Lacuna Diyes

216 26 6
                                    

Serafina Teo Fabian

I couldn't believe what had just happened. Umangat ang tingin ko nang abutan ako ng water ni Zora. Do'n ko lang napansin na nasa living room kami. I didn't know how I got here.

I simply removed the glass from her grasp and remained silent. I'm reluctant to open my mouth for fear of crying. Bakit si Cleo pa?

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Zora kay Andrew na palabas na.

"Minding my own business." Tipid niyang sagot nang walang lingon-lingon.

"Baka mapahamak ka." Habol ni Zora.

Humarap sa gawi namin si Andrew tsaka ngumisi, "ganon din naman. Sama sama na nga tayo pero nalalagasan pa rin."

"Andrew." Saad ni Maya.

"Totoo naman." Tinignan niya kami isa-isa. "Feeling ko pag nagsama-sama mas lalo pang napapahamak dahil bantay niya tayong lahat sa iisang lugar."

Napaisip ako sa sinabi ni Andrew. Hindi kaya tama siya? What if that's why she kills us so easily, is because she knows everything. She knows our every goddamn move! Nababantayan niya kami ng mabuti.

"I'm out!" Tinaas niya ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko. "Gagawin ko na ang gusto ko. Kung gusto niyo magsama-sama go! Basta ako hahanap ako ng paraan para makalabas dito." Saad niya tsaka iniwan na lang kami.

Nang malaman nila about sa passcode ay natahimik sila. Devastated ang lahat dahil ang chance namin na makalabas ay mas lumiit pa. Wala na rin naman silang magagawa dahil wala na si Cleo. Kahit hindi sila nag-react I know na galit sila.

Walang nagbalak pang magsalita after makaalis ni Andrew. Lahat kami ay tahimik na nag-iisip. Napapikit ako ng mariin nang bigla na lang nag flash ang image ni Cleo sa isip ko. I shook my head para lang mawala.

"Hey, you okay?" Hinawakan ako ni Zora sa balikat, "gusto mo ba magpahinga muna?" Umiling ako bilang pagtanggi.

Why did Cleo commit suicide? Is she being asked to do it? Or did she make the decision on her own? Hindi ko akalain na magagawa ni Cleo 'yon. Bakit hindi ko naramdaman ang pag-alis niya sa tabi ko?

"Sera, breathe." Tsaka ko lang napansin ang sarili na pinipigilan ko na ang paghinga dahil sa galit na nararamdaman ko. Hinawakan niya rin ang kamay ko tsaka niya ito maingat na ibinuka. "Hahanapin natin ang may gawa ng lahat ng 'to. I'll help you. We'll help each other."

"I decided na kikilos na rin ako ng mag-isa." Sabay kaming napalingon kay Matteo. "But makikipag-cooperate pa din naman ako."

"Same, I'll do what my instincts tell me to do." Tumayo na rin si Mikaela sa pagkaka-upo.

"But don't worry, we'll still help each other. Like in the kitchen. We'll still eat together." Dagdag ni Matteo. "Maybe share information if ever na may mahanap tayo."

"Ikaw Maya?" Tanong ni Mikaela kay Maya na malalim ang iniisip.

"I guess, wala naman akong magagawa. I'll take care of myself." Tumayo na rin siya sa pwesto niya tsaka tumingin sa'min ni Zora. "What about you two?"

"I'll stay with Sera if she wants me." Napatingin ako kay Zora na taimtim na nakatingin sa'kin. Hinihintay ang magiging sagot ko.

Tacenda (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon