Lacuna Singko

243 28 14
                                    

Serafina Teo Fabian

"Good night, Zora!" This is my second time saying this.  Ganon ba kalakas ang music niya kaya hindi ako marinig? She's wearing headphones right now while lying on her bed.

"Kanina pa siya ganiyan." Tumingin ako kay Zenny na nakahiga na sa kama niya.

"Ganon ba?" Lumakad ako papunta sa bed ni Zora at kinalabit siya sa balikat.

She opened her eyes sleepy. I smiled at her. Tinanggal niya ang headset na suot nang maka-adjust na siya. "Sorry, kanina ka pa ba?" She was about to get up nang pigilan ko siya.

"It's okay, maggu-goodnight lang ako." I said and pushed her lightly para makabalik siya sa pagkakahiga.

"Ah ganon ba, goodnight din sayo." Nginitian niya ako tsaka binalik ang headset niya. Sumenyas na ako na aalis na and she nodded.

"Goodnight, Zenny." Baling ko kay Zenny na patulog na rin.

"Goodnight din, Sera."

Bago isara ang pinto ay tinignan ko muna si Zora na nakapikit na ulit. Mukhang napagod siya. Maingat na sinara ko ang door nila at dumiretso na sa room namin ni Cleo.

Pagpasok ko sa room naabutan ko na tulog na si Cleo kaya naman dahan-dahan akong naglakad papunta sa bed ko. Nang makahiga I turned off the lights and went to sleep.

Nang magising ako, orasan agad ang tinignan ko na nakasabit sa wall. It's almost seven na pala. Before getting up ay umunat muna ako.

"Good morning, Cleo." Bati ko nang makasalubong ko siya sa door ng CR.

"Magandang umaga din." Tumabi siya ng bahagya para makadaan ako. "Hintayin na kita." mahina niyang sabi.

"Sige, wait lang ah." I went straight sa toilet para makapagbawas, then I did my morning routine. I made sure na okay ako bago lumabas ng CR.

"Tara na?" I nodded to her.

Huminto ako sa bungad ng pinto at humarap sa kaniya. "Daanan muna natin si Zora?"

"Sure, para sabay sabay na rin tayo kumain."

Habang naglalakad nakasalubong namin si Matteo na galing sa baba. "Morning." humihikab na bati niya. Binati namin siya pabalik. "Sa room muna ako."

Kakatok na sana  ako sa door nang batiin kami ni Andrew na kakalabas lang sa kwarto.

"Morning din." Sabay na sabi namin ni Cleo.

Tinuloy ko na ang naudlot na pagkatakot kanina. Maybe they're still sleeping? "Zora, Zenny papasok na ako ah." Pinihit ko ang door knob at binuksan ang door.

"Good morning, Zo-" ang sanang masigla kong pagbati kay Zora ay naudlot nang mahagip ng mata ko ang kaliwang kama.

"Ze-zenny." Nauutal na sabi ko. Hindi na ako makagalaw sa puwesto ko.

Napabalikwas ng tayo si Zora dahil sa sigaw ni Cleo. Ang iba naman ay mabilis rin pumunta sa'min.

"What happened?" Tanong ni Matteo.

Tacenda (GxG)Where stories live. Discover now