lang ako dahil sa mga sinasabi ni mama. Hanggang ngayon ay may sama ng loob pa rin siya sa akin, sabi ko na lang sa sarili ko saka tuluyang pumasok at nagkunwaring walang narinig. Nandito na po ba si mama? tanong ko pa kay ate kahit alam kung nandito na nga si mama.

Oo, kanina pa. Nandoon siya sa kwarto niya. Nag-aalala ang mama mo sa iyo. Saan ka ba nanggaling? wika pa ni ate. Hanggang ngayon ay sinasadya pa rin niyang magsinungaling para hindi malayo ang loob ko kay mama.

Doon lang sa labas. Nagpapahangin lang po ako, sagot ko saka nilagpasan siya. Dumiretso ako rito sa kusina at nadatnan ko naman ang dalawa na kumakain. Pagkatapos ninyong kumain ay aalis na tayo. Kumuha pa ako ng bottled water sa refrigerator dahil tila nanunuyo ang lalamunan ko.

Where have you been? kalmadong tanong sa akin ni Trevor pero hindi ito nakatingin sa akin. Nakatutok lang siya sa baso niya na walang laman na tubig.

Ibinalik ko pa muna ang bottle sa refrigerator saka muling lumingon sa kanya. Nagpapahangin, maikling sagot ko.

Hmm Sinabayan pa niya ng pagtango. For 5 hours? aniya at hindi ko mahuhula kung sarkastiko ba iyon o simpleng tanong lang. You know what, were looking for you for almost f*cking 5 hours. We are all worried, dont you know that? We almost call a police just to ask for their help to find you. Kalmado lang ang boses niya pero parang may kasamang galit o paninirmon.

Ikaw lang naman iyong gustong tumawag ng pulis, Trevor, kaagad na dugtong ni Venzyl pero hindi siya pinansin nito at sa akin lang ang nakatuon ang kanyang paningin.

Im sorry. It was not my intension na mag-aalala kayo. Sa bahay kasi na ito, hindi ako nasanay na may mag-aalala. Iyon lang at saka iniwan sila.

Gusto kong puntahan si mama sa kwarto niya pero hanggang titig na lang ako sa kanyang pinto. Nami-miss ko siya, sobra. Sobra kong nami-miss ang paraan ng pagtrato niya sa akin noon. Minsan pa nga noon ay roon ako matutulog sa kwarto nila pero ngayon, hanggang dito na lang ako sa labas. Hanggang titig na lang ako at hindi na pwedeng pumasok. Kahit nga pagsama sa hapagkainan ay hindi na pwede.

Andriana, saan ka ba—

Venzyl, kung maninirmon ka rin naman pwedeng huwag muna ngayon? pakiusap ko rito sa kaibigan ko at wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang mapasandal na lang sa pinto nitong kwarto ko. Hindi na siya nagsasalita at tinititigan lang ako habang pinagkrus ang kanyang braso. Mag-ready na kayo. Babalik na tayo sa apartment natin, sabi ko na lang kaya inayos naman niya ang kanyang mga gamit. Pakitawag na lang si Trevor, dugtong ko pa saka pumasok rito sa banyo.

Hidden PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon