CHAPTER 12

0 0 0
                                    

CHAPTER 12

Umuwi nga akong lutang. Aaminin ko na nakukunsensya ako dahil nasaktan ko siya, pero sa tingin ko naman ay wala namang ibang paraan para hindi siya masaktan. Mabait naman iyong si Kervy sa akin, iyon nga lang masyado akong nahahambugan sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko feel ang presence niya kasi. Kung sasagutin ko naman iyon ay hindi na iyon love hindi ba? Awa na iyon.

Isang malalim na buntong-hininga ang aking nagawa nang nandito na ako sa tapat ng pinto namin. Ayokong dalhin rito ang nangyari sa campus. Hi, bati ko kay Trevor na nakaupo lang sa sofa at hindi man lang ako nilingon.

Nice flower ha? aniya pero hindi naman siya nakatingin sa akin kaya taka akong napatingin rito sa dinadala kong bouquet.

Ah bigay to ni—

Kervy, dugtong niya dahilan para mangunot ang noo ko. Pinagmamasdan ko lang siyang tumayo at humarap sa akin. Walang reaksyon ang mukha niya at talagang blangko lang kung makatingin sa akin.

P-Paano mo nalaman? nag-alinlangang tanong ko.

Namemeke pa siya ng tawa. I was there. Gusto sana kitang sunduin kaso noong nasa gate ako ay nakita kitang nagmamadali papunta sa parking lot. I called you two times pero dumiretso ka pa rin. Tapos nalaman kong si Kervy lang pala ang pinuntahan mo, aniya at nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya. Andriana, just tell me kung hindi mo ko gusto. Hindi itong papaasahin mo ako. Niloko na ko sa mundo namin tapos dito lolokohin pa rin? Masyado naman yatang mapanakit itong buhay na to.

Hindi. Hindi naman kita niloloko, Trevor. Nilinaw ko lang ang lahat kay Kervy. Iyon lang naman, paliwanag ko pa.

Nilinaw kaya may pa-flower? sarkastikong aniya.

Nagbaba naman ako ng tingin rito sa dinala ko. D-Dinala ko lang to kasi ayokong makita niyang tinapon ko lang.

Good. You really have a good heart, Andriana. Iyon lang at saka kinuha ang jacket niya saka akmang lalabas nang pinto.

Saan ka pupunta? nag-aalalang tanong ko.

Somewhere.

Parang naantig ang tainga ko sa tuno ng pananalita niya. Iyong tipong nawalan siya ng emosyon na hindi ko mawari. Pakiramdam ko, parang nawalan siya ng respeto sa akin. Sa inis ko nga ay pinakita ko sa kanya ang paghagis ko ng bouquet sa sahig. Iyong mga petals nga ay kumakalat na. Iyong iba ay nililipad pa ng hangin.

Iyan, masaya ka na? Tinuro ko pa ang sahig. Tinapon ko na. Binasura ko na. Ang hirap kasi sa iyo, hindi ka nakinig. Mas pinaniniwalaan mo iyang mga drama sa utak mo. Tapos ngayon, aalis ka?

Tumatawa pa siya pero alam kong galing sa inis niya iyon. Because I am disappointed. Siya iyong lalaking pinagseselosan ko and you know that.

Oo, alam ko. Kaya nga pinutol ko na hindi ba? Kaya nga kinaklaro ko na, Trevor. Hinihintay ko ang sagot niya pero tinititigan lang ako na para bang uukitin niya pati kaluluwa ko. Im sorry, mahinahong sambit ko at napasinghap na lang ako ng hangin nang bigla niyang hapitin ang baywang ko palapit sa kanya at saka yumakap sa akin ng mahigpit.

Im just scared of losing the person I love again. Im sorry, babe. Im so sorry. I believe you and I trust you but my selosong side really drives me crazy. Im sorry, aniya at naramdaman ko ang isang halik sa aking sentido na siyang dahilan para mapapikit akot mapayakap sa kanya pabalik.

Aaminin ko na gumagaan ang loob ko. Nawala iyong inis ko at iyong pagtatampo ko sa kanya. Parang magic lang eh. Corny nga pakinggan pero iyon talaga ang totoo. Kung dati, kapag may kinaiinisan ako ay hanggang dalawang araw pa bago bumalik sa dati iyong mood ko pero ngayon, iba na. Ilang minuto lang wala na, iyong parang dini-delete lang.

Hidden PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon