Chapter Five

43 8 8
                                    

Pagkatapos ng last subject ko ngayong hapon, pumunta muna ako sa cafeteria para bumili ng kape. After that ay diretso na ako sa office ni Lyric. Kumatok muna ako at hinintay kong pagbuksan niya ng pinto, ayaw kong pumasok agad.. baka magalit.

"Jan!" may tumawag sakin while i'm drinking my coffee. Lumingon ako and it's Monique. I smiled at her at sasalubungin na sana siya but someone pull me papasok sa office ni Lyric. "What the-" rinig ko pang sabi ni Monique bago tuluyang sumara ang pinto.

I looked at the one who pulled me inside and it's Lyric. She's looking at me emotionless, nagiwas ako ng tingin at huminga ako ng malalim.

"Bakit niyo po ako pinapunta dito, Ma'am?" tumalikod na siya sa akin at pumunta sa lamesa niya. She signed me to sit kaya umupo ako sa bakanteng upuan na nasa harap ng table niya at ipinatong din doon ang kape ko. "Is it about me being absent for 2 weeks? Makakahabol naman po ako, Ma'am.."

"Partly. That's one of the main reasons." tumingin na ako sa kanya. May iba pa ba? Wala na ako natatandaan na atraso ko this school year. Kung yung about sa pag uusap namin ni Mon sa klase niya, parang ang babaw naman? "Stop talking to yourself, Andrico. First week of class marami ang nangyari, you're unaware because you turned off your phone. Did you even notice the new Group Chat you're in?"

"Wait.. my bad.."Agad kong binuksan ang phone ko and quickly browse the Messenger app. Apart from the Chavez Women's Basketball Team gc na nilayasan ko na nung nakaraan because I'll quit the team. Wala namang bagong group chat. "Ahm.. wala."

Tumayo siya saka kinuha ang cp sa kamay ko. Tinignan ko lang siyang kalkalin ang phone ko. Kampante ako kahit buksan niya lahat ng apps, alam kong wala akong tinatago. Her forehead furrowed nung biglang may tumawag sa phone ko. Itinapat niya sa akin ang screen and Mi Amore ang nakalagay sa caller id. Kukunin ko na sana ang phone ko pero inilayo niya iyon, tumingin ako sa kanya ng nagtataka.

"We are still talking, Andrico." tumango ako sa kanya.

"Kakausapin ko lang siya." nginuso ko ang cp, indicating that who I am referring to is the caller. She sigh at inabot na din naman sa akin ang phone ko. Agad ko yung kinuha at lumabas sa office niya, i answered the call.

'Damn finally, Lijan!' agad na sabi ng nasa kabilang linya. Natawa ako because i can imagine her face.

"I'm sorry. I'm doing something kase kaya natagalan.." sagot ko sa kanya. Narinig ko ang paglilipat niya ng pahina ng papel. "What's up?" i heard her sigh saka nagsalita.

'Can you come here later?' I tilted my head. Wala kaming usapan ngayon, this is so sudden.

"Okay later. Daan ako bago umuwi.. why?" tumigil siya sa pagbuklat ng kung ano mang binabasa niya saka nagsalita.

'I have something to tell you. Don't worry it's good news..' nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. I decided to tease her.

"Pwede namang ngayon mo na sabihin e. Are you going to surprise me and sasagutin mo na ba ako later?" i can imagine her rolling her eyes while she's smiling.

'Kapal mo, Andrico! Basta punta ka na lang dito okay?' tumango ako habang nakangiti kahit di niya kita.

"Okay, love. Gusto mo lang talaga ata akong makita e.." i heard her shouting in frustrations. I laughed, ang daling pikunin, asarin at pagtripan.

'Gosh. Stop it, Ja. Sige na patayin ko na to. I know you will not stop annoying me. Bye, Ja. Ingat later..' She sounds really annoyed. Siguradong gulpi na naman ako ng kurot at hampas mamaya.

"Okay bye. Love you.." napailing na lang ako ng binaba niya na ang tawag. Namura pa ako, pwede namang mahalin. Masarap naman akong mahalin at alagaan. Hays.

"Are you done flirting? Pwede na ba tayong magusap?" napatalon ako dahil sa gulat. Agad kong tinignan si Lyric but she's already inside her office.

Sumunod na ako sa kanya saka inabot ang phone ko, naka-off pala yon. Kukunin ko na sana para iinsert ang password, which is her birthdate btw. Pero nagtype na siya and it turned on. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha niya but she's quick changing her reaction. She had access to my phone dati, she knows my password because she's the one who set it. Makakalimutin kase ako kaya birthday niya na lang daw para diko malimutan. I never changed it, never did and never will. I don't have any plans.

Iniharap niya sa akin ang phone ko at GC ng Entrepreneur Organization Society ang nasa screen. Oh? What's this? Kinuha ko sa kanya ang phone ko dahil baka mangalay. Clef is also here, why am I here? Walang sinabi si Clef about this?

"That's a new club led by me. Isinali ka ni Glenn, see even tho you're away he's still thinking of you..'' I smirked at umiling. Pasikat, epal, bwisit. Thinking of me? They didn't even ask for my permission.

Tumayo na ako at akmang aalis. Nakakabastos man wala na akong pakialam, yun na din naman ang tingin nila sa akin. I'll give them the satisfaction. "Meron pa ba, Ma'am? May lakad pa ako.." i said without looking at her at kunwaring busy sa phone ko, inabot ko na din ang kape ko. I heard her sigh.

"About you leaving the Women's Basketball Team, Coach Alejandro didn't let you. Kasali ka pa din daw whether you like it or not. Last year mo na din naman daw-" pinutol ko na ang sasabihin niya.

"I'll just talk to Coach Alejandro, ma'am. Una na po ako.." maglalakad na sana ako kaso tinawag niya ako.

"There's a family dinner later. Tito Lucas is expecting you.." family dinner ha? So she's already part of their family. Di na ako nagabala pang sumagot at lingunin siya, umalis na lang ako. Edi sana all family, I should build my own na. Pero bata pa nga pala ako.. Marami pang panahon para don. And besides, the woman I want to build my family with is still not mine.

Pumunta na ako sa parking lot at tinungo ang kotse ko. After i got inside my car ay pinaandar ko na papunta sa kanya. Siya lang ang mapupuntahan ko this time, siya lang ang makakatulong sa akin. Siya na at hindi na si Lyric..

Someone's POV

She looked so miserable right now. She's a pure and softhearted person but everyone keeps on hurting her. If i am given a chance i will take care of her. I will love her more than she deserves. Once she gave me a chance.. I will never let her go, mag kamatayan na..

Third Person's POV

A smirked form on her lips while those things form on her head. Hinaplos niya ang buhok ng babaeng nakayakap sa kanya na kanina pa umiiyak. She quickly removed her smirk nung lumingon ito sa kanya. She smiled at her as if she's telling her that everything's gonna be okay. Pinunasan niya ang mga luha nito saka inalo at niyakap ng mahigpit..

"Cry, baby. After this.. Stand up. I know you can do it.." she whispered at her. Nang walang makuhang sagot ay tinignan niya uli ang babae, she's peacefully sleeping already. A genuine smile appeared on her lips.

——————————

hello po! good day! kamusta kayo? sheesh exam na namin next week huhu. pray for me HAHAHAHAHA. nageenjoy ako habang sinusulat to. sorry for the typos, grammatical errors or may di kayo naiintindihan huhu. diko alam kung matatapos ko to pero sana oo. nageenjoy ako magisip ng plot, plot twist, kalokohan lahat lahat HAHAHAHA. distraction ko from the real world whenever i'm sad. sana maenjoy niyo din to. love lots guys! muah

——————————

031023

Truly, Madly, CrazilyWhere stories live. Discover now