Chapter 52

2.8K 126 6
                                    

Amber Paige a.k.a. Agent Reign

Nandito ako sa opisina ngayon. Abala ako sa pagbabasa dito sa harap ng computer nang may kumatok sa pintuan kaya itinigil ko muna ang ginagawa ko.

"Reign?" si Seya, nakasilip siya sa pintuan. Para siyang maamong tupa habang nakatitig sa akin saka siya ngumiti.

"Come in."

Pumasok na siya.

"......may kailangan ka?"

"Uhm, busy ka ba?"

"Hindi naman, bakit?"

"Yayain sana kitang magmiryenda sa canteen. Meron silang halo-halo."

"Ohhh..."tumango-tango ako.

Mahilig siya sa miryenda. Every afternoon ganyan siya, mag-aayang kumain kapag wala siyang ginagawa.

"Sige, tara."

Tumayo ako saka ko siya nilapitan.

".....oh, wait lang Seya."

Pinigilan ko siya bago pa kami makalabas ng pintuan. Hawak ko ang braso niya saka ko siya pinaharap sa akin.

"Bakit?"

"Saan ka ba galing bakit pinagpapawisan ang ilong at noo mo?"

Kinuha ko ang panyo sa pocket ko saka ko tinuyo ang pawis niya.

"Galing akong shooting range sa underground facility kanina. Nandon kasi sina Rio, medyo mainit doon dahil sira ata ang ventilation, may mga nag-aayos doon kanina kaya umalis din kami agad."

"Talaga?"

Nagsalubong ang dalawang kilay niya.

"Hindi ka ba naniniwala? Sa tingin mo saan naman ako pupunta? I swear, hindi ako lumabas ng headquarters."

"Wala naman akong sinabi na nagsisinungaling ka. Sige na, naniniwala na ako sa sinabi mo."

Kinuha ko ang mga kamay niya at dinala ang mga ito sa bewang ko saka ko hinalikan ang noo niya. Pero parang humihiling pa ito ng higit pa sa halik sa noo kaya dinampian ko rin ng halik ang mga labi niya.

Hindi pa ata siya kontento kaya isinandal ko siya sa pinto at siniil ng halik. Kinuha ko ang mga kamay niya at saka idiniin ito sa pinto at patuloy na hinalikan siya.

Naging mapusok ang bawat halik namin at napapaungol siya.

Tumigil lang ako dahil kailangan naming lumanghap ng hangin.

"Reign..."

Mukhang gusto pa niya dahil inilapit ulit niya ang mga labi niya sa mga labi ko.

Oh no! May naalala ako!

"Wait! Wait lang Seya, nawala sa isip ko may CCTV nga pala rito sa loob ng opisina. Saglit hintayin mo ako diyan."

Pinuntahan ko ang desk ni Heart at in-access ang CCTV sa computer niya. Binura ko ang mga eksena namin ni Seya baka mag-leak pa. Huwag lang sanang mapansin ni Heart na may binura ako dahil kaya niya itong i-retrieve.

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon