Chapter Sixteen

27 5 0
                                    

Kinabukasan before the ball nagmeet up kaming tatlo, when i say tatlo you say 3 joke. Kami nina Clef at Spade, swerte ng love birds dahil di na sakop ng Ricafort ang mag asawang Benett kaya libre tong dalawa na magsama at magkita bukas. But to make sure ayon ako ang tatayong partner ni Clef tas exchange na lang pag nasa venue na. Hindi ko alam kung sino date ng poncio pilato na to pero gora na lang ako. Si Lyric sana kaso wala man lang sinabi, kundi ko pa nalaman sa kapatid niya hanggang ngayon umaasa pa rin ako sa wala.

"Anong plano? Lintek kayo.." binelatan ako ni Clef na nakakandong ngayon kay Spade – na tuwang tuwa.

"Ayon na nga.. Fortunately masquerade ball kaya mas mapapadali ang plano natin. Let's exchange clothes when we get there, Jan. Wag ka na magdress parang awa mo na.." nginisihan ko lang siya. Halos magka-height kami ni Spade mas matangkad lang siya slight tas halos same lang din kami ng katawan kaya walang problema kung magpapalit kami ng susuotin.

"Pasensyahan tayo, brad. Dumating na yung ko.." She raised her middle finger and I did the same.

"Bakit ba kase di na lang kayo mag-suit? Masyado niyong pinapahirapan sarili niyo.." suggestion ni Clef. Pwede naman kaso formal yung ball e, nakakahiya kung ibabalandra namin kabaklaan at kapogian namin doon.

"Kausapin mo yang kaibigan mo at grabe ang pagsunod sa theme. Daig pa ang magasawang Benett.." i made a face saka nagiwas ng tingin sa dalawang nagbe-bebetime. Respeto po sa single! Inilabas ko ang cellphone ko at dumalaw sa GC namin. Ibinalita ko na nasa Alves Dining kami, maya maya lang nandito na mga yon.

Maya maya narinig ko na ang ingay nila, mga lintik din! Nagmamadaling pinatayo ni Spade si Clef nung pumasok si Gael na nakaakbay kay Cielo. Pinaningkitan ng mata ni Gael yung dalawa tapos minura ni Clef si Spade – kulang na lang kasi itulak kanina. Yung mga dumating ay sila Gael, Lance, Javier, Russel at Cielo.

"Wala po akong ginagawa! Si Clef yung kumandong sakin hinayaan ko lang.." natawa kami sa sinabi ni Spade. Ilaglag ba naman si Clef

"Namo, Ignacio! Break na tayo!" umirap si Clef saka tumabi sakin. Binelatan ko si Spade na naka nguso habang ineenterogate ni Gael. 10 seater yung dining table kaya magkakaharap lang kami at bakante ang dalawang upuan na nasa kabisera ng lamesa.

"Anong oras kayo pupunta?" sabi ni Lance habang pinagdidiskitahan na yung inorder ko kaninang appetizer.

"Pag nagaya na sila Mama.."

"Kung kailan ko gusto.."

"Sabay ako kay Clef.." singit ko.

"Bakit kay Clef? Bakit hindi kay Ma'am Lyric?" tanong ni Cielo na grabe na ata pagka-curious kaya nagtanong na.

"Ako date niyan e ano pa ba?"

"Ha? E sino date nitong si Spadey Boy?" nakasimangot lang si Spade habang nakaakbay sa kanya si Gael.

"Si Clef pa rin kuya syempre.. Pero ipagkakatiwala ko muna sa demonyo kong kaibigan dahil hindi naman ako makakapagpaalam ng maayos sa bahay nila Clef e. Baka hindi pa siya payagan mahirap na.." tumango sila tanda na naintindihan nila paliwanag ni Spade. Sa akin naman ngayon tumingin si Gael. Tinarayan ko siya kaya tumawa siya ng mahina

"E kawawa naman pala tong manok ko.. Tayo na lang?" kinindatan niya ako kaya napangiwi ako. Tinakpan ni Spade ang mukha ni Gael gamit ang buo niyang mukha saka tinulak ng slight.

"Back off kuya may date na yan.." natatawang tumingin sa akin si Gael.

"Aber at sino? Kapag yung pinsan ko nagselos bahala ka, Lijan!" hindi ko na lang sila pinansin at binuksan ang cp ko. Tinanong ko si Lyric through chat kung anong gusto niyang lunch kaso hanggang ngayon wala pa ring reply. Ni hindi nga niseen chat ko

"Bahala na siyang manuyo. Ang importante partner kami ni Clef.." umayos na sila ng upo nung dumating na pagkain namin.

"Oh! Fancy meeting you guys here!" a girl said. Kasama siya ng mga nagserve ng inorder namin.

"The fuck, Juarez!" Lance shouted. Pinupunasan niya na yung mukha niyang nabugahan ng tubig ni Javier.

"Dugyot ampota!" sabi ni Gael saka binato ng tissue si Lance. "Nyare sayo, Juarez?"

Natatawang nagpupunas ng bibig si Javier saka umiling ng paulit ulit.

"Should I bring towels? Napkins? Tissues?" nakangiwing saad nung babae kanina.

"No need, miss. Do you know us?" I asked instead. Lance and Javier can handle themselves. Pinasadahan ko ng tingin ang babae, she's wearing a chef uniform, one of the cooks i guess.

"Oh. So hindi pa ako nababanggit ni Javier sa inyo? I wonder why?" she said while smiling at Javier. Lahat kami nakatingin sa kanya ngayon at nagiwas lang siya ng tingin sa amin. "Well let me introduce myself na lang. It seems like wala talagang balak si Jav na ipakilala ako sa inyo. So I'm Shane Alves, the same age as Javier. I'm actually studying too sa C.U, 4th year Culinary Arts. Hindi niyo ako kilala or nakikita because iba ang schedule ko sa inyo lalo na sa inyo Lance." isa isa niya kaming nilapitan at kinamayan.

"Nangangampanya ka ba?" i seriously asked nung ako na ang kinamayan niya. She chuckled saka pabirong hinampas ako sa balikat. I mouthed ouch kase medyo mabigat ang kamay, ang sakit

"I'm sorry.. Javier is right. Palabiro ka rin pala.." kumunot ang noo ko.

"Anong palabiro? Sinong nagsabing nakikipagbiruan ako? De joke lang HAHAHA. Baka yung mga kinukwento ni Javier puro mga masasamang bagay tungkol sakin? Number 1 basher ko yan e.." and for the second time. Nabulunan na naman si Javier, i glared at him

"Nope! He respects your privacy guys. He didn't tell me your secrets.. Except that you're actually courting Miss Lyric Ricafort.." she casually said as if it's nothing.

"Lance! Pakibatukan nga si Javier para sakin!" i scratched my eyebrow

"It's not his fault, Lijan. Pinilit ko lang siya actually. Pansin ko kasi yung pagiging protective and caring mo for our Professor. At first I thought it was just because of Sir. Glenn since he is your brother and he's also courting Miss Ricafort. Kaso ano.. One time nakita ko kayo.." I looked at her intently. I nodded, urging her to continue. "I saw you both last week. You're about to kiss her.."

"HA!?" I covered my ears. Sabay sabay ba naman silang sumigaw. Naputol na nga yung 'HA' ko e.

"Hoy, Andrico! Oo sinabi kong boto ako sayo pero hinay lang aba! Ligawan mo ng maayos pinsan ko!" napangiwi ako dahil sa sinabi ni Gael.

"Don't worry kuya.. Napigilan ko. Walang kiss na nangyari.." Clef butted in.

"PINIGILAN MO!?" sabay sabay uli nilang sigaw. Tong mga to mga walanghiya talaga

"Bat mo naman pinigilan, Clef! Sayang yon!" Clef looked at Gael in disbelief. May sayad talaga sa utak. "Anyways, Shane, Please keep it a secret since alam mo na.." Shane nodded then smiled.

"No need to tell me that, Gael. Your secret is always safe with me." Shane smiled at Gael, Gael nodded his head and smiled too. I notice how Javier clenched his fist.. I sme–

"I smell something fishy.." sabi ni Clef. Tinuro ko yung daing na bangus sa hapag, she rolled her eyes at me. Yeah.. something definitely smells fishy.. And it's definitely not the daing na bangus.


——————————

hmm i smell something din! paborito kong ulam HAHAHAHA. gagi hirap pala gumawa ng search engine jusko ayoko na joke. offline search engine pa lang to! tas limited pa yung coverage, paano pag pinagawa na kami nung katulad sa gulugulu(GOOGLE) — magd-drop na po ako HAHAHAHAHA. di niyo po gets pinagsasabi ko? ako din po joke

——————————

043023

Truly, Madly, CrazilyWhere stories live. Discover now