Lacuna Kwatro

284 29 15
                                    

Zora Xanthe

Lahat sila ay tahimik, ang iba hindi makapaniwala sa nangyari habang ang iba naman ay pinag-iisipan kung sino ang salarin. Sila Maya, Lucas, Mikaela, at Matteo ay nanatili sa tabi ng bangkay. Chine-check nila na baka may mapakinabangan na pwede maging clue kung sino pumatay.

"Lalim ng iniisip mo ah?" Tumabi sa'kin si Serafina, "tingin mo? Sino sa kanila ang pwedeng salarin?"

"Bakit ayan agad iniisip mo?"

"Ano ba dapat?" Kunot noo nitong tanong.

"Wala pang magpapatunay kung sino ang pumatay. Kung isa ba sa kanila." Pagpapaliwanag ko, "wag mo rin i-out ang sarili mo sa pagpipilian."

Nagkibit balikat ito, "we're roommates, kaya alam kong hindi tayo."

"Pero sa isip nila isa tayo sa mga suspect. Lahat ng nandito ay possible suspect. Maging ikaw man o ako." Saad ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya.

Madali lang siyang basahin, isa 'yon sa dahilan kung bakit mas gusto ko siya kasama. Hindi ko na kailangan manghula pa or mag-ingat pag kasama siya.

"May point ka. How can I forget that? Silly me." Pinukpok ng mahina ni Serafina ang ulo niya. "Mangata may also one of the suspects, right?" Tumango ako dito bilang sagot at tinignan ang mga kasama namin.

"Hey you two." Tawag sa'min ni Matteo, "lumapit kayo dito."

Agad naman kaming lumapit. Ano kaya ang gusto nila sabihin? May hint na kaya sila?

"Sino ang nakakita kay Josh kagabi?" Tanong ni Maya.

Nagkatinginan kaming lahat, pinagmamasdan ang reaksyon ng bawat isa. Panigurado may kaniya kaniya na silang pinagdududahan sa isip nila.

"Ako." Nagtaas ng kamay si Zenny. "Nakita ko siyang nasa tapat ng screen at binabasa ang nakalagay."

"Hindi mo siya nilapitan?" Umiling ito, "is he acting weird?"

"Wala, ganon pa rin naman siya. Nerd." Simpleng sagot nito bago ubusin ang hawak niyang tinapay.

"Where did you go after mo siya makita?" Singit na tanong ni Lucas.

"Sa room," tinuro nito si Cleo. "Kasama ko siya magdamag."

Nahihiyang tumango si Cleo. "Totoo po ang sinasabi niya."

"Ikaw? Nasaan ka kagabi?" Tanong ni Matteo kay Mikaela, "ikaw ang room mate niya."

"I saw him lay in his bed." Simpleng sagot nito kay Lucas.

"Hindi mo siya narinig na tumayo or lumabas?"

Napaisip si Mikaela bago nagsalita, "possible. Pero how would I know kung tulog ako?"

"Pwede naman kung ik-" Agad pinutol ni Mikaela ang sasabihin ni Maya.

"Magdahan dahan ka sa pagbibintang mo." Seryosong saad ni Mikaela. "Pwede rin naman isa sa inyo?"

"Guys! Chill!" Pag aawat ni Andrew, "ngayon pa ba tayo magtuturuan? Malay niyo si Mangata pala." Naka pamulsa itong nakasandal sa isa sa mga lamesa dito.

"Pwede ba, Andrew? Napaka non sense ng sinasabi mo." Inis na sagot ni Maya.

Napatingin ako sa katabi ko dahil napasinghap ito. Mukhang nagulat ito sa sinabi ni Andrew. Based sa itsura nito ay nag-iisip siya.

Tacenda (GxG)Where stories live. Discover now