CHAPTER 9

0 0 0
                                    

CHAPTER 09

Ang bilis lang talaga ng panahon. Akalain ba namang balik-aral na kami. Mag-second semester na at parang hindi pa ako ready. Kinakabahan na ako sa mga bago naming professors at instructors. I hope they will be good to us para wala masyadong problema. Balita pa ng ana may professor kaming strikto kaya medyo natatakot na ang mga beshy.

Can I go with you? biglang sulpot ni Trevor sa likod ko habang akoy nagsisipilyo.

Nagmumog pa muna ako at inilagay ang toothbrush sa lalagyan saka ko siya hinarap. Nagbibiro ka ba? sabay tawang sambit ko.

Umiiling naman siya saka umupo sa silya. I dont want to be alone here, aniya na siyang dahilan para mapasinghal ako ng tawa.

Natatakot ka? Sinisilip ko pa ang mukha niya dahil nag-iwas siya ng tingin.

No, sagot niya pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin.

Then, whats the problem?

Gusto lang kitang bantayan, aniya at naiwan ang bibig ko na nakabuka dahil talagang nagulat ako sa kanyang sinabi. Ang mas hindi ko inaasahan ay ang pagtayo niya at sobrang magkalapit ang katawan namin. Hindi ako makaangat ng tingin sa kanyang mukha at tanging nakatitig lang ako sa kanyang dibdib. I dont know what happened to me. It is just that- Hindi niya tinapos ang kanyang sasabihin at basta lang ako iniwan rito sa kusina.

Iyon tuloy, nakaramdam ako ng pag-aalala sa kanya. Baka kasi may nararamdaman siyang kakaiba or what. Trevor? sambit ko saka sinundan siya rito sa salas. Trevor, may problema ba? nag-aalalang tanong ko rito pero tinititigan lang ako. Sabihin mo lang sa akin. Makikinig ako. Hinawakan ko pa ang kanyang kanyang siko habang hinihintay siyang magsalita. Sige na-

I like you, diretsong sabi niya at hindi man lang siya nag-iwas ng tingin pagkatapos itong sabihin. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapakurap-kurap at dinaramdam ang nagkakarirang palaka sa dibdib ko. It really drives me crazy thinking that you and Kervy will possibly see each other today. I dont know whats wrong with me—I mean, hindi naman mali itong feelings ko for you. Its just that nagseselos lang ako kahit wala naman akong karapatan. But, Andriana, believe me. Hindi ako nagbibiro.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kung ano ang sasabihin ko. Kung ano ang gagawin ko. Kung paano ako hihinga. Kung paano ako titingin sa kanya muli. Kung paano ko babawiin ang kanang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kanya. Kung paano ko pakakalmahin ang sarili. Basta hindi ko na alam talaga. Para akong naistatuwa na kahit paglunok ng sariling laway ay hindi ko na alam kung paano.

Andy, lets go. Mali-late na tayo, biglang sulpot ni Venzyl saka inagaw ang kamay ko mula kay Trevor. Trevor, ikaw na bahala rito ha? Magluto ka lang diyan kung nagugutom ka ha? Alis na kami, paalam pa nitong kaibigan ko saka diretso akong hinila palabas. Tika, iyong bag mo nasaan? tanong niya sa akin at napatingin naman ako sa kamay na walang dala. Jusko naman! Lutang ka besh? aniya saka patakbong pumasok muli ng apartment. Ilang segundo lang ay lumabas ng muli dala ang bag ko. Alam ko kinakabahan ka lang at ako rin pero mas kabahan tayo kapag mali-late tayo, satsat niya at kaagad pumara ng jeep.

Kahit hanggang sa campus namin ay wala pa rin akong imik. Iyong utak ko ay bakante pa rin sa mga sinasabi ni Trevor na para bang ang hirap paniwalaan. Actually, nawala iyong kaba at takot ko sa bago naming professor at mas doon ako kinabahan kay Trevor. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang aking sasabihin o isasagot sa kanya. Bakit ba kasi biglaan?

Hi! Napaigtad na lang tuloy ako dahil sa biglaang pagsulpot ni Kervy sa harap ko.

H-Hi, tanging tugon ko habang tumingin-tingin sa hallway at saka ko lang nakita si Venzyl na papasok na ng classroom kasama si Jenrose. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang harangan ako nitong mukong.

Hidden PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon