Chapter 39 🩷

2.9K 158 39
                                    

Amber Paige a.k.a. Agent Reign

Hindi ko na namalayan ang oras, 10:27 PM na nandito pa ako nakaupo sa buhanginan. Tumayo ako at bumalik sa site.

Apat na ang nakatayong tent dito sa labas. Tatlo para sa mga lalake, at sigurado akong ito ang tent ni Seya dahil kulay pink. Nasa kabilang dulo ang tatlong tent ng mga lalake. Nagiisa naman ang tent ni Seya dito sa kabilang dulo.

Kasama kaya niya si Rio sa loob ng tent?

Dahan-dahan akong naglakad papunta rito sa kwarto na bodega, at marahang pinihit ang door knob. Sinilip ko ang loob. Magkakatabing natutulog sina Royce, Rio at Heart. Kung ganon mag-isa ni Seya sa tent?

Binalikan ko ito.

"Seya..."bulong ko. "Seya..."ulit ko pero hindi siya sumasagot.

Tulog na kaya siya? Dahan dahan lang ang kilos ko saka ko binuksan ang zipper ng tent at tumambad sa akin ang naka-panty at bra na si Seya.

Napalunok ako. Bakit ba, wala siyang damit? Kung ibang tao ang pumasok dito siguradong pagnanasaan siya. Kagaya ng pagnanasa ko sa kanya ngayon.

"Seya..." Nagtanggal ako ng sapatos at pumasok ako rito sa loob. Sh*t! Agad kong sinalo ang paa niya na muntik nang dumapo sa mukha ko. Halos ilang sintemetro na lang ang layo ng talampakan niya sa ilong ko. Hinawakan kong mabuti ang paa niya.

Whiw! Halos mapahiga ako dahil sa lakas ng sipa niya.

"Reign?!"

"Shhh...."

"Papatayin mo ba ako sa gulat, ha?"

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot."bulong ko.

"Para kang tanga. Pasalamat ka hindi dumapo sa mukha mo itong paa ko kundi duguan yang ilong mo."

"Alisto ako, eh."saad ko saka ko binitawan ang paa niya. Umupo ako rito sa tabi niya.

"Bakit dito ka natulog at bakit nakapanty at bra ka na naman, ha?"

Nagbubulungan kami.

"Hindi kasi ako makatulog sa bodega, mas okay rito kasi makakapaghubad ako."

Tumagilid siya at pumikit ulit.

"Bakit hindi mo kasama si Rio?" Napangiti siya sabay titig sa akin.

"Strict kasi ang parents ko."natatawang saad niya.

"Niloloko mo ba ako, Seya. Alam kong mag-isa ka na lang sa buhay."

"Okay! Ayokong may katabi, bakit ka ba nandito? Nag-iinit ka 'no? Kailangan mo na naman ng p*rausan. Napaka-l*bog mo talaga."

"Ano?! Anong pinagsasabi mo!"

"Totoo naman eh."giit niya. Napapailing ako. Gulong-gulo na kasi ang isip ko. Ngayong nalaman kong magkasintahan sila ni Rio hindi ako mapakali.

"Bakit, gusto mo rin naman, di ba? Pumapayag ka nga na may mamagitan sa ating dalawa."

"Ang kapal mo, umalis ka na nga rito, puro sama lang ng loob ang ibinibigay mo sa akin. Alis! Dahil hindi kita pagbibigyan at wala ako sa mood na makipaglokohan sayo."

"Ayokong umalis."saad ko. Halatang ayaw niya akong kausap ngayon. Naghubad ako ng jacket para gawing unan. Saka ako humiga dito sa tabi niya. "...hindi ka ba nilalamig, Seya? Ganyan lang ang suot mo."

"Nilalamig. Pero ayos lang, kesa naman sa bodega na parang maalikabok at mainit. Isa pa, kapag katabi ko si Royce hindi ako makatulog dahil ang kulit-kulit niya, lagi niya akong inaasar."

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon