Chapter 49

2.4K 127 17
                                    

Amber Paige a.k.a. Agent Reign


Pagkatapos ng isang buong gabing kapusukan ay nagising ako na maganda ang pakiramdam ko. Bumalik na rin ang lakas ng katawan ko. Si Seya ay mahimbing pa ang kanyang tulog dito sa tabi ko.

Hinalikan ko ang pisngi niya.

"Mmm...."ungol niya.

Hinayaan ko muna siyang matulog, bumangon ako nang naka-hubo't hubad.

Tinignan ko agad ang cellphone ko. May message pala si Boss. Gusto niya akong makita at makausap.

Naligo ako at nagbihis.

Bago ako lumabas ay nilapitan ko ulit si Seya dito sa kama.

"Seya..."

"Mmm..."

Nagising siya pero napapapikit pa ang mga mata niya.

"Aalis ako, magkikita kami ni Boss. Pumunta ka ng office mamaya, doon na tayo magkita, ha?"

Tumango siya habang nakayakap sa unan.

"....kaya mo na bang kumilos?"

"Uhm-uhm."

'"Okay."

Inayos ko ang kumot niya saka ako lumabas ng kwarto.

Nagkita kami ni Boss dito sa Underground Facility ng ELITE. Nakaupo siya nang madatnan ko.

"Boss."

Nang makita niya ako ay tumayo siya at binigyan niya ako ng isang tapik sa balikat.

"Good job! Hindi ako nagkamali na ibigay sayo ang alias na Reign. It is a great honor for your team and the entire ELITE to catch Simon Yuson and retrieve the body of Marco Redendo. Tatlong notorious criminals ang pinabagsak ng team mo kabilang na si Dindo Joaquin na nahuli niyo sa Palawan."

May kinuha si Boss sa drawer niya saka niya ito inilapag sa ibabaw ng table. Nakabalot ito ng brown envelope.

Alam kong malaking pera iyon, maaring nagkakahalaga ng isang milyon o higit pa.

"....tanggapin mo itong reward, iba pa iyan sa matatanggap mong sweldo at benefits mula sa Elite."

Kung tutuusin malaking bagay iyon para sa akin pero hindi ko deserve ang reward na ibinibigay niya.

"Hindi ko po matatanggap iyan boss."

"Bakit naman hindi?"

May pagtataka sa mukha niya dahil sa pagtanggi ko.

"Ang mga nakaraang misyon ay naging successful hindi dahil sa akin kundi dahil sa Rookie ng Team, si Agent Seya. I think she deserves to be rewarded and recognized, boss."

Tumango-tango siya.

"Sure."maikling sagot niya.

"Thank you boss."

Akala ko dito na nagtatapos ang usapan namin pero mukhang may sasabihin pa siya.

"Anyway, dahil maganda ang performance mo as a Team Leader. Bibigyan kita ng pagkakataon na mamili ng mga Agents na ipapalit mo sa mga teammates mo. Ang sabi kasi ni West nagrerequest ka ng mas magagaling na Agents."

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon