Chapter 37

2.4K 143 9
                                    

Laurice Lazares a.k.a. Agent Seya

5:42 AM
Zambales, Philippines

Sumakit ang buong katawan ko dahil matigas na plywood lang ang hinigaan ko kagabi. Sa susunod ayoko nang matulog dito sa bodega mas mainam siguro kung matulog din ako sa tent gaya ng ginawa nila Cyborge, Cloud at Night, para makatulog ako ng komportable at pwede akong magtanggal ng damit sa pagtulog.

Nag inat ako ng mga kamay at lumabas, madaling araw palang ay abala na ang tatlong lalake na Agents sa pagwe-welding. Si Reign ay nakatayo habang pinagmamasdan sila. Boss na boss ang dating, well bagay naman niya.

Sina Rio, Royce at Heart ay mga natutulog pa sa bodega. Ako ang nakatoka na magluto, pero maaga pa naman kaya mamaya na ako kikilos. Umupo muna ako dito sa isang sulok habang pinagmamasdan sila sa ginagawa nila, saka ko niyakap ang sarili ko dahil malamig ang simoy ng hangin. Medyo inaantok pa ang pakiramdam ko pero pinipigilan ko ito.

"Seya, okay ba ang tulog mo?" Hindi natuloy ang paghikab ko nang magsalita si Reign.

"Okay lang, kaso masakit ang buong katawan ko----uhm saan ka natulog kagabi? Wala ka kasi sa tabi namin."

"Nandito lang ako sa labas, umidlip ako saglit sa may upuan. Hindi kasi ako mapakali dahil marami akong iniisip."

Isa ba ako sa iniisip niya? Aasa pa ba ako. Malamang hindi ako kasali sa iniisip niya.

Umupo siya rito sa tabi ko. Hay salamat, medyo uminit ang pakiramdam ko nang madikit siya sa akin. Gusto ko tuloy siyang yakapin. Tutal hindi naman nakatingin yong mga kasama naming Agents kaya yumakap ako sa kanya, kaso pagtingin ko sa mukha niya magkasalubong agad ang mga kilay niya.

"Ang lamig, eh."saad ko. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"Bakit hindi ka magsuot ng jacket?"

"Tinatamad akong kunin sa bag ko."sagot ko saka ko isiniksik ang mukha ko sa leeg niya. Kaso ilang sandali lang ay inalis niya ang mga kamay ko na nakayakap sa bewang niya saka siya naghubad ng jacket.

"Isuot mo muna 'to."

"Hindi, huwag na Reign---"

Kahit tumutol ako isinuot niya sakin ang jacket niya. Hindi naman ito ang gusto ko, ang gusto ko yong yakap niya. Ang damot talaga, mukhang ayaw niyang madidikit ako sa kanya, pero salamat na rin dito sa jacket niya.

"Thank you...baka ikaw naman ang lamigin."

"Ayos lang ako, Seya." Ilang minuto rin akong umupo sa tabi niya. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo na ako saka ako nagpa-init ng tubig para makapag-kape na ang lahat.

Gumagawa sila ng replica ng pintuan ng vault. Si Cyborge ang marunong sa ganyang trabaho ang mag unlock ng mga combinations. Pero mukhang hindi basta-basta ang misyon namin dahil kailangan pa namin paghandaan iyon ng mabuti.

"Ready na ang mainit na tubig! Sinong may gusto ng kape?"tanong ko.

Nagtaas ng kamay sina Cyborge at Night. Tumingin ako kay Reign at tumango rin siya, kaya ipinagtimpla ko sila.

"Cloud ikaw gusto mo ba ng kape?"tanong ko.

"Mamaya na ako, Seya."

"Okay!"

Pagkatapos ko silang ipagtimpla ng kape ay nagluto na ako ng pang-agahan. Binuksan ko ang ice cooler at hanggang ngayon buo pa rin ang makapal nitong yelo. Kumuha ako ng longganisa na iluluto. Naghanda rin ako ng mga prutas at naglaga ako ng itlog at kamote na paborito ni Reign.

.....

PAGKATAPOS kong magluto ng agahan dumiretso muna ako dito sa tabing dagat, mukhang mamaya pa kami kakain dahil maaga pa. Wala rin naman akong gagawin doon dahil taga luto lang ang role ko.

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon