Chapter One

66 9 0
                                    

Chapter One

"Grabe nandito ka na naman. Hoy wala jan yung kwarto ko, andito sa harap mismo ng hagdan HAHAHA" i pouted then scratch my eyebrow. My mannerism kapag nahihiya ako. Hehe huli pero di kulong.

"Hinahanap ko CR niyo, Clef hehehe.." nginisihan niya lang ako tapos nilagpasan ako.

"Ate, labas ka nga muna jan. Hinahanap ka ni—" tinakpan ko agad bibig ni Clef saka siya hinila papunta sa kwarto niya.

"Pahamak ka talagang bata ka.." di siya makapagsalita pero alam kong natatawa siya. Letse sana wala siya sa loob ng kwarto niya. Lame ng excuse ko, tagal ko na pabalik balik dito tapos hinahanap CR?

NASA loob ako ng kwarto ni Clef. Inaantay ko siya kase tinawag siya ng Daddy niya. Ako andito, binubuo tong Rubik's Cube ko. Pang-ilang beses ko na ba tong nabuo at ginulo? Ewan, ang boring e. Wala akong makalkal sa gamit ni Clef dahil puro libro lang naman ang andito. Buti sana kung mga Manga ng Detective Conan, knowing Clef sure ako puro yon makapal na libro about Business since yun ang course namin. Isi-net ko sa di ko alam kung pang ilang beses na ang cube timer. Tinignan ko muna ang ayos ng Rubiks Cube ko bago ko istart ang timer. Balak kong baliin yung record ko na 56 seconds. Makalipas ang ilang segundo nagsimula na ako.

"YES!"

"Kakain na."

Nagulat ako dahil biglang may nagsalita kaya naihagis ko ang hawak kong Rubik's Cube. Bigla akong napatayo ng maayos at inayos ko din sarili ko saka tumingin sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin pabalik sa akin kaya tumango ako. Tumalikod siya tsaka lumabas sa kwarto ni Clef.

"Hooo.. Kailan pa siya andito? Nakakahiya.." tinignan ko sarili ko sa salamin. Kanina ko pa pala pinipigil ang paghinga ko.

"Aren't you coming down? I have a lot of things to do, Lijan." nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses niya. Andito pa pala siya hehe. Agad na akong lumabas at sumunod sa kanya na nauuna sa akin.

Ilang beses ko ba ipapahiya ang sarili ko sa kanya? Minsan na nga lang niya akong mapansin lagi pa akong palpak. Bumuntong hininga ako habang nakasunod sa kanya. Bago umupo ay nagmano muna ako kila Tito at Tita. Kakauwi lang nila galing sa trabaho nila. Nginitian ako ni Tita habang si Tito seryoso lang na nakatingin sa akin. Nalunok ko sarili kong laway. Lagi siyang ganyan pag nandito ako at kaharap sila. Parang gusto akong balatan ng buhay. Bakit naman hindi? E alam niyang tipo ko ang panganay niya. Wala naman sanang mali kaso babae ako, babae ang anak niya. And shit happened, and we don't have to dwell on it..

Tahimik na lang akong kumakain at nakikisabay sa kwentuhan nila pag tinatanong ako ni Clef at Tita. Katabi ko si Clef at kaharap ko siya. Seryoso lang siyang kumakain habang maya't maya ang pagtingin sa wrist watch niya. Nagmamadali ba siya? Kukuha ako ng kanin na nasa harap ni Tito. Napatingin ako sa kanya at ang sama ng tingin niya sa akin. Binawi ko ang kamay ko saka yumuko hehe. I got carried away, dami ko na pala nakain. May kumatok sa pinto at bigla namang tumayo si Lyric. Siya ang nag presenting magbukas ng pinto kahit andito naman maids nila. Pagbukas ng pinto ay ngumiti siya. Ngayon ko na lang ulit nakita yung ngiti niyang ganyan. Genuinely happy. Pagkatapos kase nong pangyayaring yon noon, lagi na lang nakakunot ang noo niya tapos di na siya madalas ngumiti. Ngayon na lang ulit.

"Pasok ka.." pinapasok ni Lyric yung dumating. Nung makapasok ang bisita ni Lyric, nawalan ako ng gana. Naramdaman ko namang hinawakan ni Clef hita ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako ng mapait, napansin kong nakatingin pa din si Tito sa akin. Nagiwas ako ng tingin at uminom ng tubig. Totoo pala chismis sa school about them

"Good Evening, Mr. & Mrs. Ricafort." tumayo sila Tito at Tita saka tinanggap kamay ng bisita ng anak nila. "Nice to meet you po. I'm Glenn Andrico po."

Sinenyasan ni Tito na maupo na sila. Magkatabi silang dalawa sa harap ko. Agad pinagsilbihan ni Lyric si Sir. Andrico. Wow what a view.

"Good evening, Sir." bati ni Clef kay Sir.

"Hey, Clef. Good evening." bati din ni Sir pabalik. Tumingin sa akin si Sir kaya nakilala niya ako. "Lijan.." Tumingin ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. "We will have a family dinner later. Dad wants you there." tinanguan ko na lang siya.

Yes. He is my brother. Half brother. Both of my parents have different families na. Magisa na lang ako sa bahay namin dati, they both left me alone. Di ko nga alam bakit kailangan pang kasama ako sa dinner na yon. Family nga diba? Di naman ako parte ng pamilya nila. Tatakas na lang ako. Pupunta na lang ako sa AOS, magpapakalasing.

"Don't think about escaping, Lijan" pahabol niya. Ha! Kala niya ba susundin ko siya? Sila? "Dad will force you to live with us if you do. He is serious this time."

Di na lang ako umimik. Dati pa ako pinipilit nila Lucas tumira kasama sila. I am no masochist, I will never live with them because I know it will be painful. I think I have no other choice but to attend that damn family dinner this time.

They continued talking while eating. Hindi na ako kumuha pa ng pagkain and just enjoyed the dessert. Kanina ko pa gustong umalis pero nakakawalang respeto yon. Baka ma-bad shot ako kay Tito, bad shot na nga dati pa. I'm just waiting for them to finish, pag tapos na sila aalis na ako. Speaking of Tito, he is now smiling while talking to Glenn. Kanina lang parang wala siya sa mood. Mukhang gusto ni Tito si Glenn para sa panganay niya. Napangiti ako ng mapait. Talo na naman ako. Oh well, paano mananalo e they never let me prove myself. She never let me. Natapos na sila kumain at sakto tapos na din ako. I quickly got up at nagpaalam sa kanila.

"Una na po ako. Thanks for the lunch po." nag-bow pa ako niyan HAHAHA.

"Ang aga mo ata, Lijan." sabi ni Tita.

"Oo nga, Jan. Sabi mo movie marathon tayo?" singit ni Clef.

"I have something to do pa po e. Bawi na lang po ako next time.." tumango naman sila. Glenn looked at me pero diko siya tinignan. He doesn't have to worry because I will come. I don't have a choice. Tumingin ako kay Lyric and she's looking at me, ang lamig HAHA. Napatingin siya kay Glenn, may sinabi. Tapos ngumiti siya. Damn it hurts.


———————

HAHAHAHAHAHAHAHAHA. matagal na to sa google docs niedit ko muna yung iba. sorry now lang di masyado active. busy po sa pagiging mabuting magaaral. i'm open po for criticism, suggestions, corrections or ano pa man. makakatulong po yon sakin. so sana po magustuhan mo. mo kase 1 pa lang reader ko ouch. thank you btw! godbless po


021823

Truly, Madly, CrazilyWhere stories live. Discover now