Lacuna uno

568 33 25
                                    

Zora Xanthe

Nalula ako sa taas ng building na nasa harap ko. Ilang floors kaya 'to sa loob? Sa dami ng mga writers na na-published nito, hindi na ko magtataka bakit lumaki ito ng ganito. Muntik na ko mabuwal sa pagkakatayo nang may bumangga sa balikat ko mula sa likod.

"Paharang harang naman." Saad nito at pinagpag pa ang balikat niya habang tinitignan ako ng masama.

Matangkad, mestizo at naka reading glasses ito. Naka suot ng white polo na tsinernuhan ng black slacks. Naka sling bag na halatang libro ang laman base sa naka umbok dito.

"Tinitingin tingin mo?" Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.

"Sorry." Hindi ako sigurado kung narinig niya dahil nagmamadali itong naglakad papasok sa loob. "Naimbitahan din ang isang 'yon. What's the rush? For sure, sabay sabay kaming pupunta doon."

"Writer ka din?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa likod ko. Naka checkered ito na blue at white, may bow tie din itong suot. Naka brown itong slacks. "Ah mali ba ko? Pasens-"

"Yes." Simple kong sagot.

Tumango tango ito, "sabay na tayo magpuntang meeting room?" Tinitigan ko lang ito, "sabi ko nga mauuna na ako. Kita kits na lang." Inayos nito ang kanyang salamin bago nagpatuloy sa paglalakad.

Napakibit balikat na lang ako. Napagdesisyunan ko nang maglakad papunta sa loob, doon kasi ang meeting place na nakalagay sa email na muling pinadala pagkatapos ko kumpirmahin ang pagpunta ko.

Pagpasok ko ay unang bubungad sa'kin ang reception sa gitna. Dahil sobrang aga pa, wala pang mga tao dito. Muli kong tinignan ang email sa phone ko para siguraduhin kung anong floor at room bago sumakay ng elevator.

"What now?"

"Late ang iba."

"Chill, guys. May 5 mins pa naman sila. Basically, hindi pa sila late."

Rinig kong kwentuhan nila mula dito sa labas. Bumuntong hininga muna ako bago napagdesisyunan na pumasok. Tumahimik ang lahat nang makita nila ako. Hindi ko sila binigyan pansin at humanap na lang ng mauupuan.

Napansin ko ang isang babae na tahimik lang na nakaupo sa sulok. Dito na lang ako tatabi, "may nakaupo?" Tanong ko nang makalapit ako.

"Wala." Nahihiya nitong saad habang nakayuko.

"Salamat." Inusog ko ng kaunti palayo sa kaniya ang upuan dahil baka hindi ito kumportable kapag masyado akong malapit.

Pinagmasdan ko ang mga nandito. Napansin ko na nakatayo sa harap ang nakabanggaan ko kanina. Kasama nito ang isang babae na naka red, at ang isa naman na lalaki nakaupo sa tapat nila ay naka shirt lang na puti at naka khaki shorts.

Sunod naman na pumasok ay isang matangkad na lalaki, napatingin ang lahat dito. Hindi na ko magtataka dahil malaki ang katawan nito. Moreno ito at naka slick back ang buhok. Maayos na tumindig ito sa tapat ng pinto.

"I'm Matteo, I have already published 2 books. If you're aware of the "killer queen", that's me." Turo nito sa sarili niya. Nagulat ako nang magsalita ito.

"Oh." Saad ng babaeng kakapasok lang, "Am I late for introduction?" Naka suot ito ng yellow dress na may slit sa kaliwa.

"Hi. Don't worry, walang introduction. Nagpakilala lang siya." Malawak ang ngiti na saad nung naka khaki na short.

Tacenda (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon