Chapter 50

2.4K 124 21
                                    

SA1: SCMY | 96

Laurice Lazares a.k.a. Agent Seya

Natuloy ang buong Team kasama si Bright sa pagpunta rito sa Macau. Ang gusto lang pala nila ay ang ma-experience ang Casino rito.

Habang abala ang iba sa Casino ay niyaya ako ni Reign na pumunta sa ibang pasyalan. Nagpunta kami rito sa park kung saan buhay na buhay ang night life, naglakad-lakad din kami rito sa sidewalk at pinagmasdan ang mga gusali na makukulay dahil sa liwanag ng mga ilaw.

Yeah, napakaganda rito. Medyo expensive lang ang mga bilihin compare sa Philippines.

"Reign, doon tayo."

Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad.

Dito sa area kung saan mas maliwanag kami umupo. "....ang ganda 'no?"

"Yeah. Honestly maganda ang lugar dahil magkasama tayo."

Napangiti ako.

"Totoo? Hindi ka ba nagbibiro, Reign?"

"No."

Inakbayan niya ako kaya napadikit ako sa kanya. Ang bango niya, suddenly, nanahimik ako. At mukhang napansin ni Reign ang pananahimik ko.

".....why? Hindi ka ba masaya na nandito tayo?"

"Ang totoo ngayon lang ako naging masaya ulit sa buhay ko. Masaya ako sa trabaho at dahil sayo, Reign."

"Me too."

Marahan niyang hinalikan ang pisngi ko.

"I'm just so grateful na magkasama tayo."saad ko.

Dinampian naman niya ng halik ang labi ko, ito na ata ang pinaka-gentle na halik na ibinigay niya sa akin.

Mas pinili naming masolo ang isa't-isa kesa sumama sa casino para magsugal.

Nang matapos kaming mamasyal ni Reign ay nagkita-kita ulit kaming magkakagrupo dito sa isang restaurant na nagsi-serve ng Chinese foods.

Hindi gaanong maingay ngayon dahil wala ang pinakamadaldal na si Cyborge.
Medyo nakakapanibago rin na wala ang presensya ni Cloud sa grupo.

"May nanalo ba sa Casino?"tanong ni Reign. Magkatabi kami habang kumakain."

"Wala, para lang kaming nagdonate ng pera sa casino."si Night.

"Sana pinangbili ko na lang ng pasalubong. Ang laki nang naipatalo ko, hindi kasi ako marunong."si Bright.

"Sana itinulog ko na lang."si Heart.

"Di bale nag-enjoy naman tayo eh."si Royce.

"Kumain na lang tayo, huwag na natin isipin iyon. Pera lang iyon, kikitain ulit natin."si Rio.

Mukhang libo-libo ang ipinatalo ng mga ito. Palibhasa malaki ang mga nakuhang reward sa nakaraang misyon. Kung ako lang mas mainam pang i-donate na lang sa charity yong pera kesa ipatalo sa Casino. Sayang kasi, eh.

"Paki-usap lang, huwag niyo na sanang uulitin ang magsugal. Dahil diyan nalulong si Cloud kaya siya lumapit kay Redendo at nagtraidor sa Elite dahil nalubog siya sa utang. Ngayon wala na siya, kayo rin."si Reign.

"Promise, hindi ko na uulitin."si Night.

"Ako rin."sagot ng iba.

Nang matapos kaming kumain ay nagpunta kami ng mall para mamili ng mga pagkain at inumin.

Pagbalik ng hotel ay dumiretso na kami sa room. Two persons bawat room at kami ni Reign ang magksama, si Bright at Heart, si Rio at Royce, si Night ay nakahiwalay solo niya ang kwarto.

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon