Lacuna Otso

231 23 13
                                    

Zora Xanthe

"Oh my God"

Mga salitang namutawi sa bibig ni Maya. Maliban sa kaniya ay wala na nagbalak pa magsalita, lahat kami ay gulat sa nakita namin. Tanging paghinga lang namin ang maririnig.

"Paano?" Rinig kong tanong ni Cleo.

"If this is just a joke, Lucas, you better stop right now." Pagbabanta ni Mikaela ngunit rinig naman sa boses nito ang panginginig.

Lalapit sana si Matteo para i-check si Lucas nang sumigaw si Maya, "Wag! Walang lalapit maliban sa'kin. "Naglabas ito ng disposable gloves at nagsuot. "Walang gagalaw kung saan kayo mismo nakatayo."

Lumapit ito sa katawan ni Lucas na ngayon ay nakahandusay sa sahig, may saksak ito sa tagiliran sa may lower right banda. Lumuhod siya sa tabi nito kung saan may saksak si Lucas.

"Sabing walang kikilos 'di ba?" Saway sa'kin ni Mikaela nang magtangka akong lumapit.

"May kaunti rin naman akong alam sa ginagawa ni Maya." Sagot ko.

"Let the professional do her work." Saad ni Matteo.

Nagulat kaming lahat nang sumigaw si Andrew, "umamin na kayo!" Tinuro niya kami isa isa, "isa lang sa inyo ang pumapatay dito." May panggigil niyang saad, makikita sa mga mata nito ang galit. "Ano ba gusto mo ha? Wag kang magtago at harapin kami! Duwag!"

Dumagundong sa buong tunnel ang boses nito, nage-echo pa dahil close space lang naman itong kinatatayuan namin.

"Pwede ba wag kang sumigaw?" Inis na saad ni Maya. "Kairita."

"Bakit? Siguro ikaw ano?"

"What the fuck are you saying? " Kunot noong tanong ni Maya, tumayo ito. "Are you out of your mind?"

"Oh bakit hindi ka makasagot?"

Nilingunan ko ang ibang mga kasama namin para obserbahin ang mga reaksyon nila, mariin lang ang mga itong nakatingin kay Andrew. Maliban kay Cleo na natatakot at may pagtataka sa mukha. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil nasanay kaming lahat na happy go luck lang si Andrew.

"Alam mo Andrew, wag kang basta basta magtuturo." Saway ni Matteo.

Nginisian naman ito ni Andrew, "kasabwat ka siguro?"

"Confirm, you're crazy." Tinalikuran siya ni Matteo.

"Confirm, you're crazy." Pang gagaya ni Andrew sa sinasabi ni Matteo. "Umamin na kung sino dapat umamin."

"Huminahon muna tayo." Pumagitna na si Sera, "wag tayo mag decide ng galit."

"Sorry beautiful, pero hindi niyo ko mapapahinahon." Iling na saad ni Andrew, "tayo tayo lang nandito, hindi ba malinaw na isa lang sa'tin?"

Tumayo si Maya, "pwede ba mamaya na 'yan? Hindi ako makapag concentrate dito sa ginagawa ko." Tinignan nito ng masama si Andrew, "hindi ka ba nag iisip? Madilim kanina, paano kung saksak sabay takbo yung ginawa nung gagong 'yon?"

"Tss." Tangi na lamang nasabi nito.

"Marunong ka rin palang manahimik." Bumalik na si Maya sa ginagawa niya kanina.

Nadako ang tingin ko kay Sera na inaalo si Cleo, kita ko ang panginginig nito. Sino ba naman ang hindi matatakot? Nawalan lang ng ilaw ay nawalan na rin kami ng kasamahan. Muli kong inobserbahan sila isa isa, wala akong makita maliban sa takot sa mga mata nila.

Maya maya pa ay tumayo na si Maya, tinitigan lang nito ang katawan ni Lucas bago ibalin sa'min ang tingin.

"Whoever did this," isa isa niya kaming tinignan. "really know what he or she's doing."

Tacenda (GxG)Where stories live. Discover now