CHAPTER 2

0 1 0
                                    

CHAPTER 02

Hanggang ngayon ay parang lutang pa rin ako. Nakauwi nga ako ng ligtas dito sa apartment namin kaso para na akong baliw. Kung anu-ano na lang iniisip ko. I cant even sleep dahil sa lalaking nagpakilala sa akin na siya raw si Trevor Ramirez. Alam ko naman na imposibleng napunta rito sa mundong ito ang isang fictional karakter.

"Oh f*ck! This is crazy!" Padabog akong bumangon saka binuksan ng kaunti ang pinto nitong kwarto ko. Sinisilip ko si Trevor kuno na nandoon sa salas nakahiga.

Yes, I brought him here. Nagmamakaawa kasi siya sa akin dahil hindi niya alam ang lugar daw at hindi niya alam kung saan ang daan papunta sa kanila. Kahit ako rin naman ay hindi alam kung saan iyong Camella Hermita dahil tanging sa nobela ko lang iyon nabasa.

"Damn it! Why did you make mosquitos as your pet?" rinig kong reklamo niya habang sinampal-sampal ang braso, binti, at minsan ang mukha niya.

Tumikhim pa muna ako saka dahan-dahang lumapit sa kanya. "Pasensya kana kung maraming lamok dito. Ahm... you can use this spray if you want to," sabi ko saka inabot sa kanya ang spray pampatay ng lamok.

"Thankn you, aniya at saka sinimulang mag-spray sa sulok, sa ilalim ng sofa at sa itaas. Is it really okay for you na rito ako matutulog? Baka kasi magagalit sa iyo ang boyfriend mo," aniya at napataas naman ang dalawa kong kilay.

"No, no, no. Okay lang sa akin promise. Basta dont do anything ha? Hindi ka talaga makakalabas," seryoso kunwaring sabi ko para matakot siya. Gusto ko kasing isipin niya na hindi ako basta-bastang babae para kung sakaling may balak siyang masama ay magdadalawang-isip na siya.

"Makaasa kang mabuti akong tao. Hindi ako katulad ng nasa isip mo. Ang sa akin lang naman sa ngayon ay makabalik na ako sa amin," wika niya at parang naging malungkot ang tuno ng kanyang boses.

Umupo pa muna ako sa katapat ng upuan niya at kunwari sinusuri ko ang kanyang kabuoan. "Hanggang ngayon ay duda pa rin ako sa iyo. Talaga bang ikaw si Trevor Ramirez?" tanong ko na naman sa ika-limang beses.

May kinuha pa siya sa kanyang bulsa at nalaman kong cellphone pala ito. Nagpipindut-pindot pa siya saka iniabot sa akin. "You see this? Thats my account. And why dont you try to open any apps diyan at malalaman mo talaga kung sino ako." Iniabot pa niya sa akin ang cellphone niya.

Napalunok pa ako saka nagdadalawang-isip na abutin ang kanyang cellphone pero sinenyasan niya ako kaya kinuha ko na lang. Una kong binuksan ang isang application at tumambad kaagad ang account niya. Trevor Ramirez talaga ang nakalagay at mukha niya ang nasa profile. Binuksan ko rin ang iba at ganoon pa rin ang nakita ko. Dahil nga mausisa akong tao ngayon, dahil sa kuryusidad ko ay napunta ako sa gallery niya.

"Sino itong babae? Girlfriend mo?" diretsong tanong ko at pinakita sa kanya.

Nag-iwas pa siya ng tingin at narinig ko pa ang kanyang malalim ba buntong-hininga. "Yes. My ex-girlfriend. She cheated on me and the reason why I got drunk last night.

Napataas naman ang kilay ko. "Whats her name? May I know? If you dont mind," usisa ko pa.

"Alisha. Her name is Alisha and three years na kami together," sagot niya na siyang dahilan para mapakurap-kurap ako.

"Wait lang. Si Grasya ba kilala mo rin?" kuryusong tanong ko at tumango naman siya.

"Ate ko siya. Siya iyong kasama ko last night at uuwi na sana kami but-" Nakakunot pa ang kanyang noo na para bang iniisip ang posibleng dahilan. "Ang naaalala ko lang ay nasa bar ako tapos sinundo niya ako tapos nagpunta ako sa toilet and then wala na. Hindi ko na alam," pagdudugtong pa niya.

Hidden PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon