Lacuna Dose

233 24 8
                                    

Serafina Teo Fabian

Napahawak ako sa bibig ko dahil sa nakita. I felt like I was going to puke at any moment. What happened to Andrew was too much. His body is charred, his eyes are completely white, and smoke emanates from his pores. Nakakapanghina, maghiwa-hiwalay man kami gano'n pa rin ang kahahantungan namin. Napatingin ako kay Zora nang bigla niya akong hapitin palapit sa kaniya.

"Sera, bumalik na muna tayo."

"Paano si Andrew?" Nanatili akong nakatingin sa bangkay ni Andrew.

"Kailangan natin i-check ang lagay nila Maya. Baka mapano sila." Hinawakan niya ang mukha ko para mapaharap sa kaniya. "Mas kailangan natin mag sama-sama ngayon. Babalikan natin si Andrew pag kasama na natin sila Maya. Kailangan muna natin siguraduhin na okay silang lahat."

Tumango ako ng dahan-dahan. Zora is right, we need to be together right now. I knew it! Moving alone is not really a good idea. Mas malaya ang killer na gawin ang gusto niya, mas nakakakilos siya.

"At isa pa, nakita na natin ang pinto palabas." Napatingin si Zora sa pinto. "Malinaw ang nakalagay sa screen na daan ito para makalaya na tayo. Hindi natin sila pwedeng iwan."

I gave the door a quick glance before averting my eyes to the screen above it. Is this the reason Lucas died? Because we were just about here? To prevent us from moving forward, the murderer killed Lucas. The same may be said for Andrew; perhaps the murderer saw him enter the tunnel and killed him as a result, preventing him from fleeing the mansion.

Wait, what if the killer is still here? Based on Andrew's body, parang hindi pa gano'n katagal siyang namatay. Suddenly, I felt shivers run down my spine. Me and Zora are not safe here. We better go back and meet them.

Napakapit ako ng mahigpit sa manggas ng damit ni Zora. "Let's go." I stated with a sense of urgency. "The killer might still be here. We need to get out of here."

Zora gave a firm nod of agreement. "Bilisin natin."

Nanghihina man ang mga tuhod ko ay pinilit ko pa rin maglakad ng mabilis. Halos takbuhin na nga namin ang tunnel. Mahigpit na hinawakan ni Zora ang isa kong kamay.

"Sabihin mo sa'kin kung pagod ka na, bubuhatin kita."

Umiling ako. "I can still manage."

"Delikado tayo dito sa baba, wala tayong nakasalubong na kahit sino kanina. Maliban na lang kung may daan pang iba." Hinihingal na saad ni Zora. "Sana okay lang sila Maya."

Patuloy lang kami sa paglakad takbo, wala ng pahinga pahinga. Wala kaming laban ni Zora kung Sakai man na makasalubong namin ang killer. If my instincts are correct, the murderer already has a reason to kill Zora and me. We could be the next victims.

Maya-maya pa ay naririnig namin ang boses ni Maya, sumisigaw ito. Nagkatinginan kami ni Zora at lalo pa binilisan ang pagtakbo. Baka kung ano na nangyari sa kanila.

"Zora! Serafina! Fuck! Hindi pa sila nakakabalik?" Rinig namin na sigaw ni Maya. "Tara na! Sunduin natin sila tunnel!"

Sabay na lumabas kami sa pinto ni Zora, nakasalubong namin sila Maya na papasok pa lang sana. Hinila ko ang kamay ni Maya at hinatak palayo sa pinto.

"Hey! Teka nga!"

"Sa living room tayo mag-usap. Please." I said firmly.

Binawi nito ang kamay niya at nauna maglakad papunta sa living room. Si Matteo naman ay lumapit sa'min at tinapik ang mga balikat namin.

Tacenda (GxG)Where stories live. Discover now