Lacuna Sais

242 25 7
                                    

Serafina Teo Fabian

Dalawang araw na tahimik ang mansion. Walang kahit anong instructions ang lumalabas sa screen. Kaya napagdesisyunan namin na magsama sama palagi, kung nasaan ang isa dapat nandoon lahat. Para masigurado na walang masamang mangyayari.

"Mas nakakakaba ang ganito." Mahinang saad ni Cleo. Nandito kami ngayon sa may sala.

"Why?" Hinawakan ko ang kamay nito, "kasama mo naman kami."

"It's like the calm before the storm." Nakayukong saad nito.

Sakto naman na dumating si Zora na may dalang tubig, "Is everything okay?"

"Yes, pinapakalma ko lang si Cleo."

Umupo ito sa tabi ko, "what happened?"

"Para kasing hindi tama na tahimik lang ngayon." Sagot ni Cleo.

Well that's true, kahit ako ay nangangamba sa mga susunod na mangyayari. Nagtataka rin ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pang ganap. It really did stop? Pero bakit hindi pa rin kami makalabas?

"What if hanggang do'n lang nagawa ni Mangata bago siya namatay?" Nagpalipat lipat ang tingin ko kay Zora and Cleo.

"You think so? Bakit hindi pa rin tayo kinukuha dito? Ano ginagawa ng company? Kinalimutan na ba nila tayo?" Sunod sunod na tanong ni Cleo habang kinakagat ang kuko sa thumb ni niya.

"Hey Cleo calm down." Hinagod ko ang likod niya nagbabakasakali na makatulong.

"I can't help it, sorry."

Even though we decided to be in one place all the time, hindi pa rin kami mga nagpapansinan. It's like there's a barrier. Iilan na nga lang kami, hindi pa mga magkakasundo. Paano namin matatalo si Mangata kung ganito kami?

Sinubukan ko sila kausapin but they just ignored me. Zora said na hayaan ko na lang daw muna at baka mga nagpapalamig or nag-iisip din sila kung ano pwedeng gawin. Kaya naman kahit gusto ko magsalita ngayon sa gitna, mas pinili ko sundin na lang ang sinabi ni Zora.

After what happened to Zenny mas lumala ang pagitan ng bawat isa. They view each other as potential killers. They are not to blame, in my opinion. Gusto lang naman nila i-guard ang sarili nila.

"Walang maiiwan dito, lahat tayo sasama ilibing si Zenny." Lahat kami napatingin nang mag salita si Matteo.

Ang plano kasi sila Zora and Andrew lang ang maglilibing kay Zenny kaya nagtataka lahat sa sinabi ni Matteo.

"Why? Wala naman tayong gagawin do'n." Tanong ni Maya na naka crossed arms.

"We don't trust each other, right? Mas mabuti kung magsama-sama muna tayo." I agree with Matteo, I don't know sa iba, lalo na kay Maya and Lucas.

"What if ang isa mas gusto sa living room or sa room, paano yun ha?" Of course hindi magpapahuli si Lucas, "nag-iisip ka ba?"

I need to stepped in kaya naman ako na ang sumagot. "Ngayon lang naman 'to. Para maiwasan rin na may mawala pa sa'tin."

"Let's cooperate for once, wag na muna tayo magtalo." Mahinang sabat ni Cleo.

May sasabihin pa sana si Lucas nang unahan siya ni Zora. "Save it, Lucas. Aminin mo man o hindi mas makakabuti ang sinabi ni Matteo."

Tacenda (GxG)Where stories live. Discover now