Lacuna Siete

248 26 10
                                    

Serafina Teo Fabian

Napabalikwas ako nang may sumigaw. Kinusot ko ang mata ko saka ko tinignan ang mga kasama. Ang iba ay masama ang timpla dahil sa biglaan pag gising.

"Ano meron? May nawala na naman ba?" Inaantok na tanong ni Cleo.

"Hindi." Agad na sagot ni Matteo, "naisipan lang sumigaw ng isa d'yan." asar na dagdag pa niya na ang sama ng tingin sa tuwang-tuwa na si Lucas.

"Ang tagal niyo kasi bumangon. Anong oras na kaya, saka hindi ako makalabas dahil nakaharang ang kama."

"Hindi ka talaga matatahimik pag wala kang nasisirang araw." Mataray na sabi ni Maya.

Hinayaan ko na lang sila mag bangayan, routine na ata nila. Binaling ko na lang ang tingin kay Zora na tulala lang sa kisame. Natawa ako dahil halata sa face niya na gusto niya pa matulog. Well, we're tired kaya hindi ko rin masisisi ang iba kung gusto pa munang matulog.

"Good morning." Bati ko sa kaniya nang magtama ang mga mata namin.

Ngumiti siya, " good morning, Sera."

Natulala ako pero agad din akong nakabawi. Nauna na akong bumangon saka siya inalalayan makatayo, ganon rin kay Cleo.

"Mukhang effective ang ganitong setup. Walang nabawas sa'tin." Saad ni Andrew habang naunat.

"Okay na magsiksikan dito kesa may mabawas na naman sa'tin." Gatong na saad ni Mikaela.

Nagsimula na magligpit ang iba ng kaniya kaniyang higaan. I folded my own comforter and put it on top of my pillow.

"I hate this! Kailangan ko maghintay sa inyo bago makalabas." Ang aga-aga ang init agad ng ulo ni Lucas.

"It's too early para uminit 'yang ulo mo." Masungit na sabi sa kaniya ni Maya. Okay, magsisimula na naman po sila magbangayan neto.

"Hayaan mo na sila." Tumaas ang balahibo ko nang bumulong si Zora sa'kin. Ramdam ko ang init ng hininga niya na tumama sa tenga ko.

Natawa naman 'to nang mapansin niya na nag-goosebumps ako, "stop!" Nahihiyang saad ko, kinover ko pa ang face niya gamit ang palad ko.

Nahinto kami sa pagkukulitan ni Zora nang magsalita si Cleo na taimtim na nakatingin sa'min. "Bagay kayo."

For some reason my heart skipped a beat. Naramdaman ko din ang pag-init ng cheeks ko.

"Ano ba pinagsasabi mo?" Sabi ko para maitago lang ang pagpula ng pisngi ko.

"Ang cute niyo kasing tignan." Palit palit ang tingin niya sa'min ni Zora.

I suddenly stopped my breath and stood up like a tree nang akbayan niya ako. "I agree, bagay kami." She turned her head to face me. She smiled at bahagyang ginulo ang hair ko.

Bakit ganito na nararamdaman ko? What causes my heart to beat? I find this strange and amusing at the same time, because I have never had a crush on a girl. I've never experienced this before.

"You're blushing?" Yumuko siya ng bahagya para tignan ang face ko.

"I'm not kaya lubayan mo 'ko." I was trying to avoid her gaze but she's so persistent. She even held my face.

Tacenda (GxG)Where stories live. Discover now