Chapter 30

2.1K 137 7
                                    


Amber Paige a.k.a. Agent Reign

"Reign, may problema."si Rio. Mukhang balisa. Kapapasok niya rito sa opisina.

"Anong problema? At nasaan si Seya, bakit hindi mo siya kasama?"

"Yon nga ang problema, Reign. Sorry  natakasan niya ako."

"Ano? Natakasan ka? Anong klase yan Rio!"

Napapa-iling ako dahil sa inis. Si Seya tumakas?!

"Sorry talaga, pagkatapos namin kumain ang sabi niya magsi-CR lang daw siya kaso pagkatapos ng ten minutes, pagtingin ko sa CR wala siya ru'n. Iniwan niya sa akin 'tong bag niya kaya naging kampante ako, hindi ko napansin na wala palang laman 'to kundi dalawang pares ng damit niya."

Ipinatong ni Rio ang bag ni Seya dito sa table ko. Binuksan ko ang zipper---damit nga ni Seya ang mga ito.

"....ang sabi niya sa akin ayaw na niyang bumalik dito. Isa pa pala, umutang siya ng sampung libo. Baka wala talaga siyang pera kaya nag-aalala ako sa kanya."

Napakuyom ako.

"Umutang siya sayo ng pera dahil kapag ginamit niya ang ATM card niya ay mati-trace natin siya."

"Ganon na nga siguro, Reign. Pero ang sabi niya sa akin ay nasa kwarto ko raw ang ATM card niya kaya imposible din na maka-withdraw siya."

Mukhang ayaw magpakita sa akin ni Seya. Sigurado akong napag-planuhan niya ang mga ito.

Bumaling ako ng tingin kay Heart.

"Heart, i-monitor mo kung magkakaroon ng signal ang personal phone ni Seya, at alamin mo ang location niya. Tingnan mo rin ang mga CCTV malapit sa kinainan nila ni Rio."

"Okay Reign."sagot ni Heart, lumapit sa kanya si Rio para sabihin ang mga detalye kung saan sila kumain ni Seya.

Napapatiim-bagang ako. Nanggigigil ako kay Seya! Hinanap ko ang profile niya dito sa drawer ko at habang nagkakalkal ako napansin ko ang mga papel na nandito sa ilalim.

Ano 'to?

Isa-isa kong tiningnan ang mga papel.

Natigilan ako ------mga profiling namin ito kay Marco Redendo. Anong ginagawa ng mga ito rito? Ang sabi ko kay Seya ay ibigay niya kay Agent Thorn ang mga ito!

Sh*t! Mukhang alam ko na kung bakit andito ang mga papel na 'to. Kalokohan talaga niya! Napahawak ako sa sintido ko, hindi ko mapigil ang matawa sa loob-loob ko.

Inalis niya yong mga importanteng detalye ni Redendo sa folder na ibinigay niya kay Agent Thorn. Grabe, bilib na talaga ako sa kakulitan ng isang 'to. Pasaway talaga!

"Rio maiba muna tayo, anong balita kay Thorn. Nahuli na ba nila si Redendo?"

Sigurado akong may balita siya dahil dati niyang kasamahan sina Thorn.

"Ah, ang balita ko nagsisimula palang sila sa profiling. Ang sabi ni Thorn wala raw kwenta yong ibinigay nating profile ni Redendo sa kanya. Parang imposible naman iyon dahil ako ang huling nagprofile kay Redendo, kumpleto yon."

Napayuko ako dahil hindi ko mapigilan ang matawa. Ngayon lang ako natawa ng ganito, naghahalo ang tawa at pangigigil ko kay Seya. Naisip niyang alisin ang mga importanteng detalye ni Redendo sa folder.

Napansin kong nagkatinginan sina Heart at Rio.

Sige lang Seya magtago ka! Makikita mo talaga ang hinahanap mo!

"Okay ka lang ba Reign?"si Rio.

"Oo."natatawang sagot.

Nawi-weirduhan na siguro sila sa akin.

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon