CHAPTER 7

0 0 0
                                    

CHAPTER 07

Ilang days na lang at magsisimula na ang pagiging estudyante moments ko. That is why ngayon I decided to visit my family roon sa probinsya. Yes, I am a probinsyana girl at tumira lang ako rito sa syudad noong mag-high school ako hanggang ngayong college. Bihira lang ako umuwi roon sa amin not because ayoko na sa probinsya kung hindi may malalim akong dahilan kung bakit ako lumayo sa kanila. Not literal na lumayo but dumidistansya lang ng kaunti.

"Hoy, sama naman kami please?" muling atungal ni Venzyl at kanina pa talaga siya sunod nang sunod sa akin. "Gusto ko rin malanghap iyong fresh air sa inyo, Andriana."

"Anong fresh air? Walang presko roon. Problema lang mayroon," pabirong sabi ko pero may kasamang totoo.

"Me too," biglang sulpot naman ni Trevor pero hanggang sa pinto lang siya nakatayo.

"No. Youre not allowed to go there, Trevor." Nilagay ko ang mga gamit ko sa bag. Maliit lang na bag ang dinala ko kasi nga uuwi lang ako kaagad.

"Isama mo na iyan. Kawawa naman kung siya lang mag-isa rito 'di ba? Hindi rin iyan makagala dahil hindi niya kabisado ang lugar," singit rin ni Venzyl.

"Shes right," sang-ayon pa ng mukong.

Inis naman akong napakamot sa noo ko. "Oo na nga. Sumama na kayo sa akin kahit pa pumunta akong banyo ay samahan ninyo ako. Nakakaloka naman kayo!" sarkastikong sabi ko pero wala nang kasing lapad ang mga ngiti nilang dalawa. "Basta, Trevor, huwag kang makulit doon ha? My parents will probably make some issues on their heads so please behave ha?" Tinaasa ko pa siya ng kilay at nakangiti pa rin siyang tumango-tango.

"At saka bakit ka naman gagawa ng ikadududa ng parents niya, Trevor? May something ba kayo rito na hindi pwedeng malaman ng parents mo, Andriana?" Pinanliitan pa ako ni Venzyl ng kanyang mga mata.

"W-Wala ha-"

"Yes," confident na sagot ni Trevor na siyang ikinatitigil ko.

"What? Ikaw ah, baka gusto mong magpaiwan rito? Umayos ka," banta ko kay Trevor dahil masyado nang assuming.

"Okay, Im not going with you. Lets see if magi-enjoy ka ba roon without me?" aniya at binigyan pa ako ng ngiting nakaloloko.

"Alam mo ikaw, kung hindi ka titigil, iiwan ka talaga namin rito." Ibinato ko pa sa mukha niya ang t-shirt ko na ilalagay sana sa bag. Sapol na sapol ang face.

"Joke lang. Ito naman, ang init ng ulo. Sige na mag-impaki na 'ko," wika pa niya saka walang salitang ibinato pabalik kay Venzyl angg t-shirt ko.

"Dinamay pa ko, bwesit!" napipikong sigaw ni Venzyl at tawa naman nang tawa ang isa.

"Si Andriana nag-utos sa akin." Itinuro pa ako ng mukong.

"Kung kutusan kita riyan?" sarkastikong sabi ko pero kinindatan ba naman ako saka patakbong nagpunta sa salas.

Ang cute mo mapikon, Andriana! sigaw niya at wala nang kasingtulis ang mga titig ko sa pinto.

Hmm may something rinig kong sabi ni Venzyl na palabas na rin ng kwarto ko. Wow! Sobra akong na-stress sa dalawang ito!

Pero hindi sa nagpi-feeling ako pero talagang marami na akong napapansin kay Trevor mula noong napunta siya rito. Iyong pagiging cold niya ay nawala at napalitan ng pagiging clingy. Ayoko ko ring mag-overthink kasi malay ko naman kung iyan talaga ang tunay na ugali niya. Hindi ko lang nalaman kasi nga bigla na lang naglalaho ang libro ko at hindi ko na ito natapos basahin. Last week nga ay pumunta ako sa bookstore kaso sold out na raw. Pakiramdam ko ay hindi ito nagkataon lang dahil halatang tadhana ito o panahon talaga ang gumawa nito.

Hidden PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon