Chapter 2

5.6K 225 9
                                    

Amber Paige a.k.a Agent Reign

Inayos ko ang pagkakalagay ng pistol gun sa tagiliran ko para hindi mapansin na may dala akong armas, saka ako lumabas ng banyo.

"Sniper Team stand by."

Gamit ang wireless headset na may built in mic nagagawa kong kausapin ang team ko. Hindi ito mapapansin dahil natatakpan ito ng buhok ko, hinayaan ko lang na nakalugay ito.

Dalawang sniper ang inatasan ko na magmatyag si Agent Night at si Agent Cloud.

Si Cloud ang nasa rooftop sa kabilang building at si Night naman sa bakanteng kwarto ng katabing hotel nitong building na pagdadausan ng salu-salo. Kakailanganin ko sila kapag nagkaroon ng aberya.

Ang mission namin ay mahuli kung sino man ang nagtatangka sa buhay ng mga Chua pangalawa siguruhin ang kaligtasan nila lalo na si Lina na nandirito ngayon.

Dalawang tauhan ko rin ang nagmamatyag sa bahay nila Mr. Al Chua, habang si Seya ay kasama ko.

No choice ako kundi ang isama ang Rookie, Magpapanggap kami bilang mga waitress.

Nakasuot kami pareho ni Seya ng uniform na pang waitress at nagsimula kaming magserve ng mga inumin sa mga guest at habang ginagawa ito ay isa-isa kong tinatandaan ang mga mukha ng mga taong naririto.

Kahit anong mangyari ay kailangan ligtas lagi si Lina.

Normal lang ang kilos ko at ganon din si Seya. Sana lang hindi gumawa ng kapalpakan itong kasama ko.

Lumapit ako kay Seya.

"Be ready. Huwag kang papalpak."

Ngumiti lang ito at tuloy tuloy na naglakad para magserve ng mga drinks.

Habang hawak ko ang tray ay may narinig akong nagsigawan sa hallway. Nakaramdam na ako ng masamang kutob. Kaya mabilis kong itinuon ang mata ko kay Lina at nanlaki ang mga mata ko dahil sa pulang ilaw na nakatapat sa ulo niya.

Mabilis akong tumakbo at tumalon para maiiwas siya, at nagawa ko.

Napahiga kaming pareho sa sahig kasabay non ang pagsabog ng malaking base na nasa likod namin dahil sa pagtama ng bala roon.

Halatang takot na takot si Lina dahil nanginginig ito.

"Cover!"sigaw ko kay Seya. At mabilis itong gumapang para hilain si Lina.

Mula sa pagkakatutok ng pulang ilaw sa ulo ni Lina kanina ay na-locate ko agad ang kinaroroonan nong sniper na kalaban.

"Night, nasa kabilang building ang sniper ng kalaban."

"Oo. Nakita ko Reign, pero nakatago siya."sagot ni Night.

Nakatago ako dito sa malaking vase na may tanim na malaking halaman.

Alam kong naghihintay lang ng pagkakataon ang sniper na lumabas si Lina. Kailangan kong makuha ang atensyon niya. Pero kapag gumawa ako ng kahit konting kilos siguradong sapul ako.

Buti na lang nahila agad ni Seya si Lina kanina at nakatago sila sa malaking poste na nasa gitna nitong venue.

"Reign, may mga papuntang kalaban sa kinaroroonan niyo. Pero susubukan ko silang ubusin."si Cloud na nasa roof top sa kabilang building kung saan naroroon din ang isang sniper ng kalaban.

"Cloud, talasan mo ang mata mo at kapag tumakbo sina Seya kailangan malinis ang dadaanan nila."

"Roger."

Magkaka sunod na putok ang pinakawalan ni Cloud at tantya ko tatlo agad ang natumba sa mga kalaban.

"Night, ihanda mo ang sarili mo kapag nasilip mo ang sniper sa kabilang building siguraduhin mong maaasinta mo. Huwag kang magmimintis dahil buhay ko ang itataya ko."

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon