Chapter 1

7.8K 163 6
                                    

Amber Paige a.k.a Agent Reign

"Abby!" Isang malakas na boses ang umalingawngaw dito sa loob ng restaurant na kinaruroonan ko.

Napatingala ako at nakita ko si Erish. Ang maganda kong kaibigan at itinuturing kong kapatid. Napangiti ako sa kanya at paglapit niya sa akin ay agad itong bumeso sa pisngi ko.

"Kumusta na?!"tanong nito sabay hampsa dito sa braso ko."Ang tagal mong hindi umuwi bruha ka."

Umupo siya sa tapat ko.

"Pasensya ka na SPO2 Erish Velasco dire-diretso kasi ang flight namin kaya ngayon lang ulit ako nakabalik dito."alibi ko.

"Tse! Tigilan mo nga yang ka-i-SPO mo sa akin."

Napangiti lang ako. Pero totoo na Pulis si Erish.

Ang alam nga lang niya ay isa akong Flight Attendant.

Kahit kaibigan ko siya hindi ko maaaring sabihin sa kanya na isa akong Secret Agent. Kilala lang din niya ako sa pangalang 'Abby'.

Ilang taon na rin ang nakakalipas nong magkrus ang landas naming dalawa. Ang Ahensya namin ay hindi konektado sa PNP kaya lahat ng tungkol sa pagkatao ko ay pribado at walang ibang nakakaalam kundi ang mga kasamahan ko lang din sa trabaho.

"Kumusta? Off mo ba?"tanong ko sa kanya.

"Oo. Pero on call pa rin ako. Alam mo na kailangang kailangan talaga kasi nila ang serbisyo ko."natatawang saad ni Erish.

"Anong gusto mo para makapag-order na ako."

"Sandwich na lang at kape."

"Okay."sagot ko at tinawag ko na ang waiter.

Nag order din ako ng pasta at iced-tea para sa akin.

Sunod sunod ang naging operasyon namin nitong mga nakarang linggo dahil sa pagsubaybay sa isang druglord na kumidnap ng anak ng isang mayamang negosyante na Chinese.

Pasalamat na lang ako dahil naging successful ang pagliligtas sa batang nakidnap.

"Baka naman mamaya boyfriend mo na yong Piloto kaya di ka na nakakaalalang umuwi dito sa Pinas?"tanong niya sabay kagat sa sandwich na hawak niya.

"Bruha! Busy lang talaga ako. Wag kang mag alala sasabihin ko naman sayo kung may boyfriend na ako."

Kumakain na rin ako.

"Sinabi mo yan, ha?"

"Oo naman, Erish."

Nakangiting sagot ko sa kanya.

Boyfriend...

Wala sa bukabularyo ko ang salitang iyon.

Ang dami naming kwentuhan habang kumakain. Iyon nga lang lahat ng sinasabi ko ay puro gawa-gawa lamang buti na lang mukhang naniniwala naman siya na nagtu-tour lang ako around the world.

"Ang hirap kasi sayo Abby wala ka man lang facebook account. Hindi tuloy kita ma-tag sa nga pictures nating dalawa kapag nagkikita tayo.

"Hayaan mo kapag sinipag ako gagawa ako ng facebook account ko."

"Hay naku three years mo na yang sinasabi sa akin hanggang ngayon hindi mo pa rin naman ginagawa. Hindi ka ba proud na ipakita sa iba na nakakapagtravel ka ng libre sa buong mundo?"

Natawa lang ako sa pagrereklamo niya.

"Erish naniniwala kasi ako na hindi lahat ng tagumpay ay kailangan ipaalam sa ibang tao."

"Uhuh! Ang lalim mo, ha. So sarilihin mo na lang talaga lahat ng nangyayari sa buhay mo?"

"Yes! That's right."nakangiting sagot ko.

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon