Lacuna Nueve

215 26 12
                                    

Serafina Teo Fabian

Matapos namin magsisihan sa nangyari kay Lucas at pagtalunan ang bagong announcement ni Mangata ay kamuntikan na kaming magkaniya-kaniya. Nahirapan pa kami magsama-sama ngayon sa room. Everything that is happening to us is too much for us; it is so overwhelming that we don't know how to deal with it. Kahit na may hint na kami sa mangyayari hindi pa rin namin mapigilan na may mawala sa'min.

Everything was fast. Hindi pa nga kami nakaka-moved on sa nangyayari tapos may kasunod agad. How can we think properly? Kung nasisira ang mental state namin dahil sa mga pangyayari?

Naputol ang pag-iisip ko, when I felt someone hold my right hand. Naalis ang pagkakatingin ko sa kisame at nabaling kay Zora na may pag-aalalang nakatingin sa'kin.

"Care to share?" Mahinahon niyang saad. "Alam mo naman na pwede mong i-share ang mga gumugulo diyan sa utak mo." Pinisil niya ng marahan ang kamay ko, "nandito kami ni Cleo, handang makinig."

"Kahit sobrang natatakot na ako I'm willing to listen, Sera." Nilingon ko naman sa kabilang side ko si Cleo.

"Alam ko naman." I said with a faint smile. "Pero lahat tayo dito maraming iniisip, may kanya kanyang takot na nilalabanan. Ayaw ko na makadagdag pa."

"Let's help each other, Sera." Saad ni Zora. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

"I'm just scared na baka hindi ko na makita ang family ko." Napabuga ako ng hangin at ibinalik ang tingin sa kisame. "Sobrang saya pa ni mama dahil sa email na natanggap ko tapos ganito lang pala ang mangyayari sa'tin."

Bumangon si Zora sa pagkakahiga, naupo siya paharap sa'min ni Cleo. "Malalagpasan natin 'to. Hindi naman natin hahayaan na mangyari 'yon. Hindi tayo darating sa gano'n situation." Saad niya saka ngumiti upang pakalmahin kami.

Minsan lang magsalita si Zora, but everytime she does, I feel secure. There's something in her na napapakalma ako.

"We can't control what's happening, Zora. I know we're doing our best pero hindi sapat dahil wala pa tayong naligtas." Ramdam ko sa boses ni Cleo ang takot.

Cleo's right wala pa kami ni isang nase-save. Ano ba dapat ang gawin namin?

"Guys." Agaw pansin ang pagtawag ni Zora kaya naman pati sila Mikaela, napatingin sa gawi namin. "May nakaligtaan tayong gawin."

"Ano naman 'yon?" Tanong ni Andrew.

"Aren't we too preoccupied with who will die next?" Tinignan kami isa-isa ni Zora, "what about the passcode ng gate?"

"Naghahanap tayo ng malalabasan pero hindi man lang natin inisip na hanapin ang passcode." Saad ni Matteo.

"Let's do that first thing in the morning." Pagsingit ko na ikinatango naman nila.

"Okay, matulog na tayo para naman bukas maaga tayo magising."

Sinunod namin ang sinabi ni Matteo kaya nagsipag-ayusan na sila ng pagkakahiga. Pumihit ako paharap kay Zora.

"Close your eyes, ako bahala." Inangat niya ang kamay niya palapit sa mukha ko at pinadausdos para i-guide ang mata kong pumikit.

Ilang saglit pa itinagal ng kamay niya sa mukha ko. Napailing siya nang minulat ko ang mata ko nang alisin niya ang kaniyang kamay.

Tacenda (GxG)Where stories live. Discover now