Lacuna dos

379 30 11
                                    

Serafina Teo Fabian

I woke up when I heard a faint noise from the outside of the room I slept in last night. Ano kaya pinag-uusapan nila? Maybe binawi ang announcement kagabi? Muli akong nalungkot nang maalala ko ang announcement na nabasa ko sa screen. Has Mangata Súton really died?

Kailangan ko na bumangon at makibalita kung may na-discover na ba sila. I need to help too, dahil kung pagsubok 'to ni Mangata. Then I really need to do my best para mapakita kong worth it ako na maimbitahan dito.

"Gising ka na pala." Napatingin ako sa nagsalita, "you can now use the bathroom." After niya sabihin 'yon ay nagpunta ito sa gilid ng kama niya at nagpatuyo ng buhok.

What's her name again? Ah right, she's Mikaela. Nagkataon na ang pinasukan kong room ay siya ang nasa loob, buti na lang at wala pa itong kasama. Ayoko naman na lalaki ang makaka room mate ko.

Bumangon na ako at dumiretso sa CR to do my morning routine. Sana talaga hindi literal ang nasa screen kagabi. May ire-release pa siyang book, matagal kong inabangan 'yon. Paglabas ko ng CR ay wala na si Mikaela kaya napagdesisyunan ko nang lumabas.

"Zora, what's happening?" Tanong ko nang makita ko si Zora sa baba ng hagdan. Nandito silang lahat sa may sala.

"Meeting, tungkol sa paghahati ng gawain dito."

"Why? Nasaan na mga helpers dito?" Nilibot ko ang paningin ko, aalis na sana ako para hanapin sila nang magsalita siya ulit.

"Wala na. Kanina pa namin hinahanap pero." Umiling ito.

Paanong wala? "Wala pa rin ba nakalagay sa screen? Any news?"

"May iba pa bang chef dito bukod sa'kin?" Tanong ni Lucas. Nagkatinginan kaming lahat, naghihintay kung meron pa ba. "Wala na? It's decided then, ako na ang hahawak sa kusina. Para ma-control ang pagkain natin."

"By schedule din ang paghuhugas ng pinggan." Dagdag ni Maya, "take turns tayo para fair. Pati na rin sa paglilinis, toka toka tayo."

Sumang-ayon kaming lahat sa naging desisyon nila, para na rin naman sa kaayusan ito. Itatanong ko na lang din siguro kay Zora ang ibang pinag-usapan kung bakit napunta sa ganito.

"Let's talk again later at breakfast. I'll cook first alam ko naman na pare parehas na tayong gutom dito." Umalis ito at dumiretso sa kusina.

"I'll help!" Sumunod dito si Andrew.

"Me too!" Pati na rin si Zenny.

"Okay, habang naghihintay. Ang iba maglinis na. Ako na bahala sa garden sa labas, anyone wants to come with me?" Tanong ni Matteo.

Nagtaas ng kamay si Josh, "A-ako na lang."

"Okay, let's go." Sabay silang umalis palabas sa garden ng mansion.

"Ikaw, Zora?" Tanong ko sa katabi ko na kanina pa tahimik.

"Ako?" Tumango ako at nginitian siya, "paanong ako?"

"Anong gawaing bahay ang gagawin mo?" She's cute.

"Maybe I'll just wash the dishes later, you?"

I shrugged, "ayon na lang din siguro. Let's take a walk?" Tumango ito kaya nagsimula na akong maglakad, "sure bang wala na ang mga helpers dito?"

"Yes, naglibot na sila kanina."

"Maybe they just went to town? Or market? To buy some stuff."

"Puno ang stocks sa kitchen."

Tacenda (GxG)Where stories live. Discover now