Prologue

114 10 2
                                    

"And if you'll stay, I'll hold your hand

'Cause I'm truly, madly, crazily in love with you"

- stay by cueshe


"I believe.." panimula ko sa kantang Stay ng Cueshe. "We shouldn't let the moment pass us by.." dahil sa pause pagkatapos ng linyang yon, nagkaroon ako ng chance na inumin yung shot glass na nakatapat na sa akin. Habang kinakanta ko yung mga linya ng kanta, dinig ko ang pagsabay ng mga tao sa pagkanta ko. Nasa AOS ako at kasalukuyan kaming may gig.

"All i'm asking.. Could it possibly be you and me?" may pagasa ba? Tayo? Sa bawat linya ng kanta, ikaw ang naaalala ko. "So if you'd still go, I'll understand.." naiintindihan ko, Lyric. Lalo na ngayon dahil sa katangahan na nagawa ko, naiintindihan ko.

"Would you give me something just to hold on to?" pero kahit wala, i will still hold on. Kahit malabo at walang pagasa, hihintayin kita.

"And if you'll stay, I'll hold your hand.." just like the old days. Tuwing ako ang pinipili mo kada maglalaro tayo tuwing birthday party ng mga kaibigan natin. Noong pinipili mong manatili sa tabi ko kada aalis sila Daddy at maiiwan akong magisa sa bahay. Noong wala akong makakapitan na iba kundi ikaw lang..

"'Cause i'm truly, madly, crazily in love with you.." if this is not just love and is already an obsession then so be it. I can't stop myself from loving you. I tried pero lagi akong nagsisimula sa tanong na paano magsisimula? Dahil di ko alam kung paano? Paano ako makakaahon sayo? Paano ako makaka-move on sa pagmamahal ko sayo na ni minsan di mo nagawang suklian?

"ANG bobo mo.." napayuko ako dahil sa sinabi ni Gael. Totoo, tama siya. Sobrang tanga ko, sobrang bobo ko. Hindi ako nag iisip.. "Ang selfish mo, pre. Hayaan mo na si Lyric, kapatid lang turing sayo non. Tama na boy please lang.." tumango ako.

"Kaibigan ka namin, LJ. Pero kaibigan din namin si Lyric. Kilala mo si Lyric, pag ayaw niya.. Ayaw niya talaga.." sabi ni Lloyd, pinunasan ko ang tumulong luha sa pisngi ko. Saka ko inabot yung shot glass na dapat para kay Javier.

"Hoy!" di na siya nagreklamo dahil sinenyasan siya ni Gael.

"Hayaan mo na." tumingin siya sa akin ng diretso. Sobrang swerte ko sa kanila. They should be mad at me but here they are.. They're still with me. Natatakot ako pagkatapos ng ginawa ko dahil alam kong mawawala siya, lalayuan niya ako. Mag Iisa na naman ako. But I forgot them.. Meron pa pala akong sila. "Iinom mo lang, Jan. Hanggang makalimot, iiyak mo lang. Basta pagkatapos tama na."

Ipinagpatuloy ko ang pag inom hanggang sa mahilo na ako, alam kong safe ako dahil nasa VIP Room kami. Uminom ako hanggang sa tingin ko ay di ko na kaya.. Hanggang sa nakalimutan ko siya.. Sa ngayon..


-----


i don't know if someone will be able to read this but oh well. this story have been in my google docs and notes for over a year. sayang naman kung diko ilalabas ayt? sana may magsupport HAHAHAHA

Truly, Madly, CrazilyWhere stories live. Discover now