CHAPTER 3

0 0 0
                                    

CHAPTER 03

Hinahalungkat ko na ang buong bahay pero talagang hindi ko nahahanap ang aking libro. Hindi ko maaalala kung saan ko ito naiwan o nahulog. Gusto ko kasing malaman kung ano na ang nangyayari sa kwento at baka may kinalaman ito kung bakit nandito si Trevor. Baka rin makahanap ako ng paraan doon sa mismong kwento para maibalik ko siya sa mundo nila.

"B*llsh*t! Nasaan na ba iyon?" Napasapo na lang ako sa aking mukha saka umupo nitong sofa.

"Baka na-misplace mo lang talaga iyon. At saka parang first time mo rin nawalan ng libro 'di ba?" wika pa ni Venzyl at talagang tama siya. Sobrang maingat kasi ako sa mga libro ko to the point na ayaw ko nang pahawakan ng iba.

"Sa pagkakaalala ko kasi ay ibinalik ko naman iyon sa shelf," sabi ko saka tiningnan itong si Trevor na kanina pa sinisinghot ang kanyang polo shirt. "Now, this is a sh*t! That is the only thing I know para makakuha ako ng clue kung paano kita matutulungan, Trevor." Napahilot na lang ako sa sintido ko dahil sa stress.

"Pinagpipilitan mo talagang galing ako sa librong binasa mo. But I guess it is a little bit possible kasi I dont know this place either," aniya at napabuntong-hininga na lang ako.

"Even me, Andriana, it really hard for me to believe you but wala namang mawawala if maniniwala kami sa iyo. Besides, we dont know what is really happening." Umupo pa si Venzyl sa tabi ko at niyakap ang unan.

"Trevor, saang University ba kayo pumapasok?" tanong ko.

"Apprendre University. Mga french ang may-ari," diretsong sagot niya at talagang tugma sa kwento.

"Ill search it. Wait muna," wika pa ni Venzyl habang nagpipindot sa kanyang cellphone. "Walang lumabas na location pero ang university na iyan ay mababasa sa kwentong..." binitin pa ni Venzyl ang pagbabasa saka tumingin sa akin. "Hindi ba itong libro na ito ang binabasa mo?" aniya at napatingin naman ako sa screen.

"Yes," sang-ayon ko dahil ito ang 'Until We Meet Again' na libro.

"So... talagang galing ka nga roon?" Nanlaki pa ang mga mata ni Venzyl habang nakatingin kay Trevor. Or you had memorized it all, the location, the names, all important matters inside that book tapos iyon na ang ginagamit mo ngayon? I hope I am wrong kasi I have already trust in you but just a little pa muna.

"All words that I said is true. Honestly, even me, it is hard for me also to believe you that I-I am one of the fictional characters. How the h*ll did that happen? K-Kung taga roon nga ako, paano ako makababalik roon?" Napalipat-lipat pa ng tingin sa amin si Trevor.

Putik pa ako sa ere."Thats really the point, the problem, na kailangan dapat may clue tayo on how to solve it," bagsak ang balikat na usal ko. "Ang gulo hindi ba?" tamad na wika ko at diretsong tumango-tango naman itong kaibigan ko. Tila'y hindi na marunong magsalita pero napahinto na lang kami nang may biglang kumatok sa pinto.

"Babe?" Rinig naming boses ni Zyrel na tinatawag si Venzyl.

"Hindi mo sinabing pupunta ngayon dito iyang boyfriend mo," namumublemang bulong ko rito sa babaeng halatang nagpa-panic na rin.

"He never told me," inis na aniya saka itinulak-tulak ako palapit kay Trevor. "I-Itago mo siya bilis."

Hindi na ako nagsasalita pa at diretso kong hinila si Trevor papunta rito sa kwarto ko. "Oh s-sorry. I'm sorry," bulong na namang sabi ko nang mabundol siya pintuan. Wala na akong pakialam kung saan-saan na lang siya nabubundol dahil sobra na akong nagpa-panic.

Kaagad kong isinara ang pinto nitong kwarto ko at ini-lock. Hindi rin naman kasi pwedeng pumasok dito si Zyrel. Pero talagang pinagpawisan ako nang wala sa oras ngayon. Paano ba naman kasi namin ipapaliwanag kung sakaling makikita niya itong si Tervor. Magpinsan nga kami ni Zyrel pero ayokong magtiwala roon kapag ganito na ang eksena.

Hidden PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon