CHAPTER 14

0 0 0
                                    

CHAPTER 14

I dont know what is happening right now. Parang naging famous ako bigla at naging marami ang mga bashers ko rito sa campus. After that incident noong sabado, I dont know what fake news ang ipinagkakalat ng babaeng sumugod sa amin doon sa café. Nagpa-feeling victim siguro iyon.

Andriana, are you okay? tanong pa sa akin ni Venzyl.

Tumango naman ako sabay ang pagbuntong-hininga. Malapit na akong mainis, Venzyl. Please naman tulungan mo kong pigilan ang inis ko.

Andy, kung ako sa iyo, hindi ako maiinis, aniya kaya kunot-noo ko siyang tiningnan. Magagalit talaga ako. Alam mo, kapag iyong babaeng iyon makakasalubong ko? Tutusukin ko talaga iyong mala-airport runway na noo niya.

Natatawa naman ako sa panglalait niya. Pero totoo naman, parang kalahati na ng ulo niya ay noo. Sorry pero Im just telling the truth. Ayoko kasing palalain pa ang sitwasyon.

Syempre ayoko ring makipag-away ka. Alam mo naman din ang sitwsyon mo. Pero whats my purpose bilang kaibigan mo? Syempre, I am your night and shining armor. Kinindatan pa niya ako.

Ewan ko sa iyo, sabi ko na lang sabay iling. Tara na nga, gusto ko nang umuwi. Inayos ko pa ang mga gamit ko sa bag saka tumayo at tinahak ang daan palabas.

Mamaya na tayo umuwi. May hinihintay pa ako eh, pigil niya sa akin rito sa hallway.

Magdidilim na kasi tapos si—

Si Trevor? pagputol niya sa akin. Inakbayan pa ako at hindi man lang nagsabi na kukurutin niya ang aking pisngi. In love na talaga itong bespren ko! Malakas pa niya itong sinabi na tila rinig na rinig ito sa buong hallway.

Pipiktusan ko na sana itong si Venzyl pero napahinto ako nang biglang sumulpot si Kervy doon sa hallway papuntang restroom. Wala siyang reaksyon habang nakatingin sa amin. Noong sabado kasi, after naming gawin iyong group project namin, sinabi niyang gusto niya akong kausapin but I refused. Whats the purpose? Sinira na niya ang araw ko tapos he expected me to talk to him?

Kervy, Im glad na nagpakita ka ngayon sa akin. Hindi mo na ako pinahihirapan pang hanapin ka, biglang wika nitong kasama ko. Nasaan na pala iyong babae mo? Pwede ko ba siyang makausap? Makamusta man lang siya. Baka kasi nasubrahan na iyon sa pagka-overwhelm dahil ang daming kumakampi sa kanya.

Venzyl, stop it. Uuwi na lang tayo, saway ko pa sa kanya.

Hindi. Ayokong umuwi hanggat hindi ko nakikita itong babaeng iyon. Nai-stress itong mga baby hair ko sa kanya. Kilala ko na itong si Venzyl, kapag ganito na kapula ang kanyang mukha malamang nag-uumapaw na ang galit.

Napalipat naman ako ng tingin kay Kervy na humahakbang papalapit sa amin. Ramdam ko talaga ang kumukulong dugo ko. Kervy, please tigilan mo na itong kalokohan mo. Sobrang nadadamay na ako eh. Parang awa mo na, pagod na ako.

I just wanted to say Im sorry, Andriana. Kahit ako, hindi ko rin naman ginusto ang nangyari. Pinagsabihan ko na rin si Nicole at ako na ang humihingi ng pasensya sa iyo, aniya at hindi ko alam kung talagang sincere ba siya o hindi. Andriana, salamat din kasi tinanggap mo ko sa grupo ninyo. You are the reason kung bakit naipasa ko ang subject na iyon. Iyon lang kasi ang kulang para ma-complete ko ang requirements koto transfer.

Nang marinig ko ang salitang transfer ay kusa na lang kumunot ang noo ko. Transfer? pagka-klaro ko pa.

Matunog pa siyang ngumiti saka bumuntong-hininga. Actually, I really dont want to but I think that is the right thing to do. Right thing for me to forget my feelings for you, aniya at doon ako natigilan. Andriana, you are the only girl that I admired since a long time ago. You are the only girl that I like and I love. I really do. But I guess, were not meant for each other. Muli pa siyang tumawa pero alam kong peke iyon. Im so sorry for the stupid things that I did. I am sorry for making you annoyed. I am sorry for the time you wasted for me just to watch my game. I am sorry for the haters and bashers. All that sh*ts are because of me. You dont deserve to be hated. You deserve to be loved. And thats the reason why I need to give you space. An enough space.

Kervy, hindi mo naman dapat gawin iyon. Ang dami mong maiiwan rito—iyong team mo, sabi ko pa pero umiiling-iling lang siya.

Nakapag-decide na ako and ngayon na ako aalis, sagot pa niya.

Saan ka ba lilipat? tanong ko pa.

Sa Germany—

Bakit ang layo? diretsong react ko. Akala ko kasi sa Pilipinas lang.

Doon na ako mag-stay sa lola ko. And kahit naman malayo ako, if you need something, you are always free to call or chat me, wika pa niya at ramdam ko na ang paninikip ng aking dibdib. Andriana, can I ask two favors? tanong pa niya sa akin at tumango naman ako bilang sagot. Please be happy always.

Okay. Thank you. Ano iyong isa?

Nakita ko pang bumuntong-hininga siya. Can I hug you for the last time? Hindi pa man ako nakasagot ay niyakap na niya ako. I hug him back at lalong bumigat ang pakiramdam ko. Ayoko siyang saktan kaso hindi ko naman din madidiktahan ang puso ko na ibalik ang pagmamahal na ibinigay niya sa akin.

What a nice shot?! biglang sulpot ng babaeng nagngangalang Nicole. Napakalas naman ako sa yakap at taas-kilay ko siyang tiningnan. Akala ko ba galit ka kay Kervy? Bakit may payakap-yakap? aniya habang humahakbang papalapit sa amin.

Nicole, ano bang ginagawa mo rito? tanong pa sa kanya ni Kervy.

Im here kasi narinig kong aalis ka na, sagot pa ni Nicole.

So? Ano naman sa iyo? Ano ba kita? diretsong sabi ni Kervy at nakikita ko talaga kung paano natigilan si Nicole.

Ouch! Ang sakit naman! singit pa ni Venzyl at sinabayan pa ng tawa na iyong tipong nakakainis. Ikaw pala si Nicole? Kapal din naman ng mukha mo na bumuhos ng tubig sa kaibigan ko—well in fact wala naman pala kayong relasyon ni Kervy. Alam mo ba ang salitang distance? Humakbang pa si Venzyl papalapit kay Nicole at aaminin kong medyo kinakabahan na ako. Masyado ka sigurong assuming, no? Nananaginip ka siguro na naging kayo ni Kervy and thats the reason why you acted like his girlfriend. Gumising ka na. Walang kayo, girl. Dumistansya ka na.

And who are you? nagmamalditang sumbat ni Nicole sa kanya.

Ako ang titingin ng utak mo ngayon. Ay sorry, may utak ka ba? Parang wala kasi. Malaking noo lang ang mayroon ka. Kahit filter doon sa picture mo, hindi kayang takpan iyang noo mo. Sinabayan pa ng tawang sarkastiko ni Venzyl.

How dare you—

Sasampalin na sana ni Nicole si Venzyl pero mabuti na lang at naisangga niya ito. Huwag ako. Huwag ang kaibigan ko. Nicole, mahirap akong kalaban. Hindi ako titigil hanggat hindi ka makakaluhod sa harapan ko kaya huwag mo nang simulant. Magsisisi ka lang, kalmado ngunit may bahid bawat salita ang binibitiwan ni Venzyl. Bawal ka na rito hindi ba? Gusto mo bang ako mismo kumaladkad sa iyo palabas ng campus? Para naman makita nila na ang nagpakalat ng tsismis na malandi ang kaibigan ko ay mapahiya at magmukhang tanga sa mata ng karamihan!

Pagsisisihan ninyo ito! banta pa niya sa amin habang inisa-isang tinuturo.

Haharapin kita kahit saan, Nicole. Hindi ako natatakot sa iyo, sabi naman ng kaibigan ko at talagang bumilib ako sa kanya. Hindi na nagsalita pa si Nicole at basta niya lang kami iniwan. Tsk! Walk-out ang ate mo, girl! natatawa ang sabi ni Venzyl.

Sabi ng kaibigan niya, may mental disorder daw si Nicole and I guess iyan ang dahilan kung bakit ganoon siya mag act, wika ni Kervy at medyo nagulat ako pero slight lang. Parang ganoon din kasi ang hinila ko. Anyway, I have to go. Mali-late na ako sa flight ko. Take care!

Ingat ka rin, sabi ko at ngiti lang din ang kanyang iginante saka humakbang na paalis.

Isang mabigat na buntong-hininga ang binitiwan ko habang nakatingin kay Kervy na paalis. Para akong nakukunsensya pero iyon na nga wala naman din ibang paraan para suklian ko iyong dapat suklian. Thats love, sabi pa nga nila. Sometimes, we win. Sometimes, we lose. Swerte lang tayo kung ipaglaban din tayo ng mahal natin.

Hidden PagesWhere stories live. Discover now