CHAPTER 17

0 0 0
                                    

CHAPTER 17

Again, nagiging weird na naman ang paligid ko. I dont know this place and I dont know these people either. Isang garden na sobrang lawak tapos may mga nakadesinyo na parang may kinakasal. Napakaraming bulaklak at sobra akong napamangha nang malamang puro tulips ang mga ito na may ibat-ibang klase ng kulay. Sobrang bongga pa ng aisle na halos pinupuno ang gilid ng mga bulaklak. Tuloy ay naisipan kong baka kasal ito ng mga diwata at panaginip ko na naman ito.

Grabe ang ganda! manghang sabi ko na lang habang inilibot ang paningin sa paligid.

Excuse me, guest ka rin ba? tanong sa akin ng isang matandang babae.

Ah—

Halika na. Magsisimula na ang kasal, nakangiting aniya saka marahan akong dinala rito sa mga upuan. Nasa bandang likuran kami at eksakto namang nagsimula na ang kanta nang makarating kami rito sa pwesto namin.

Nakakahiya naman itong suot— Napahinto ako nang malamang iba na ang damit na aking suot. Nagtataka ako kung bakit nakasuot ako nitong formal long sleeve dress na kulay peach na siyang terno sa mga sinusuot ng mga bridesmaids. Nagsisiyawan na sila pero ako nitong panay tingin pa rin sa suot ko.

Anong nakakahiya? Eh ang ganda-ganda mo kaya, sabi pa nitong matandang babae.

Paano ako nagkadamit ng ganito? Naka-make up rin ba kaya ako kagaya nila? Ano na naman bang pakulo to?!

Ayan na ang bride! excited pang sambit nitong katabi kong hindi ko rin kilala.

Grabe mas lalo siyang gumanda at naging sexy kahit may anak na siya, sabi pa ng isa.

Totoo naman talagang maganda at sexy iyong bride. Para sa akin, iyong beauty niya ay katulad nang kay Anne Curtis. Dyosang-dyosa talaga ang datingan. Iyon nga lang ay gusto kong malaman kung sino ang groom kaso hindi ko makita dahil natatabunan siya ng mga taong nasa unahan ko. Pero bahala na, wala rin naman akong pakialam. Hindi ko rin naman sila kilala at ewan ko lang talaga kung bakit nandito ako.

Umupo na lang din ako rito at pilit nilalaban ang nakapa-awkward na mga tingin ng iba sa akin. Siguro nagtataka sila kung bakit ako nandito, eh hindi naman nila ako ka anu-ano. Pero kung aalis naman ako, baka mas lalo lang nakakahiya.

Alisha Ferrer, my love, my strength, my happiness, pasimula ng groom at dahilan para kiligin ang mga tao rito sa paligid. Pero iba ang nararamdaman ko. Iyong tipong tumigil bigla ang mundo ko nang makilala ang boses na iyon. Si Trevor. I am sorry, again, for not being with you those time na kailangan mo ako. Yes, hindi ko nga sinasadya na humilata na parang lantang gulay sa ospital noon ng higit sa tatlong buwan. Sobrang dami ng nangyari actually. Kinuwento ko na sa iyo iyong tungkol sa babaeng na-meet ko sa panaginip. I forgot her name, my bad. Tumatawa pa ang mga guests nila samantalang ako ay parang tanga na nakatayo habang tinatanaw si Trevor kahawak kamay ang kanyang magiging asawa sa harap ng altar.

Ikaw nga, wala sa sariling sambit ko at ramdam ko naman ang nag-uunahang luha ko na dumadaloy sa aking pisngi.

Iyon nga, parang nag-cheat ako sa panaginip ko pero I am also thankful kasi kung hindi dahil sa kanya—hindi ko mapapakasalan ang babaeng pinakamamahal ko ngayon. Alam ninyo nag-wish pa ako noon na sana I could spend my whole life to girl that I love the most. Make a happy family with her. Akala ko na iyong girl na iyon ang tutupad sa wish ko pero hindi. Feeling ko, iyong wish niya ay sana matupad ang wish ko—that is why I am here, siguro. Holding the hands of my only one love. Tumatawa pa siya at itong mga kasama ko rito sa upuan ay tipong kinikilig.

Siguro iyong girl na napanaginipan niya ay si God iyon. Biruin mong halos lahat ng kapamilya niya ay unti-unti nang nawalan ng pag-asa dahil halos tatlong buwan na siyang na-coma. Feeling ko talaga si God iyon, sabi pa nitong isa at doon ako napangiti.

Pinili kasi ng babae ang kasiyahan na deserve para kay Trevor, wala sa sariling sabi ko.

Kung totoo man iyon, gusto kong magpasalamat ng sobra sa kanya dahil naibalik niya sa amin ang pinsan ko. Kung makilala ko man iyong babaeng tinutukoy niya, gusto ko siyang yakapin ng sobrang higpit, wika naman ng isa.

Doon ko na-realize na kahit nasasaktan ako, may natulungan at napasaya naman akong tao. Okay na siguro iyong ginawa ko. Maghihilom rin itong sugat sa puso ko at magiging masaya na ko sa susunod na araw. Sapat na itong makita ko si Trevor kasama ang mga mahal niya. Masaya ako para sa kanya.

Hahakbang na sana ako paalis nang bigla kong maramdaman ang sobrang sakit ng aking ulo. Iyong sakit na tipong hinihigup lahat ng lakas sa katawan ko. Gusto ko sanang humingi ng tulong kaso parang hindi na nila ako nakikita at nagpalakpakan lang sila habang nakatingin doon sa harapan.

Tulong, mahinang sambit ko nang madapa ako at hindi ko na kaya pang tumayo muli. Tulong, muling sabi ko pa pero unti-unti na akong kinain ng dilim.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Love? rinig kong tawag sa akin ni Kervy dahilan para mapamulat ako. Hinahaplos niya ang pisngi ko at tinititigan ang buo kong mukha. Parang maduduling nan ga ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Nananaginip ka, aniya habang nakangiti.

Oo, panaginip pala talaga iyon lahat. Nandito pa rin pala talaga ako sa ospital. Pero kung iyong panaginip na iyon ay totoo iyong nangyari sa buhay ni Trevor, magiging masaya na ako. Masaya na ako para sa kanya.

Kamusta na pakiramdam mo? tanong sa akin Kervy at kinuha ang aking kanang kamay para hawakan. Napatitig ako sa kanya at parang gusto kong maiyak dahil nasasaktan ko siya nang hindi ko sinasadya.

Im sorry! Pumiyok pa ang boses ko at hindi ko na talaga mapigilan ang mga luhang lumabas sa mga mata ko. Kervy, Im sorry!

Shss its okay. Huwag ka nang umiyak. Pinunasan pa niya ang mga luha ko.

Im sorry kasi nakalimutan kita. Hindi ko na mapigilan pa ang paghikbi. Im sorry dahil nasaktan kita.

Mas lalong bumigat ang dibdib ko nang makitang umiiyak rin siya. Guiltyng-guilty ako. Hindi ako nagsisisi na dumating si Trevor sa buhay ko pero nagsisisi akong nakalimutan ko ang taong ito. Halo-halo ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung anong uunahin.

Alam mo, kahit ilang Trevor pang dumating sa buhay mo. Hinding-hindi pa rin kita susukuan. Kahit ikamatay ko pa, ipaglalaban pa rin kita. Kaya huwag mong isipin na nasaktan mo ko. Ganoon talaga ang buhay. Minsan may mga pangyayari na hindi natin maiintindihan pero pinilit nating intindihin. Ngumiti pa siya at hinahaplos ang pisngi ko. Alam mo its just a chapter. If its time to turn the page, let it be. Nandito lang naman ako lagi eh.

Doon lang bumuhos lahat-lahat ng luha ko. Tila bay lumalabas lahat at hindi ko na kayang pigilan pa. Itong yakap ni Kervy, gusto kong alalahanin kung ganito rin ba kagaan sa loob noong niyakap niya ako noon. Gusto kong balikan lahat nang mga nakalimutan ko.

Kumalas sa yakap si Kervy at umayos nang upo. Kinuha niya ang cellphone niya at saka iniharap sa akin. Iyan ang last message mo sa akin. Sa mismong birthday ko, aniya at binasa ko naman iyong message.

'Happy birthday, love! Alam mo, may ipon ako rito at gusto kong i-celebrate natin ang birthday mo sa Tagaytay. Pangarap ko kasing makapunta roon at ikaw ang isasama ko. Kaya pack up your things na dahil papunta na ako riyan.

Matapos kong basahin iyon ay marahan akong tumingin sa kanya. Nagawa ba natin iyon? tanong ko. Nginitian niya lang ako at saka umiling. Na-celebrate ba natin ang birthday mo? muling tanong ko at ngiti lang isinagot niya. Dahil doon ay alam ko na kung anong sagot. Nagalit ka ba sa akin?

Biglang nawala ang ngiti niya at napalitan nang lungkot. Hindi ko kayang magalit sa iyo at alam mo iyan. Nag-aalala nga ako kasi akala ko iiwan mo na ko.

Inabot ko ang kanang pisngi niya at pinahiran ang kanyang mga luha. Gusto kong tuparin pa rin iyon. Kayapwede mo mo ba akong dalhin doon bukas? I-celebrate natin ang birthday mo kahit hindi mo pa birthday, sabi ko at nginitian siya.

Tumango naman siya at hinawakan ang kamay ko. Nanghihinayang ako kung bakit ko nakalimutan iyon lahat. Bakit sa lahat-lahat iyon pa?

Magpahinga muna ako, sabi ko nang maramdamang bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Pero diyan kay lang. Huwag mo kong iwan, please. Iyon lang ang huli kong sinabi at kinain na ako ng antok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hidden PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon