Lacuna Tres

305 32 14
                                    

Serafina Teo Fabian

"Although it is the first, it is already excellent. It has life, but it isn't real. Blood is present, but it is not red.
It appeals to you, but it is a villain." Pagbasa ko sa nakalagay sa screen.

"Ano yan?" Tanong ni Zenny na may hawak na pagkain. Huli na siya kasi bumalik pa ito sa kusina kanina para lang kumuha ng pagkain.

"Riddle, duh." Sagot ni Maya.

"Sabagay obvious naman." Tumabi si Zenny kay Matteo.

"Huhulaan ba natin kung ano ibig sabihin niyan? O 'yan magiging topic natin sa pagsusulat?" Napatingin ako kay Josh nang magsalita 'to.

"Grabe naman si Mangata, hindi marunong magbigay ng instruction kung ano papagawa." Reklamo ni Lucas. "Pati tuloy kung ano gagawin huhulaan pa natin."

"Challenge nga, Lucas." Pag talaga si Maya ang sasagot sayo laging pabalang.

"Manahimik nga muna kayo. Gamitin ang utak hindi ang bibig." Nilingon ko si Zora na nakatutok ang paningin sa screen na parang walang sinabi.

She has a point. Kailangan talaga pairalin ang utak hindi puro reklamo. Binalik ko ang tingin sa monitor. Ano ba ang ibig sabihin ng nasa screen. Ilang beses ko na inulit-ulit pero walang pumapasok sa utak ko.

"First." Rinig kong sabi ni Zora.

'Although it is the first, it is already excellent.' Anong ibig mong sabihin? Connected kaya kay Mangata 'to? Napasandal ako habang nag-iisip. Isa-isa ko tinignan ang mga kasama ko. Lahat sila tahimik na nag-iisip. I scanned the place baka nandito ang clue. Nadako ang paningin ko sa mga collection ni Mangata.

Wait. Alam ko na! But I'm not sure kung tama. Pero walang mawawala if I'm gonna share it. Tumayo ako para i-share ang thought ko.

"Guys! I think I know the answer." Naagaw ko ang attention nila.

"Okay, spill." Sabi ni Maya.

"The first book of Mangata." Confident na sabi ko.

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ni Lucas.

"Okay, the first line is Although it is the first, it is already excellent. Ibig sabihin is yung first book niya. Diba nag hit agad yo'n?" Nakita kong tumango ang iba. "It has life, but it isn't real. Yung mga character sa book."

"Oh you have a point. Continue." Nginitian ako ni Josh at nag-sign na ipagpatuloy ko.

"Blood is present, but it is not red. 'Di ba killer ang bida do'n? So ibig sabihin d'yan may nagaganap na patayan but not red kasi nga nasa libro. Hindi natin nakikita."

"It appeals to you, but it is a villain. Cos we find it cool ang bida sa libro?" Tumango ako kay Zora nang ituloy niya ang page-explain ko.

"How about the last two lines?" Andrew asked. "There will be midnight blood."

"As far as I remember, every night pumapatay ang bida sa first book." Tumayo na rin si Josh para mag-explain.

"Villains are not meant to exist." Napaisip ako nang basahin ni Mikaela. I almost forgot her dahil para siyang si Zora na tahimik lang din.

"Baka para sa mata nung bida villains yung mga pinapatay niya?" Napangiti naman ako nang mag-share ng thoughts si Cleo kahit na halatang nahihiya 'to.

"You a have point. Kung ako ang villain para sa'kin kayo ang panira sa plano ko so need ko kayong patayin."

"Nice Josh!" Sigaw ni Zenny.

Tacenda (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon