Chapter 27

2.6K 150 17
                                    

Amber Paige a.k.a. Agent Reign.

Isang araw ang lumipas, nakalabas na rin ako ng recovery room. Medyo hirap akong kumilos dahil dito sa support na nakalagay sa kaliwang braso ko. Buti na lang talaga hindi sharp shooter ang naka baril sa akin. Kundi, baka nagkita na kami ni Laura sa kabilang buhay.

Pagpasok ko ng kwarto ay biglang may kumatok sa pintuan. Pagbukas ko ay bumungad si Seya.

"Bakit?"

"Reign, galing akong RC. Nandito ka na pala. Gusto mo bang samahan muna kita dito sa kwarto mo? Para madali kitang matulungan kapag may kailangan ka?"

"Hindi na Seya. Baka mamiss mo si Rio kapag dito ka natulog."

"Anong sinasabi mo diyan na mamimiss ko si Rio? Hindi ko mamimiss yon 'no! Eto ang namiss ko, itong kama mo."

Humiga siya roon. Mukhang namiss nga niya ang kama ko pati na ang mga unan ko dahil inaamoy amoy niya ang mga iyon.

"Seya, tulungan mo na lang akong alisin itong support sa kamay ko dahil maliligo ako."

"Gusto mo paliguan kita?"

"Hindi. Gusto ko manahimik ka-----ahhh! Aray!" Halos manigas ako sa sakit nu'ng pinisil niya ang sugat ko sa balikat.

"Sige, itrato mo ako na parang basura at makikita mo ang hinahanap mo." Nag-babanta ba siya? Walangya talaga 'tong babaeng 'to. Halos manghina ako sa ginawa niya.

Pagpasok ko ng banyo hindi ko mahubad ang damit ko. Sumasakit ang sugat ko.

"Seya!"sigaw ko.

"Bakit?"

"Tulungan mo ako na hubarin ang damit ko."

"Tingnan mo, kailangan mo talaga ang tulong ko. A-ayaw-ayaw ka pa kanina."

"Oo na."sagot ko. Kanina binihisan ako ng medical staff bago ako umalis ng RC. Hirap na hirap din akong magsuot kanina ng damit. Pati pala paghuhubad hindi ko pa kaya. Parang hinihila ang mga ugat ko sa balikat ko kaya sobrang sakit.

Nakatalikod ako kay Seya. Dahan-dahan niyang hinubad ang damit ko.

"Reign..."

"Hmm?"

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko.

"Anong nangyari? Bakit may mga peklat ka sa likod? Mga tama ng baril. Isa, dalawa, tatlo..."

Ikatlo ang sariwang sugat sa balikat ko.

"Yang dalawa, matagal na iyan. Himalang nabuhay pa ako nang matamo ko yan."

Ramdam ko ang pagyakap niya sa likod ko.

"Mag iingat ka kasi. Masyado ka kasing seryoso kaya nababaril ka."

Napangiti ako. Anong kinalaman ng pagiging seryoso ko sa pagkakabaril ko?Hinawakan ko ang kamay niya na nakayakap sa tiyan ko. Hinayaan ko muna siya na gawin ang gusto niya. Masarap din naman sa pakiramdam na mayakap ulit.

"Maliligo lang ako Seya. Linisin mo mamaya itong sugat ko."

"Sige."

Tinanggal ko na ang natitirang saplot sa katawan ko. Saka ako naligo at pagkatapos ay nagtoothbrush na rin ako. Habang nasa harap ako ng salamin ay pinagmamasdan ko ang sarili ko. Masyado na ba talaga akong seryoso? Kaya ba ako nababaril dahil du'n?

Napapailing na lang ako at saka nagmumog.
Pagkatapos ay kinuha ko ang robe at isinuot ito. Paglabas ng banyo ay naghanap ako ng underwear at pants, pagkasuot ko nito ay naghanap ako ng maluwag na plus size na sando.

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon