Chapter 4

4.2K 153 12
                                    

Laurice Lazares a.k.a. Agent Seya

"Wima, let's play hide and seek." sabi ko sa three years old na anak ng mga Tantingco.

Ang assignment ko ngayon ay dito mismo sa loob ng bahay ng mga subject.

Si Mr. Tantingco ay nasa late fifties na, habang si Mrs. Tantingco ay nasa mid thirties kaya bata pa ang anak nila.

Nandito kami sa kwarto at ang alam ng bata ay isa akong baby sitter.

"I will hide. Tago tago ako!"sabi niya at mabilis siyang tumakbo, nagtago siya sa ilalim ng kama.

Dumapa rin ako sa tabi niya. Sinasanay ko siyang magtago para alam niya ang gagawin niya.

"Kapag may bad guys anong gagawin mo Wima?"

"Hide!"sagot niya.

"Good."

Siguradong pinapanood ako ni Reign sa surveillance camera habang nakadapa ako dito sa sahig.

"What are you doing, Seya?"si Reign. Sabi ko na nga ba pinapanood niya kami. Nasa kabilang linya siya, naiwan siya sa lumang hotel. Naririnig ko siya gamit ang heatset.

"We're playing hide and seek. Sasali ka ba?"tanong ko.

"Hmp!"

Natatawa ako. Ang sarap kasi inisin ng taong ito dahil napakaseryoso niya.

Tumayo si Wima at kinuha niya ang teddy bear niya. "You're here, let's play teddy babi." sabi niya sa kanyang teddy bear.

May mga salita siya na hindi ko maintindihan minsan.

Kagaya ng 'babi', anong ibig sabihin non? Baka baby? O kaya Bear? Ang layo naman non.

Napapailing na lang ako na napapangiti.

Pinapanood ko siya at umupo siya rito sa tabi ko. Kandong niya ang teddy bear niya. Naka-indian sit din ako.

"Seya!" Yong boses ni Reign ay parang nagpapahiwatig ng panganib. "....someone....outside."

Tatayo sana si Wima pero hinila ko siya. "Stay down, Wima. Hide, quick!"

"May bad guy?"tanong niya.

"Yes may bad guy."

Pinatay ko agad ang ilaw at saka hinila ang mag asawang Tantingco papasok ng kwarto.

Pare-pareho kaming gumapang at nagtago agad sila kasama si Wima.

"Hide and keep quite no matter what happens."sabi ko sa kanila. Nanginginig ang mag-asawa.

Pumwesto ako dito sa gilid ng pinto at hinayaan itong nakaawang.

May mga yabag ng paa akong naririnig sa labas ng bahay kasunod nito ay nakarinig ako ng pagpihit ng door knob sa likod ng bahay, hanggang sa tila may nabasag na mga salamin.

Malamang hindi nila mabuksan ang pintuan kaya sa bintana sila gagawa ng butas para mabuksan ang door knob.

Hinugot ko ang baril na nakakabit sa strap sa tagiliran ko at dahan dahan na inawang ang pintuan para makalabas ako.

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon