CHAPTER 4

0 0 0
                                    

CHAPTER 04

Weekends na at parang gusto kong lumabas. Iniwan na naman kasi ako ni Venzyl dahil magdi-date daw sila ni Zyrel. Hindi naman ako mag-isa rito kasi nandito naman si Trevor kaso nga lang, ang tahimik niya. Ang hirap din niya kausapin dahil tila tutok na tutok talaga siya sa kanyang binabasang libro. Not the book na kinabibilangan niya but the other one.

"You said na wala kang hilig sa mga libro," sabi ko na lang sa sarili ko habang nagpupunas nitong mga plato.

Nandito kasi ako sa kusina, nakaupo at nakaharap sa salas. Sa totoo ay kanina ko pa siya inu-obserbahan at talagang hindi man lang nag-iba ang posisyon niya. Nakapandekwatro at maayos na nakaupo lang sa sofa habang nagbabasa.

"Kanina ka pa nakatingin sa akin. Is there anything you want?" biglang aniya saka diretsong tumingin sa akin na tila ba'y hinihintay ang sagot ko.

"H-Ha? " Nauutal na ako at tila ba'y walang lalabas na salita sa aking bibig. Nakita ko pang nagtaas ang dalawang kilay niya at hindi man lang inialis ang kanyang paningin sa akin. "I-I wanna go outside. You want to go with me?" wala sa sariling tanong ko.

Itiniklop naman niya ang libro saka inilagay sa ibabaw ng center table at pagkatapos ay naglakad papunta rito sa kusina. "Yeah, I would love to. Naisip ko rin kasi na baka sa labas ko mahahanap ang daan pabalik sa mundo ko," aniya saka umupo sa tabi ko at sa hindi inaasahan ay hinawakan niya ang aking kanang kamay. "Please help me, Andriana. Ikaw na lang ang tanging maaasahan kong tumulong sa akin."

Napatingin pa ako sa kamay niya at parang naniningas ako. Wala na akong ibang magagawa kung hindi ang mapalunok kasabay ang kasunod na pagtango bilang sagot. Nakita ko naman ang ngiti na gumuhit sa kanyang mga labi kaya napangiti na lang din ako.

Dahil sa kagustuhan nga naming lumabas at mamasyal kung saan-saan ay hindi na namin pinapansin ang tinik ng sikat ng araw. Iyon nga lang, bawat daan na madadaanan namin ay halos mabaliktad na ang mga ulo ng mga babae kasusunod ng tingin kay Trevor. Iyong iba pa nga ay rinig na rinig namin ang pagtitili at pinapahalata na kilig na kilig sila. Sa gwapo ba naman nitong kasama ko, imposibleng walang magkagusto.

"I feel like Im with someone whos famous," birong sabi ko at narinig ko naman siyang pasinghal na natawa. "Kulang na lang, manghingi sila ng autograph sa iyo o hindi kaya'y magpa-picture."

"It gives me strange energy. I-I feel so awkward," aniya habang umiiling-iling. "Narinig ko pa nga iyong babae kanina. She said that youre so lucky."

Napahinto ako at napaangat ng tingin sa kanya. "Ha? Ako? Bakit naman nila nasabing maswerte ako?"

Huminto rin siya at humarap sa akin habang nakangiti. Nakakatunaw ang ngiti niya. "Because you're with me. Siguro they think na we are a couple."

Diretsong nanlaki ang mga mata ko at parang gusto ko nang magtakip ng mukha dahil ayokong makikita niya akong namumula. "Tsk! So, theyre wrong," sabi ko kasabay ang pilit na ngiti saka nagpatuloy sa paglalakad. This time ay nauuna na ako sa kanyang maglakad dahil ayokong tumingin sa kanya ulit.

Tinahak namin ang daan papunta sa itaas kung saan nandoon ang isang napakasikat na café at talagang sobrang ganda ng view. Makikita talaga ang dagat at iilang mga buildings sa baba. Malalanghap mo ang simoy ng preskong hangin at napakapayapa ng paligid.

"Sa mundo namin, bihira ka lang makakakita ng bundok na may mga coffee shop sa tuktok kagaya nito. Mostly kasi roon ay nga buildings tapos may kaunting space lang para sa mga parks at gardens," aniya nang makaupo kami rito sa best spot kung saan nasa pinakagilid kami at malapit lang sa railings.

"Really? Sa nabasa ko kasi ay parang same lang naman. Well, the author of your story is so creative," sabi ko pero umiiling-iling lang siya habang nakangiti.

Hidden PagesWhere stories live. Discover now