Chapter Four

42 7 0
                                    

"Marunong ka pa palang umuwi?" napatigil ako sa pagtaas pupunta sa kwarto ko. Huminga ako ng malalim saka lumingon sa likod ko, kaya pala maingay. "Anong tinatayo-tayo mo jan? Pati ba paggalang nakalimutan mo na din?"

Pumasok ako sa Dining Area saka nagmano kay Lolo at Lola. Kahit labag sa loob ko nagmano na din ako kay Lucas at sa asawa niya. Nagmano din ako kay Tito at Tita na kasama pala sa hapag. She's beside Glenn, inaasikaso niya si Glenn. Edi sana all. Tumalikod na ako at nag umpisang maglakad ng may nagsalita.

"Sit, Lijan and eat with us.." kalmado na sabi ni Lucas. Di na ako nagabalang lumingon at sumagot.

"I already ate bago ako umuwi dito. I'm full, enjoy yourselves.." nagsimula na akong maglakad uli nung ibinagsak niya ang utensils niya sa plato. Siya yon alam ko, si Lucas. Pikon to e HAHA

"Don't test my patience, Lijan Andrico." kunot noo akong lumingon sa kanya. Nakita kong sumenyas sa akin si Clef, pinapaupo na ako. Bakit ako uupo? Bakit ako kakain? Busog na ako.

"I'm not, Lucas. I'm just full.. don't force me to eat with you. Wala akong gana.." i said and there! He snaps. Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin at hinawakan ang kwelyo ko. Mabilis ang pangyayari at naramdaman ko na lang yung kamay niyang dumapo sa pisngi ko. Kung hindi niya hawak ang kwelyo ko siguradong natumba na ako. Pero sana binitawan niya na lang ako, tulad ng ginawa nila sakin ni Agnes.

Narinig ko ang mga singhap nila, tila nagulat. I just smirked and look at Lucas who's fumingly mad pero kita ang pagsisisi sa ginawa. Oh? Nagsisisi din pala siya? Akala ko wala siyang konsensya.

"You need to learn a lesson. Habang lumalaki ka mas nagiging wala kang modo!" itinatago niya ang pagsisisi niya sa pamamagitan ng mga sinasabi niya. But i bet he's just pretending.

"Sayo lang naman, Lucas.." humigpit ang hawak niya sa kwelyo ko. Lumapit na ang asawa niya at hinawakan siya sa braso. Patulak niya akong binitawan, natawa ako. Ang rupok HAHAHA. Under.

"Apo.." tumingin ako kay Lola tas ngumiti lang ako. I looked at Lolo and he's looking at me intently. Sumaludo ako sa kanya saka tuluyan na tumaas sa kwarto ko.

"TIGAS talaga ng ulo mo no?" mula sa binabasang libro ay napatingin ako sa babaeng kakapasok lang sa secret library ko sa loob ng library dito sa bahay. Umiling siya saka tumabi sa akin, di sobrang lapit.. di rin sobrang layo. Inilapag niya ang dala niyang First Aid Kit saka tumingin sa akin. "Asan ang masakit?"

Umiling ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa, ignoring her. I'm proud of myself, tho i didn't stutter dahil di naman ako nagsalita.. it's just that i remained calm. Di ako nataranta, laging reaction ko yan kapag malapit siya.

Lumapit siya sa akin tapos kinuha niya ang librong hawak ko. Nilagay niya muna ang bookmark sa pahinang binabasa ko bago isara ang libro at ilapag sa table. She held my face at hinarap sa kanya ang side na sinampal ni Lucas. Bigla akong napalunok, ayan na naman HAHA. Letseng kuryente yan, baka kung lagi niya akong hahawakan pwede na kami magpatayo ng tatalo sa Meralco.

Nilagyan niya ng ointment ang mukha ko. Tingin ko nga sinasadya niyang idiin e. Hindi naman ako nasasaktan. Diko alam kung bakit? Pag physical pain, i'm already numb. Emotional pain na lang talaga problema ko. I want to be emotionally numb too..

I'm just looking at her while she's doing her thing. Tumingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay. I smiled at her saka ko hinawakan ang kamay niyang nasa mukha ko. Aalisin niya na sana pero hinigpitan ko ang pagkakahawak, saka ko dinala sa labi ko at hinalikan.

Nakalimutang kong libre pala ang kabila niyang kamay. Since hawak ko yung kabila, she used the other one to slap me. Yes she slapped me. I looked at her, walang bakas ng pagsisisi. Binawi niya ang kamay niyang hawak ko.

Truly, Madly, CrazilyМесто, где живут истории. Откройте их для себя