CHAPTER 5

1 0 0
                                    

CHAPTER 05

Aaminin ko na masaya iyong araw na nagkasama kami ni Trevor na lumabas at ini-explore ang isang lugar. Gumawa kami ng memories together and I didn't expect na mangyayari iyon. Pero... iyong masasayang araw na iyon ay may kapalit at ito ay inaasahan ko na. Kaya ko pa naman at alam kong 'di pa ako mamamatay nito. Ngayon, ayoko lang lumabas ng kwarto sa kadahilanang ayoko ring malaman ni Trevor ang kalagayan ko dahil nangako na ako sa kanya na babalik kami roon. Kaunting relax lang 'to at babalik na sa normal ang lakas ko.

"Sabi ko naman sa iyo. Huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo dahil anytime ay aataki iyang sakit mo," paninermon na naman ni Venzyl.

"Wala lang to. Huwag ka ngang mag-panic diyan," sabi ko na lang para kumalma siya.

"Natatakot kasi ako. Kapag nagkagaganyan kay ay nagu-overthink talaga ako. Pasensya na- " Hindi niya tinapos ang kanyang sasabihin at nag-iwas na lang siya ng tingin sa akin. Dahil sa gumagalaw na balikat niya ay nasisiguro kong umiiyak siya at halatang ayaw niya lang ipakita. "Alagaan mo naman ang sarili mo please?" aniya pero nasa bintana pa rin nakatingin.

"Ako rin naman, Venzyl. Natatakot rin naman ako. Kaso gusto ko lang i-enjoy ang mga natitirang araw ko-"

"Don't say that!" biglang pagtutol ni Venzyl sa sinasabi ko. "Anong natitirang araw ka diyan? Marami ka pang araw, g*ga. Iyang bibig mo talaga nakakabwesit."

Napabuntong-hininga na lang ako saka muling ipinikit ang kanina pa inaantok na mga mata ko. "Sige na, oo na. Sorry na."

"No. I need an apology letter," aniya at eksaktong pagdilat ko ay dumapo na sa balikat ko ang unan. Hindi naman malakas ang paghampas niya kaya tinawanan ko na lang. Lumapit pa siya sa akin at masyadong inilapit ang mukha. "Alam mo bang sobrang nag-aalala rin si Trevor sa iyo? Gusto raw niyang pumasok rito pero sinabi kong hindi pwede. Lahat ng pagkaing kinain mo, siya ang nagluto. How grateful you are, Andriana, and that is the very main reason kung bakit mas magpagaling ka pa. Got it?"

Dahil sa rami ng sinabi niya ay tanging tango na lang ang isinagot ko sa kanya. Tinatamad na akong magsalita at parang gusto ko na talaga pumikit dahil sa antok. "Bukas ko na lang siya kakausapin. Inaantok na talaga ako." Inayos ko pa ang kumot ko saka bahagyang tumalikod sa kanya. "Matulog ka na rin. Sobrang lalim na ng gabi. I know may lakad na naman kayo bukas ni Zyrel."

"Wala kaming lakad bukas dahil sinabi kong may aasikasuhin ako. Well, in fact wala naman talaga at gusto ko lang namang bantayan ka."

Matunog naman akong napasinghal dahil sa sinabi niya. "Ano ako bata?" natatawang sabi ko saka liningon siya.

"Gag*! Babantayan kita dahil baka maglalakwatsa ka na naman at saka ako na rin maglalaba ng mga damit mo. Okay na?" himig sarkastikong aniya.

"Wow! Yaya yarn? Hindi ko matandaan na nag-hire pala ako ng yaya," wika ko pa at siniringan lang ako.

"Sus! Alam ko na kung ano ang nasa isip mo. Iniisip mo na sana aalis na lang ako para may time kayo ng Trevor mo." Tinusok-tusok pa niya ang tagiliran ko.

"Hoy parang sira! Tumahimik ka nga baka marinig tayo at mag-isip pa iyon ng kung anu-ano. Matulog ka na nga! Panira ka talaga ng gabi," biro ko pero binigyan pa rin niya ako ng tinging nagdadala ng malas hanggang sa makarating siya sa pinto at isinara ito. "Loko talaga 'to," umiiling-iling na sabi ko.

Isang mabigat na buntong-hininga na lang ang nailabas ko nang tuluyang maisara ni Venzyl ang pinto at talagang tunog ng orasan na lang ang namumutawi. Hindi iyon unang beses na umiyak si Venzyl nang dahil sa akin, maraming beses na pero patuloy pa rin akong naaapektuhan. Minsan nga ay nagsisisi ako kung bakit sinabi ko pa sa kanya na may ganito akong kalagayan. E 'di sana hindi siya mag-aalala.

KINABUKASAN, nagising ako sa amoy na talagang nakagugutom. Iyong mga alaga ko sa tiyan ay nagrerebelde na. Kaya diretso akong lumabas nitong kwarto nang wala man lang hilamos at toothbrush. Hindi naman mabaho ang hininga ko siguro at hindi rin naman ako naglalaway matulog. Talagang gutom na ako eh. Hindi ko na matiis talaga.

"Good morning!" bati ko at matunog lang akong natawa nang mapaigtad si Trevor saka pa lang lumingon sa akin na namimilog ang mga mata. "Why?" pigil tawang tanong ko sa kanya.

"You scared me," aniya saka nagpunas ng kamay. "Okay kana?" tanong niya at hindi pa man ako nakapagsalita ay hinawakan na niya ang noo ko na tila ba'y galing ako sa lagnat.

"Im okay. No need to worry." Hinawi ko pa ang kanyang kamay saka tiningnan itong niluluto niya. "Whats this?" tanong ko at tingin pa lang ay alam kong masarap na.

"Chicken soup," sagot niya habang kumukuha ng mangkok at naghain. Habang inihalo-halo niya ang sabaw ay mas natatakam ako kaya kahit hindi niya sinabing maupo na ako ay umupo na talaga ako rito sa upuan. Para na akong batang naghihintay sa inihain ng nanay. Nakatatawa lang. "Chicken soup is full of vitamins, minerals, calories, and protein. It's also a great way to get fluids and electrolytes into your body, especially if you have a fever or diarrhea. Chicken soup is even thought to be a natural decongestant because it gives off hot steam," aniya nang mailapag na niya sa mesa ang mangkok na may sabaw at isang piraso ng drum stick chicken.

Napataas ang kanang kilay ko sa sinabi niya. Straight english at saka parang expert kung makapagsalita. "Taray ah? Dati ka bang doctor or something na related sa health ang trabaho?"

Matunog naman siyang tumawa saka umupo sa katapat na upuan. "I did a lot of research before I make it. Then, after I got that idea and binasa ko rin ang ibang related articles para ma-sure ko kung talagang reliable ba or not. And I found out na totoo talaga siya. Now, I hope you will like it." Kinindatan pa ako ng mukong saka sinenyasang umpisahan ko na ang pagkain.

Pinulot ko naman ang kutsara saka tinikman ang sabaw. Sa amoy pa lang masarap na at nang malasahan ko na ay beyond expectation talaga ang lasa. Iyong tipong parang expert na sa pagluluto ang gumawa. Though, maraming bese na akong nakakain ng sinigang na manok pero I guess ito ang the best. Masasabi ko talagang walang na-miss na ingredients at sakto iyong timpla niya. Ngayon, imbis tikim lang sana ay halos maubos ko ang isang mangkok. Nadala ako at tila ba'y hindi na mapipigilan ang bibig ko.

"Thank you, Trevor. Sana may next time pa, " biro ko at napatango naman siya habang natatawa.

"Actually, ilang oras ko ring pini-prepare iyan. Iyong mga seasonings ay sinisiguro ko talaga kung kaparehas ba sa tutorial na binabasihan ko. Iyong cuttings ng mga ingredients ay mini-make sure ko rin ang sizes at shapes. Honestly, gumagamit ako ng ruler at iba pang mga measuring materials," aniya at hindi ko mapigilang hindi matawa nang banggitin niya ang ruler. Hindi ko ma-imagine na magcu-cut siya ng sayote nang may ruler na ginagamit. "Don't laugh at me, Andriana. I just wanted to make sure everything and make it perfect. I never did this to my girlfriend- I mean ex-girlfriend. Thats what you made special," seryosong aniya at dahilan para mapatigil ako sa katatawa.

Napapansin kung nagiging awkward na ang paligid kaya no choice ako at binigyan ko lang siya ng pilit na tawa. "Special ako? Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil sa alam kung namumula ako. I-I really appreciate it and I hope next time you will not use ruler to make sure the sizes," pagpapatawa ko na lang pero ayun at natawa rin pala siya.

Yes, I admit na kinikilig ako ngayon kasi nga nilutuan ako ng isang Trevor. Again, I did not expect this to happen pero nangyari nga. Now, I know na this is the feeling pala kapag kikiligin at iyong taong kinikikiligan mo ay nasa harapan mo pa. Maswerte nga ba? Syempre oo.

Seriously, ang sarap sa feeling na may mag-aalaga sa akin habang may sakit ako. Mula kasi noon ay si Venzyl lang ang umaasikaso sa akin. Nakapagpanibago lang talaga. Thanks to them dahil mas napunan pa ako ng dahilan kung bakit masgusto ko pang lumaban.

Hidden PagesWhere stories live. Discover now