CHAPTER 13

0 0 0
                                    

CHAPTER 13

SABADO na at wala pa ring pahinga ang pagiging estudyante namin ni Venzyl. Wala naman kaming pasok pero may mga group project kaming kailangang tapusin. Magkaiba kami ng grupo ni Venzyl at hindi ko alam kung saan ang meeting place nila. Sa amin kasi ay roon sa Don McCafe at medyo malapit lang naman ito rito sa apartment namin.

Ihahatid na lang kita, makulit na namang usal ni Trevor na nakadungaw sa may pinto. Iyong parang tuta na hindi pinapapasok.

May sasakyan ka ba? pabirong tanong ko at nakanguso naman siyang pumasok saka umupo sa kama ko. Kasalukuyan kasi akong nag-aayos ng buhok ko at ginawa kong ponytail. Dito ka na lang. Babalik naman ako kaagad kapag natapos na namin iyong project.

Tiningnan ko ang itsusra ko sa salamin ng malapitan para ma-check ko kung may mga unnecessary designs bang nakalagay. Pero napataas ang kanang kilay ko nang wala akong matanggap na sagot galing kay Trevor. Tahimik lang kasi kaya liningon ko siya. Maayos naman siyang nakaupo sa kama ko pero tilay ayaw niyang ihiwalay sa akin ang kanyang paningin.

Nakita ko pa siyang bumuntong-hininga saka tumayo at lumapit rito sa akin. Sinusundan ko naman siya ng tingin habang kinikuha niya ang isang silya at itinabi ito sa akin. Napasinghap na lang ako ng hangin nang marahan niyang hinila ang upuang inuupuan ko palapit sa kanya at pinaharap pa ako. Parang maduduling na ako dahil sa sobrang lapit.

Umm Trevor, parang masyado yatang malapit—

Andriana, I love you! biglang usal niya na siyang dahilan kung bakit halos hininga ko ay napatigil.

Parang nawala lahat ng salita sa isip ko. Iyong tipong naging blangko na lang o nag-mulfunction bigla. Wala na nga akong ibang nagawa kung hindi ang tumitig sa kanya. Pero unti-unting napalitan ng lungkot ang nararamdaman ko nang makita ang nagu-unahang mga luha ni Trevor na pumatak sa kanyang pisngi.

Trevor—

Alam ko namang hindi ito tama. Hindi ko nga mapapangako na hindi kita masasaktan eh. Kasi hindi naman ako normal tao katulad mo. Umiiling-iling pa siya habang humihikbi at hindi na tumitingin sa mga mata ko. Nakayuko na lang siya at hinahayaan ang mga luhang pumatak sa aking hita. I-I realize how stupid I am kasi hinahayaan ko itong nararamdaman ko at naging magulo na ang buhay mo nang dahil sa akin.

Hindi, Trevor. Hindi iyan totoo. Hmm? Hinawakan ko pa ang dalawang pisngi niya at sinalubong ang kanyang mga tingin. Dahil sa mga nakikita kong sakit sa mga mata niya ay nahawaan na rin ako. Nasasaktan rin ako.

I u-understand if youre afraid to love me. I understand if you dont love me back. Just tell me, aniya pero imbis na sagutin ko ang mga tanong niya ay binigyan ko siya ng buong pusong halik sa kanyang mga labi.

I love you, namamaos pa ang boses ko. Mahal naman kita at hindi ako natatakot na mahalin ka, Trevor. Wala akong pakialam kung saan ito hahantong basta ang alam ko, mahal kita.

Napapikit ako nang maramdaman ang init ng kanyang halik sa aking noo. Iyong halik na pakiramdam ko ako ang pinakaswerteng babae sa buong mundo. Iyong halik na nagsasabing nasa tamang tao ako. Iyong halik na nagpaparamdam sa akin na deserve ko ring mahalin.

I love you! sambit na naman niya pero wala pa rin akong makitang ngiti sa kanyang mukha.

Huwag ka nang umiyak, please? Naiiyak rin ako eh. Iyong mascara ko, nasira na tuloy. Kunwari ko pang Tiningnan ang mukha ko sa salamin kahit alam kong waterproof ang ginagamit ko at hindi siya basta-bastang kakalat.

Wala naman. Maganda ka pa rin naman, sabi pa niya at pabiro ko naman siyang tinusok sa tiyan. Pero mahina lang naman. Im sorry kung naging emotional ako. Na-realize ko lang kasi and also wala ang parents ko rito para ipakilala ka. Ang dami ko kasing kulang na hindi ko maibigay sa iyo kaya ako guilty.

Hidden PagesWhere stories live. Discover now