Chapter Ten

35 8 1
                                    

"Andrico!" 

"Lay!"

"Captain!" sigaw ng teammates ko. Instead of helping me nakatayo lang sila habang nagpipigil ng tawa. Prof. Benett approached me pero mas nauna nang nakalapit si Lyric. Yep! She's here and she called me 'Lay'

"You're really stupid. Who in their right mind would run on a slippery surface while wearing socks? Who do you think you are? A superhero?" inalalayan niya akong makatayo at pinagpagan ang pangupo ko. Hindi ako nagsalita at nakangiti lang na nakatingin sa kanya, she's holding me right now

"Bati na ba tayo, Cel?" natigilan siya at napatingin sa akin. Nawala yung pag aalala sa mga mata niya at saka niya ako binitawan. Nagsalubong ang mga kilay niya then she crossed her arms in front of her chest.

"I'm worried about the basketball team, Andrico. Hindi sayo. Ibinilin din sakin to ni Daddy that's why.." tumango ako at hinawakan ang pangupo ko. Ang sakit. Dahan dahan akong naglakad papunta sa teammates ko

"Are you okay, Andrico? Wag ka na muna mag practice, excuse ka na muna.." Prof. Benett suggested nang makalapit siya sa akin. Tumanggi ako at luminya na, binatukan ko yung mga nagpipigil ng tawa. "So as what we've said earlier, as Mr. Ricafort daughter, my co-teacher Ms. Ricafort will also stay here to observe you. She will report your progress kay Coach kase 1 week ata siyang mawawala."

Oh that's why. Walang nabanggit si Coach kahapon, maybe it's an emergency. Nag-warm up muna kami through dribbling, passing, lay up and footwork. After that we started conditioning drills such as triangle agility, full court sprint and many more. Those lasted for almost 30 minutes kaya hapong hapo na kami. Prof. Benett clapped twice

"Okay! 10 minutes rest guys! Good job!" halos sabay sabay silang napaupo sa court. Diretso ako sa bag ko to get my towel, pawis na pawis na ako.

"Shit naman! Nalimutan ko pa talaga?" kahit gaanong halughog ko sa bag ko wala akong towel na mahanap. Pair of socks ata ang nakuha ko instead of towels dahil sa kakamadali kanina. I don't have any spares sa locker nagamit ko na lahat i'm sure.

"Here.." napatingin ako sa dalawang towels na nasa harap ko. Inaabot ng dalawang professor sa akin.

"Quick, Andrico! Nangangalay na ako!" Lyric said not looking at me

"Itong akin na lang, Jan. Pambawi ko about what happened earlier. It's my fault bakit ka nadulas kanina. Hindi dapat ako nagbiro ng ganon." Hindi ko alam kung kaninong towel ang aabutin ko. Nakakahiya naman kung di ko kukunin yung offer nung isa.

"Yan kase napaka-bano mo! Sa lahat ng pwedeng malimutan, towels pa!" nagulat ako nang may bigla na lang nagpunas ng mukha ko. I know it's Clef. "Okay na ate and Prof. Benett. Kami na bahala sa kaibigan namin hehe.." umalis silang dalawa after silang batiin ng mga kaibigan ko.

"Panira, Clef. Sayang yung 1500!" i heard Javier's voice. What are they doing here? Akala ko binabantayan nila si Cielo?

"Kaya nga ano ba yan. Talo ka na sana Jav!" This time it's Lance's voice. Pinagpupustahan ba nila ako? Agad kong inalis ang towel sa mukha ko at tinignan ang mga kaibigan ko. Silang tatlo lang pala, where's the rest?

"Nakauwi na. Inuwi na ni Kuya Gael si Cielo, tapos si Lloyd pumunta sa High School.." Clef explained.

"Ah.. How's she?" I asked , talking about Cielo.

"She's fine. Nagising din after you left, inantay ka lang ata makaalis boi HAHAHAHA" Javier said. I tried to kick him kaso ang bilis niyang nakaiwas.

"Ano meron bat lahat kayo nagka-injury? Parang magkadugtong buhay niyo.." Lance suddenly asked. Lumapit na sa amin si Ayes at Russ, nakipag-fist bump si Russ sa kanila.

Truly, Madly, CrazilyWhere stories live. Discover now