Chapter 25

2.5K 141 25
                                    

Laurice Lazares a.k.a. Agent Seya

Kung hindi ko pa narinig ang mga boses nila na naguusap-usap ay hindi ata ako magigising. Nandito silang lahat pati si Night at Cloud, nginitian nila ako kaya ngumiti rin ako sa kanila. Si Reign ay seryoso ang mukha pagkakita sa akin. Sumasakit na ang likod ko dahil sa paghiga dito sa sofa. At dahil nga pasaway ako sabi ni Reign, hindi niya ako isinali sa pagpupulong nila. Mukhang katapusan na ito ng career ko bilang Agent. Siguro mag-a-apply na ako bilang pole dancer sa mga night club, pagkatapos nito.

"Reign, okay ba itong uniform na ipinatahi ko."

"Oo, okay naman Heart. Alam natin na kahit anong oras ay naghahanap nang mabibiktima ang mga suspect. Pero kapag nakaramdam ka ng panganib mas mabuting umalis ka agad, okay? Mag iingat ka."

"Okay Reign."

Buti pa si Heart. Sinasabihan niya na mag iingat. Kapag ako, sermon lagi ang inaabot ko. Sabagay, saling-pusa lang naman ako rito. Sanay na nga akong napapagalitan. Immune na ako sa galit ni Reign.

"Cy, ikaw muna ang sumunod kay Heart."

"Okay Reign." Lumabas na si Heart at nakasunod sa kanya si Cyborge.

"Rio magmanman ka sa kabilang gusali. Seya, manatili ka rito. Kapag umalis ka sa unit na 'to ihanda mo na rin ang transfer request letter mo."

"Opo, kamahalan."sagot ko. Natatawa si Rio sa akin, sumingot ako pero nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako sa kanya. Pinagmamasdan pala ako ni Reign, baka mamaya isipin niyang nagpapa-cute ako kay Rio. Bahala nga siya! Kung gusto niyang magalit eh di magalit siya.

Umalis na yong tatlo habang siya ay naririto pa rin.

"Reign mag iingat ka, ha?"

Tumingin siya sa akin saka tumango.

"..sure ka ba na hindi mo ako isasama?"

"Yep, dito ka lang. Baka ano pa ang mangyari sayo sa labas."

Ano raw? Nag-aalala ba siya sa akin? Hindi ko tuloy mapigil ang ngiti ko.

"Okay. Ahm Reign----may ibibigay sana ako sayo."

"Ano 'yon?" Lumapit ako sa kanya at tumayo ako dito sa harapan niya. Medyo nag-aalangan ako sa ibibigay ko sa kanya pero hindi naman siguro ito masama. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya saka ko dinampian ng halik ang labi niya. Isang madiin na halik. Kahit saglit lang iyon ay nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa katawan ko. Umatras ako ng isang hakbang baka pagalitan niya ako dahil sa ginawa ko.

"Seya.."

"Goodluck kiss 'yon. Para hindi ka tamaan ng ligaw na bala."sabi ko. Nakatitig siya sa akin. Hinihintay ko na bulyawan niya ako pero hindi siya nagbitaw ng salita kundi humakbang siya palapit sa akin. Hawak pala niya ang hand gun niya. Papatayin na ba niya ako? Hindi ko alam anong gagawin niya kaya umatras ulit ako. Habang humahakbang siya palapit sa akin ay umaatras naman ako dahil nakikita ko sa mga mata niya na masyado siyang seryoso. "...Reign kiss lang naman yon, eh. Yong sex nga wala lang sayo, di ba?"

Hindi na ako maka-atras dahil pader na ang nasa likod ko at masyado na kaming magkadikit.

"Ano ba talaga ang gusto mo Seya? Gusto mong mang-asar, hmm?"

"Hindi ah, galit ka ba?"

"Ano ba sa tingin mo? Lagi kang gumagawa ng dahilan para mainis ako."

"Okay, sorry. Hindi naman pang-iinis yon. Pinababaunan lang kita ng goodluck kiss."

Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.

"Alam mo ba na pinipigilan kong may mamagitan ulit sa ating dalawa, dahil ayokong gamitin mo iyon laban sa akin."

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon