Chapter 29

2.4K 152 13
                                    

Laurice Lazares a.k.a. Agent Seya

"Lazares! Laya ka na!" Nagulat ako sa sinabi ng babaeng pulis. Napatayo tuloy ako mula sa pagkakadapa, minamasahe kasi ako ng kasamahan kong preso.

Napakapit ako dito sa rehas.

"Bakit, Mam? Ayoko pang lumabas."

Nagtawanan ang mga kasamahan kong preso. Napabuntong hininga ako. Hindi naman kasi nila alam ang pinagdadaanan ko kaya nga hanggat maaari gusto kong manatili rito sa loob.

"Sira na ba yang ulo mo, ha? Ikaw lang ang taong ayaw lumabas ng kulungan. Sige na, labas na! Kunin mo du'n yong bag mo. At huwag ka nang babalik dito, ha!"

Nanlumo ako. Sayang naman, nag-eenjoy pa ako rito sa loob dahil ako ang boss dito. Hindi ako nauutusan. Binuksan na nila ang selda kaya lumabas ako, saka ko kinuha ang sling bag ko. Mukhang hindi makapaghintay si Reign na sermonan ako. Alam ko naman na siya ang gumawa ng paraan para makalabas ako rito sa kulungan, hindi ko lang sigurado kung anong diskarte ang ginawa niya. Dapat hindi na niya ako tinulungan dahil hindi na ako masaya sa ginagawa niya.

Paglabas ko ng presinto ay napaisip naman ako kung saan ako pupunta ngayon. Isa lang ang naiisip ko na lugar na pwede kong puntahan at malapit lang 'yon dito. Pinampag ko ang damit ko. Pagkakataon ko na ito para maligo ng maayos dahil feeling ko amoy kalabaw na ako.

"Baby! Laya ka na!"

"Ha?-----Rio?!"

Agad niya akong niyakap. Nasa likod ko lang pala siya.

"Hay naku, bakit pakiramdam ko ayaw mong lumabas ng kulungan, ha? Tignan mo nakasimangot ka." Ginulo niya ang buhok ko saka niya inipit ang mga pisngi ko gamit ang mga palad niya. Napanguso tuloy ako.
"...maganda ka pa rin kahit bagong-laya ka. Kaya ngumiti ka na, okay?"

Niyakap niya ulit ako ng isang beses.  Ano ba naman 'tong si Rio! Amoy kalabaw ako, yakap siya ng yakap!

Itinulak ko siya.

"Rio, alam mo bang masarap sa loob ng kulungan, libre ang tirahan, libre pati pagkain kahit hindi masarap, at wala akong babayarang bills. Ano kaya kung mang holdap ako para bumalik ako sa loob."

Natatawa siyang umakbay sa akin.

"Tigilan mo na nga yang drama mo. Yong totoo, masama ba ang loob mo sa babes mo?"

Si Reign, kapag naaalala ko siya wala akong ibang maramdaman kundi lungkot at sama ng loob. Paano ko ba iiwasan ang taong 'yon kung marami siyang paraan para mahanap ako? Hindi na dapat magkrus ang landas naming dalawa.

"Rio, ikaw lang ba ang nandito?"pag-iiba ko sa usapan. Hanggat maaari ayokong maging topic si Reign.

"Oo ako lang, inutusan ako ng babes mo na sunduin ka. Di mo kasi siya pinapansin kaya mukhang malungkot siya." natatawang saad niya. Mukhang nang-aasar lang siya. At kasasabi ko lang na ayokong maging topic si Reign pero lagi niyang binabanggit, makulit din ang isang 'to.

Tsaka imposibleng malungkot yon dahil sa akin. Malabong mangyari 'yon. Siya yong tipo ng tao na walang puso, walang damdamin!  Kung may dahilan man ang kalungkutan niya iyon ay si Laura, hindi ang isang katulad ko.

Ayoko na sa kanya! Magmo-move on na talaga ako!

"Hindi ko na siya babes at mula ngayon huwag mo nang babanggitin ang call sign na iyan dahil iniwan ko na sa loob ng selda ang feelings ko para sa kanya. Ayoko na rin siyang pag-usapan pa."

Natatawa siya halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko. Pinisil pa niya ang pisngi ko.

"...pwede ba Rio! Tigilan mo ako."

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon