CHAPTER 10

0 0 0
                                    

Chapter 10

Maingat ko pang binuksan ang pinto nitong apartment namin at sinilip-silip pa muna ang salas kung nandito ba si Trevor. Laking pasasalamat ko naman dahil wala siya kaya dumiretso kaagad ako rito sa kwarto ko. Tuloy ay napahinga ako ng maluwag.

Parang mali naman yata itong ginagawa ko? Iiwasan ko siya dahil lang doon sa sinabi niya? Parang kawawa naman yata ang tao. Wala na ngang ibang kakilala tapos iiwasan ko pa. Para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko habang nagbibihis ng damit.

Sino ba naman ang hindi mababaliw kung isang Trevor na ang umamin sa akin? Oo na at crush ko siya. Hiniling ko pa nga noon na sana magkaroon ako ng isang Trevor—

Hiniling ko siya noon. Tama! Napahinto ako sapag-aayos nitong buhok ko at napaupo rito sa kama. Paano kung nagkatotoo nga iyong hiling ko? Tsk! Bakit ngayon ko lang ito naisip! Napahilamos ako at hindi na malaman kung ano ang gagawin.

Napalakad-lakad ako at pabalik-palik. Minsan pa nga ay muling mapaupo sa kama, mapasandal sa vanity table, mapaharap sa bintana at mapaupo sa sahig. Kung may nakatingin lang talaga sa akin dito ay mapagkamalan akong baliw. Sino ba ang hindi sasakit ang ulo nito na ako lang naman pala ang may pakanan nitong lahat. Nagulat pa ako pero iyon naman pala ay ako lang ang humiling. Tsk!

I didnt mind it naman kasi. Sino ba naman ang mag-aakala na magkatotoo. eh sabi-sabi lang naman iyon, wika ko na naman kahit wala akong kausap.

So ngayon, panibagong problem ana naman ba ito? Anong klaseng buhay ba to, puro problema. Maliit na bagay lang naman ito pero parang nakakasakit lang ng ulo. Hindi ko alam kung ano ang uunahin at paano ko sisimulan. Kung pwede lang sana na ipagawa ito sa iba kagaya ng mga school project ay pinagawa ko na. Iyong tipong sila lang muna bahala sa buhay ko pansamantala at para na rin makapag-relax ako.

Lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin ako lumalabas nitong kwarto.Wala pa rin naman akong napapansing may ingay sa salas at baka siguro natutulog lang si Trevor. Mabuti nga lang din iyon para makapag-isip pa ako ng mga bagay na dapat kong gawin. Kung paano ko i-explain sa kanya.

Andriana? maya-mayang tawag sa akin ni Venzyl. Siguro ngayon lang siya nakauwi.

Maingat ko namang binuksan ang pinto saka ulo ko lang ang kaunting inilabas ko para makita siya. Bakit? pabulong na sagot ko at nakita ko namang nangunot ang kanyang noo.

Anong nangyari sa iyo? taas-kilay na aniya saka lumapit rito at walang pasabing itinulak ang pinto para mas mabuksan pa. May tinatago ka ba rito? May lalaki ka bang tinatago? O tinatago mo ba rito si Trevor? sunod-sunod na tanong niya at doon lang ako napatigil sa huli niyang tanong.

Anong tinatago ko si Trevor? Iyang bibig mo rin eh, saway ko sa kanya pero pinanliitan niya lang ako ng kanyang mga mata.

Wala si Trevor doon sa salas at wala rin doon sa kusina. Alangan namang nasa kwarto ko, hindi ba? aniya saka pumasok pa rito sa kwarto ko at tiningnan bawat sulok, cabinet, at banyo. Saan mo siya tinatago? Pinapalayas mob a o ano?

Aligaga naman akong lumabas papuntang salas at wala akong nakitang Trevor pero nandito pa naman ang mga gamit niya. Pati rito sa kusina ay wala rin siya. Saan siya nagpunta?

Ikaw ang nauna sa ating dalawa rito kaya dapat ako ang magtanong sa iyo ng ganyan, aniya at napasapo na lang ako ng aking noo. Pag-uwi mo ba ay nandito siya?

Umiling-iling naman ako. Hindi ko alam. Dumiretso lang ako rito sa kwarto ko eh.

Oh, eh nasaan na siya ngayon? Dont tell me na bumalik na siya sa mundo nila?

Huwag mo ngang sabihin iyan, wala sa sariling saway ko sa kanya.

Ayaw mo? Eh di ba dapat maging masaya ka kung iyon ang nangyari kasi natupad na ang pangarap nung tao. Nangungulila rin siya sa pamilya niya kaya dapat maging masaya na rin tayo para sa kanya, sabi pa ni Venzyl at hindi ko maiwasang masaktan habang iniisip ko iyon.

Hidden PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon