CHAPTER 11

0 0 0
                                    

CHAPTER 11

Sa mga lumipas na araw ay napapansin ko na ang pag-iiba ng ihip ng hangin at pati pag-ikot ng aking mundo. Wala lang, kasi noon estudyante lang ako at uuwing sabog sa apartment. Ngayon, estudyante pa rin naman ako pero hindi na sabog. Paano ba naman, may naghihintay na sa akin sa apartment at pinaglulutuan pa nga ako. Pagkarating namin ni Venzyl doon ay kakain at mag-study na lang ang gagawin hindi kagaya noon na kikilos pa kami sa mga gawaing bahay.

Hey! Whats your score now? pabulong na tanong sa akin ni Venzyl habang nasa kalagitnaan kami ng exam. Tapos na kasi kaming dalawa kaya pwede na kaming mag-usap pero iyong kami lang dalawa ang makakarinig.

Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya. Wala pa ngang checking, score na agad tinatanong mo?"

"What I mean is about you and Trevor. Are you guys on a dating stage na? aniya kaya napatingin naman ako sa paligid baka may nakarinig. Come on, Andriana. Ilang araw ko na itong gustong itanong sa iyo kaya answer me.

Hindi pa nga kasi, sagot ko at napangiwi naman siya. Akala niya kasi noong isang araw na nagpropose si Trevor ay maging kami na pero it is a big no.

FLASHBACK

The unexpected moment na noon pa man gusto kong maranasan. Ngayon, naranasan ko na at sobrang nakapagpagabag ng puso. Iyon bang kinikilig ka nga pero may ibang emosyon naman ang i-epal. Iyong gusto mong ngumiti pero lungkot ang lumabas na emosyon sa mga mata mo. As they said, love will drive you crazy at parang tama nga sila.

I cant promise to be your perfect boyfriend but I will do the best to be your ideal man," wika pa niya at aaminin ko na sobra akong na-touch to the point na gusto kong maiyak.

Ahh so sweet of you, Trevor. Pumalakpak pa talaga itong kaibigan ko.

Wala pa akong sinabi na boyfriend na kita. Huwag muna mag-assume, sabi ko at napataas naman ang dalawang kilay ni Trevor.

Hindi pa tayo? Akala ko ba gusto mo ring subukan?

Napabuntong-hininga naman ako at saka sinalubong ang kanyang tingin. Syempre, youre my first boyfriend if ever and I want to experience the feeling of having a suitor. Yes, gusto ko ngang subukan but lets make it with the process. Huwag kang mag-alala kasi hindi naman kita pahihirapan. Just do your job as my suitor lang. Ayaw ko rin mag-demand ng kahit anong bagay galing sa iyo. Ayaw rin kitang i-pressure. Basta nasa sa iyo na iyon kung paano mo ako ligawan, paintindi ko sa kanya at napatango-tango naman siya. Dalagang Pilipina rin kasi ako at pride ko iyon. Sarap kaya ipagmalaki na nililigawan ako ng isang Trevor, hindi ba? natatawang dugtong ko pa at tumango-tango rin siya habang sinasabyan akong tumawa.

I thought napapansin mo na iyong mga panliligaw moves ko sa iyo these past days. Pero okay, I will do anything naman for you, sagot pa niya at napangiti na lang ako na tila hindi ko na alam kung paano pigilan.

END OF FLASHBACK

Okay, time is up! Finish or not, submit your paper here in front. Ill give you ten counts, sabi pa ng professor namin at saka nagsimula nang magbilang.

Pinadala na namin ni Venzyl ang aming papers kay Jenrose. Wala lang, tinatamad akong tumayo at siguro ganoon din itong isa. Ngayon, pinagdadasal ko na sana hindi kami mag-checking kasi hindi naman ako sure doon sa mga answers ko. Situational kasi at medyo mahirap ibagay-bagay iyong mga pangyayari. Tungkol saan ba? Syempre sa Professional Education. Iyong iba ang dali-dali lang sa kanila, lalo na itong si Venzyl.

So ano pa bang hinahanap mo roon sa tao? Crush mo na siya—

Yes, tama ka. Kaya nga napunta iyan dito kasi nga hiniling ko hindi ba? What if iyon ang dahilan kaya siya nandito? sabi ko at nakita ko namang namimilog ang bibig nga kaibigan kong ito. Siguro kagaya ko ay ngayon lang niya rin na-realize iyong pangyayari.

Hidden PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon