Chapter 12

2.5K 144 3
                                    

Laurice Lazares a.k.a Agent Seya

I'm sorry Reign. Matigas talaga ang ulo ko pero gusto kitang tulungan ngayon para matapos na ang misyon na ito.

Nakikita ko siyang tumatakbo palapit sakin.
Kinawayan ko siya pero nahawakan agad ako ng mga tauhan ni Dindo at kinaladkad patungo sa speed boat.

Reign....

Lumingon ako sa kanya. Balak pa niya akong habulin pero mabilis na umandar ang  sinasakyan namin at saka ito umalis. Bigla na lang akong sinuutan ng itim na tela sa ulo ko at itinali ang mga kamay ko sa likuran ko. Mabilis ang takbo, hindi ko alam kung gaano katagal ang naging byahe namin. Pagdaong ng speed boat inalis nila ang tela sa ulo ko. Kinaladkad ako papunta dito sa lumang bahay.

Kahit pala sa ganito kaliblib na lugar ay may concrete structure na nakatayo pero para siyang haunted house, hanggang tatlong palapag ang taas nito. Hanggang sa nakapasok kami.

"Boss Dindo, ito na siya!"

Itinulak ako nong lalake na dumampot sa akin at napasubsob ako dito sa sahig. Nasa harapan ko si Dindo. Napapalibutan rin kami ng mga tauhan niya.

"Nagkita ulit tayo Paloma. Hayop ka! Pinahirapan mo ako!" Hinawakan ni Dindo ang mga pisngi ko gamit ang isang kamay niya, halos madurog ang panga ko sa higpit na pagkakahawak niya sa mukha ko.

"Oo na, ninakaw ko yong cellphone at wallet mo dahil nangailangan lang talaga ako."halos hirap akong magsalita dahil sa pagkakahawak niya sakin.

"Alam mo bang naniwala ako sayo."

"Talaga? Na-touch naman ako."sabi ko pero bigla niya akong sinampal.

Halos mabingi ako sa lakas non.

"Gaga ka! Pera lang pala ang kailangan mo nagawa mo akong nakawan! Kayang kaya kitang bigyan ng malaking halaga. Akala ko bayarang babae ka lang. Umamin ka, asset ka ba ng mga pulis ha? Ilang tauhan ko ang namatay dahil sayo!"

Napangiti ako dahil mga lampa ang mga tauhan niya. Naubos ang mga iyon nong huling engkwentro namin sa may pier kung saan kami namalagi bago kami lumipat sa isang pribadong isla.

"Boss ito yong wallet mo, nasa bulsa ng babaeng iyan. Wala na yong pera, pati ang cellphone wala na sa kanya." Natatawa si Dindo halatang nanggigigil.

"Nasaan yong cellphone ko? Sumagot ka!"sigaw niya. Malamang hahanapin niya yon. Andon ang mga pangalan at numero ng mga high ranking officials na kasabwat niya.

"Binenta ko sa pulis."sagot ko.

Tatawa-tawa siya.

"Gaga ka talaga 'no? Anong mapapala ng mga pulis doon sa tingin mo?!"

"Malay ko." Pagkasabi ko non ay sinakal niya ako, hindi pa siya nakuntento sinampal niya ulit ako. Napahiga na lang ako dito sa sahig, hindi ko magawang punasan ang dugo sa bibig ko dahil nakagapos ang dalawang kamay ko sa likuran ko.

"Hindi ka mapagkakatiwalaang babae ka! Itayo niyo yan."

Itinayo nila ako at isinandal dito sa pader.

"Ah!" Namilipit ako sa sakit nong sikmuraan niya ako saka niya hinawakan ang buhok ko. Mahigpit niya itong hawak kaya napatingala ako.

"Sa lahat ng ayaw ko, yong ginagawa akong gago. Sa kakarampot na pera binenta mo ang cellphone ko!"sigaw niya saka siya tumawa ng pagkalakas-lakas.

Nakikitawa rin ang mga tauhan niya.

Mga baliw na. Nagpapauto sa amo nilang demonyo. ".....at mukhang protektado ka ng mga pulis dahil nagawa nilang itumaba ang ilan sa mga tauhan ko. Pero hindi naman ako nag-aalala, dahil hindi nila ako kayang huliin. Mga insekto lang naman ang mga gustong humuli sakin. Hindi nila alam yong pinakataas nila ay kakampi ko. HA-HA-HA-HA!"

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon